Three

268 23 30
                                    


"SA isang kondisyon."

"What?"

"Dance with that nerd you just rejected a while ago." Lumipad ang tingin nito sa kung saan.

Nahulaan niyang ang nerd na lalaki ang tiningnan ni Tzuyu. "No way!"

"Why? Because he's a nerd and he doesn't have even a tiny chance with a girl like you?"

"I don't dance with just anybody."



"But you know him, right? He's not just anybody. He is a science whiz. Sikat din siya sa school na tulad mo. At saka hindi naman siya pangit, eh. Alisin lang ang salamin at ayusin Ang buhok, gwapo na 'yan. At saka mabait din 'yan. But okay granted na ayaw mo sa kanya, you should have at least told it to him in a nice way. At hindi iyong sinigawan mo siya at pinandilatan mo pa."


Sana exhaled in disbelief. "I can't believe you're reprimanding me. Who are you to do that?"

"Makikipagsayaw ka ba sa kanya o hindi ko sasabihin ang gusto mong malaman?"


Sinulyapan niya ang nerd. Hindi siya mapapakali hangga't nalalaman kung ano ang mayroon sa pagitan nina Nayeon at Jeongyeon. "Oo na!"



Tinawag ni Tzuyu ang nerd. Ilang sandali pa ay nasa dance floor na sila ng nerd at sumasayaw.


Wala siyang kagana-ganang sumayaw samantalang ang kasayaw niya ay todo hataw sa sayaw na out of this world. Nakita niya si Tzuyu na pinapanood sila. Nginitian siya nito. Tila tuwang-tuwa ito sa nakikita. Inirapan niya ito. Bago matapos ang music ay muli siyang tumingin sa lugar na kinatatayuan ni Tzuyu kanina ngunit wala na ito roon. Lumibot ang mga mata niya ngunit hindi niya ito nakita. Kinutuban siya.


Hindi siya nagpaalam sa kasayaw. Basta na lang niya itong iniwan at hinanap si Tzuyu. The bitch was gone! Naisahan na naman siya nito.



"TIGILAN n'yo siya!" Sigaw ng pamilyar na tinig.


Napasinghap si Sana nang ma-recognize ang tinig. Marahas ang ginawa niyang paglingon sa pinanggalingan ng tinig. Tama siya, si Jeongyeon nga ang dumating. Mabilis niyang binitawan si Nayeon. Binitawan rin ng mga kaibigan niyang tumulong sa kanya para turuan ng leksyon ang babaeng karibal niya kay Jeongyeon.


Nagkasagutan sila ni Nayeon sa lobby ng engineering building. Kinumpirma nito ang hinala niya na may namamagitan na sa mga ito. Galit na galit siya dahil sadyang ipinamukha pa nito sa kanya na hindi siya magugustuhan ni Jeongyeon. She started the physical fight because she was really mad and Jealous. Lumaban ito. Nang makita ng mga kaibigan niya na nadedehado siya ay tinulungan siya ng mga ito. Pinagtulungan nila si Nayeon. Pero sa kamalas-malasan ay dumating si Jeongyeon at nahuli nito sa akto na pinagtutulungan nila si Nayeon.


Hinila nito si Nayeon palayo sa kanila. "Bakit n'yo siya pinagtutulungan? Bakit n'yo siya sinaktan?" She asked, almost harshly.


"Jeongyeon... kase siya, eh. She started this." Hindi naman mauuwi sa ganoon ang lahat kung hindi sadyang ipinamukha pa sa kanya ni Nayeon na wala na siyang kapag-a-pag-asa kay Jeongyeon.


"Liar!" Sikmat ni Nayeon kay Sana habang humihikbi. "I was walking alone here when she blocked my way. She confronted me and hurt me. Sinaktan niya ako dahil sa'yo. Dahil inagaw daw kita sa kanya."


"Hindi ko gusto ang ginawa mong ito, Sana. Tam ba na pagtulungan n'yo siya? Tama bang saktan n'yo siya nang dahil sa'kin?"


