"There's no way!" sagot ko dahil sa labis na pagkabigla.
I mean she's saying something that's too impossible to happen. First and foremost, Selene's too weak para maging isang murderer at isa pa...
"Patay na si Selene hindi ba?" si Howard sa nalilito niyang tono.
Napangisi naman si Sofia at sa mukhang pinamamalas niya ngayon, alam kong may sasabihin siyang tiyak na mas lalong magpapakati ng isipan namin.
"Naniniwala talaga kayong namatay siya?" sarkastikong tanong niya.
Wala akong ibang nasabi o nagawa man lang kundi ang magsalubong ng kilay dahil sa mga salaysay ni Sofia. She's literally uttering the total opposite of the story I know.
Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya pero bakas sa itsura niya na alam na alam niya ang sinasabi at kaya niya iyong panindigan. Knowing Sofia, hindi siya gagawa ng hakbang o magsasalita ng kung ano without enough proofs na magpapatunay ng mga sinasabi niya.
"Alam kong iniisip niyong baka nababaliw lang ako dahil sa mga sinasabi ko tungkol sa isang taong alam ng lahat na patay na.
But come to think of it, Hindi imposible ang sinasabi ko hindi ba?" pagtutuloy pa niya.
Napailing na lang ako nang matapos siya sa sinabi niya. Kilala ko si Selene at napakalayo ng pagkakakilala ko sa paraan kung paanong nilalarawan siya ni Sofia. However, kilala ko din naman si Sofia at alam kong hindi siya mag-iimbento ng kwento. I absolutely know them well kaya sobrang nalilito ako ngayon.
I don't want to lose faith with Selene pero sa mga sinasabi ni Sofia, its now starting to fade.
"Elezalde comeback to your senses!" utas ko sa likuran mg isipan ko at pilit na kinukumbinsi ang sariling huwag pagdudahan si Selene.
Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagdebate sa sarili ko nang nagsalita uli si Sofia.
"Hindi mo ba napansin Eli na simula noong maging girlfriend mo siya ay nahinto ang patayan? I mean hindi na nasundan sina Mia at Wendy.
Hindi man ito matibay na ebidensya pero isipin mong maigi. Kasabay ng pagiging official niyo ay ang pananahimik ng murderer sa pagpatay."
"Wait! So kaya hindi namatay si Selene ay dahil siya mismo ang murderer?" singit naman uli ni Howard na sa mga sandaling iyon ay tila kumbinsido na sa mga sinasabi ni Sofia.
Muli namang napangiti si Sofia at tumango bilang tugon kay Howard.
Samantalang ako ay tuluyan na ngang naestatwa sa kinauupuan ko. I am out of words to say dahil sobrang nalilito na ako. Hindi kayang bigkasin ng bibig ko ang tinatakbo ng isipan ko ngayon.
For the second time, nilabas uli ni Sofia ang pulang flashdrive sa bulsa niya. Inilibot niya ang paningin niya sa loob ng bahay na tila may hinahanap na kung ano. Kusa namang pumasok si Howard sa kwarto niya at nilabas ang personal laptop na gamit niya.
Wala akong ibang ginawa kundi panoorin sila habang sine-set up ang flashdrive at laptop. Hindi lang talaga kayang iproseso ng isip ko ang lahat ng mga rebelasyon mula kay Sofia. At baka masiraan na ako ng bait dahil mukhang marami pa siyang maipapakitang patunay sa amin ni Howard.
Nasa likod ni Sofia si Howard at sabay silang naghanap ng kung anong file na sa pakiwari ko ay susuporta sa lahat ng mga sinabi ni Sofia sa amin. Matapos lang ang ilang sandali ay inilahad ni Sofia ang screen ng monitor ng laptop sa gawi ko.
"This picture was taken during the preliminary investigation sa insidente ng pagkakaaksidente ni Mia. Tingnan mong maigi ang police report," si Sofia pagkatapos magpakita ng isang police report.
BINABASA MO ANG
The Murderer's Escape [ONGOING]
Mystery / ThrillerWala na ngang mahihiling pa sa kanyang buhay ang isang Elezalde Victoriano. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang Science and Research Center at namumuhay ng normal. May maayos na trabaho at kita, mayroong bahay na 'di kalakihang tinutuluyan, may...