It was indeed a dream!
Hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa ring napapanaginipan si Selene. A series of dream kung saan ay sinisisi niya ako sa pagkamatay niya. After that day nang namatay siya ay palagi nalang akong nagigising na luhaan at hindi alam ang dapat kong gawin at maramdaman.
I lost Selene. I let her die at marahil tiyak ngang sinisisi niya ako sa kamatayang sana ay napigilan ko kung nasa tabi niya ako. Kung hindi sana ako naging ma-pride no'ng gabing 'yon at hindi iniwan si Selene mag-isa, siguro ay buhay pa siya.
Nang mawala si Selene, I just realized that its not like I am cursed. Hindi ito isang sumpa kundi isang kapabayaan. I lost those girls na mahalaga sa akin dahil napabayaan ko sila. And it hurts me each and everytime na makikita ko ang itsura ko sa salamin, looking good despite of knowing that four girls lost their life dahil pinabayaan ko sila.
Isang linggo na din ang dumaan pero nananatili pa ring malabo ang itinatakbo ng murder case nina Selene at Tracey. Nahihirapang umusad ang imbestigasyon dahil din sa malinis na pagkakagawa ng krimen. May iba't-ibang assumptions ang pulisya at may anggulo ring tinitingnan na hindi iisang tao lang ang pumatay sa kanila at nagkataon lang na halos sabay silang pinatay sa iisang lugar ng dalawang magkaibang killer.
Walang nakitang evidences at weapons sa bahay nina Tracey pero ayon sa imbestigasyon ay may nawawalang kitchen knife sa bahay nila na most probably ay ang ginamit ng salarin para laslasin ang leeg ni Tracey. Workmates kami at wala naman akong kilalang naging kaaway niya sa trabaho o maging sa personal na buhay niya. Tracey's such a sweet girl and I can't imagine that she'll be killed by such terrible way.
Ganoon din ang pagkamatay ni Selene. There was no traces of the murderer. Walang nakakaalam kung anong actual na nangyari dahil dis oras ng gabi nang mangyari ang krimen at wala ring CCTV cameras sa paligid. Kaya hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung ano ang nangyari at kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay Selene.
Nananatili mang malabo ang lahat sa ngayon, iisa lang malinaw para sa akin. Patuloy pa ring pagala-gala silang nasa likod ng pagkamatay nina Selene at Tracey, living their lives normally as if there were nothing happened. Bakit nila iyon ginawa? Anong motibo nila para pumatay ng babaeng walang kalaban-kalaban sa kanila.
Dahan-dahang hinanap ng mata ko ang orasan sa dingding at alas dos na pala ng tanghali. Nitong mga nakaraan kasi ay sobrang weird ng sleeping pattern ko. I am usually awake during night time at tulog naman sa umaga.
Bumalikwas na rin ako ng bangon at nag-ayos ng higaan saka nanalamin at tiningnan ang aking sarili. Makalat pa ngayon sa kwarto dahil kalilipat ko lang din dito sa bahay ni Howard na siyang kaibigan at katrabaho ko. Nasa HQ siya ngayon kaya mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay kaya kailangan ko na din bumangon para simulan ang araw ko at magpupunta pa ako sa police station para makibalita sa updates ng imbestigasyon.
Isinara ko muna ang noo'y nakabukas na bintana bago marahang lumakad papunta sa kusina to check it out kung may pagkain. Minsan kasi ay nagluluto si Howard ng sobra para makakain din ako, pero minsan wala lalo na kapag nagagahol siya sa oras. Hindi mahigpit si Howard sa akin lalo na sa pagkain at consumables. Hinahayaan niya lang akong gawin nang malaya ang gusto kong gawin as long as wala akong masisirang gamit.
Nang matanaw ko na ang kusina, ay alam kong hindi nakapagluto ng agahan si Howard. Malinis ang lugar at walang anumang bakas ng pagluluto kaya sinilip ko agad ang refrigerator to check out kung anong pwede kong kainin. It turns out na maliit na bacon slice na lang ang naroon at dalawang pirasong itlog kaya kinuha ko na din iyon para lutuin.
As I am on my way walking towards the stove ay napansin ko ang isang kaserola. Kunot-noo kong tiningnan ang loob niyon at nagulat ako nang makitang ulam pala iyon.
BINABASA MO ANG
The Murderer's Escape [ONGOING]
Mystery / ThrillerWala na ngang mahihiling pa sa kanyang buhay ang isang Elezalde Victoriano. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang Science and Research Center at namumuhay ng normal. May maayos na trabaho at kita, mayroong bahay na 'di kalakihang tinutuluyan, may...