"Inagaw ka niya sa'kin!"


"Hindi niya ako inagaw sa'yo 'cause you don't own me, Sana. Kaya walang dahilan para saktan mo si Nayeon. At kahit may dahilan man, hindi n'yo siya dapat sinaktan. "


Sanay na siya na sinusupladahan ni Jeongyeon. Sanay na siya na nilalayuan nito. She always felt hurt whenever she did that. But this time, it's more than hurt her.


"Wag na 'wag n'yo nang sasaktan si Nayeon. Kung ayaw n'yong ako ang gumanti sa inyo. At hindi n'yo magugustuhan kung anong gagawin ko sa'yo at sa inyo kapag ginulo n'yo pa siya. Leave her alone from now on. Naiintindihan n'yo ba?"


Kung nasaktan siya sa mga sinabi nito ay lalo siya nasaktan sa sumunod na ginawa nito. Binuhat nito si. Nayeon palayo. Saka lamang niya napansin ang mga tao sa paligid. She needed to get out of there fast. Ayaw niyang doon pa siya umiyak.


Nang tumalikod siya ay nagsisunuran ang mga kaibigan niya. Saglit pa siyang napahinto nang makita niya sa likuran niya si Tzuyu na nakatingin sa kanya. Marahil nasaksihan nito ang nangyari. Inaasahan na niyang makita sa mukha nito ang amusement sa nasaksihang pagkapahiya niya. Ngunit himalang seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Hindi rin siya inasar nito. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad palayo.





INAASAHAN ni Tzuyu ang naging reaksyon ni Jeongyeon sa ibinalita niya rito.


"She wouldn't quit, would she?" Sinapo nito ang noo. "May girlfriend na ako, hindi parin siya tumitigil? What the hell is wrong with her?"


"Well, she's head over heels in love with you. that's why."


Narinig ni Tzuyu ang naging pag-uusap ng dalawa sa mga kaibigan ni Sana isang araw habang naglalakad siya sa school ground. Hindi napuna ng mga ito na nagdaraan siya malapit sa mga ito. Nang marinig niya ang pangalan ni Nayeon ay napahinto siya at natuksong makinig nang hindi napupuna ng mga ito. Hindi man eksakto ang mga narinig ay nagkaroon siya ng ideya na may binabalak si Sana laban sa magnobya. Ang Akala niya ay naka-recover na si Sana sa one-sided love nito kay Jeongyeon dahil hindi na ito lumapit pa kay Jeongyeon matapos ang insedente sa lobby. Hindi pa pala.


"She's sick." Umiling-iling si Jeongyeon.


"She's obsessed. And you know her kind. Kapag may ginusto kailangan makuha. Hindi titigil at gagawin ang kahit ano para lang makuha ang gusto. That brat." She grinned.


Ang totoo ay hindi naman siya naiinis kay Sana tulad ng pagkaasar ng pinsan niya dito. In fact, she was amused of her. Noong napahiya ito sa lobby ng Engineering building dahil sa ginawa nito kay Nayeon ay nakadama siya ng munting awa dito. For a moment she had thought of consoling her, but she held herself up. She had to learn her lessons. Kailangan nitong ma-realize na hindi Lahat ng bagay na gusto ay nakukuha at dapat ay matuto itong tumanggap ng pagkabigo.


"But don't worry, my dear cousin. Hindi niya kayo mapaghihiwalay ni Nayeon. You are mushily in love with each other. As I see, nothing could set you two apart. Ano sa tingin mo?"


Tumango-tango ito. "Kunsabagay, kahit anong gawin niya, hindi niya kami mapaghihiwalay ni Nayeon. But I still wonder what I should do to make her stop from being a nuisance. As far as I see, nothing could seem to move her."


Napaisip si Tzuyu. Ayaw rin niya na magtagumpay si Sana sa binabalak nito laban Kay Nayeon at sa kanyang pinsan.


...

QUEEN BEE [COMPLETED]Where stories live. Discover now