NAGMAMADALING naglakad si Sana sa hallway patungo sa condo unit ni Jeongyeon. Kailangan niyang puntahan si Jeongyeon. Hindi Siya makakapag na masayang lamang ang nagyaring break up nito at ni Nayeon.
Nagtagumpay siya na mapaglayo ang mga ito. And for that, she wanted to thank Tzuyu for her blabber mouth. How ironic na binalaan pa siya nito na huwag gumawa gumawa ng paraan para paghiwalayin ang dalawa ngunit ito pa ang hindi direktang nagbigay sa kanya ng impormasyon na nagamit niya sa plano laban kay Nayeon.
Naglalakad siya sa school ground kasama si Momo nang makita nito si Dahyun. Ang alam niya ay nagdi-date ito at si Dahyun ngunit bigla ay pinagtataguan na ito ng babae. Nang mga sandaling iyon ay kausap ni Dahyun sina Chaeyoung at Tzuyu. Lalapit sana si Momo sa mga ito upang komprontahin si Dahyun ngunit pinigilan niya ito dahil narinig niya ang pangalan ni Jeongyeon sa usapan ng mga ito. Nagkainteres siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito nang marinig pa ang pangalan ni Nayeon. Hinila niya si Momo at nagtago sila sa likod ng isang punong may matabang trunk dahil ayaw niyang mahuli siya ni Tzuyu na nag-e-eavesdrop. Mula roon ay narinig niya ang mga ikinuwento nito tungkol sa maitim na planong naglapit kina Jeongyeon at Nayeon.
Hindi na siya mag-aksaya pa ng panahon. Kinabukasan rin ay hinarang niya si Nayeon at sinabi rito ang tungkol sa mga nalaman. Ang akala niya ay hindi siya pinaniwalaan nito ngunit makaraan ang ilang araw ay nabalitaan na lamang niyang break na ang dalawa. That same day, she celebrated with her friends. Nabalitaan din niya ang mga ginawang panunuyo ni Jeongyeon kay Nayeon para mapatawad ng huli pero naging matigas si Nayeon.
Ang akala niya ay hindi na talaga patatawarin ni Nayeon si Jeongyeon pero narinig niya mula sa mga kaibigang inutusan niyang manubok kay Nayeon na lumalambot na ang puso nito at balak nang patawarin si Jeongyeon.
Nalaman pa ng mga ito na pupuntahan ni Nayeon si Jeongyeon sa condo nito dahil tatlong araw nang hindi pumapasok ang babae at nag-aalala na ito. Kaya naman bago pa ito makapunta roon inunahan na niya ito.
Makailang pag-doorbell ang ginawa niya bago bumukas ang pinto ng condo unit ni Jeongyeon. She looked messed up. She was drinking beer. Mukhang malapit nang malasing ito dahil naniningkit na ang mga mata nito nang makita siya.
"Hi, Jeongyeon! How are you? Bakit hindi ka pumasok nang three days? Na-miss tuloy kita."
"Anong ginagawa mo rito?" Tila walang ganang tanong nito.
"I bought you something." Itinaas niya ang box ng pizza na dala. "Looks like you're hungry." Hindi na niya hinayaan pang magsalitang muli ito. Alam niyang paaalisin lang siya nito. Pumasok na lamang siya at tumloy-tuloy sa loob.
"Umalis ka na, Sana. I want to be alone," Sabi nito habang pinapanood siya sa pagbubukas ng pizzabox na inilapag niya sa center table ng sala nito.
"No. Gusto kong damayan ka sa lungkot mo. I know you're sad about your break up with Nayeon. I'm here to be your friend. Dadamayan kita."
Tumungga ito ng beer at pabagsak na umupo sa couch. Hindi na siguro ito nagpilit paalisin siya dahil hindi siya basta-basta mapapaalis nito. Pinanuod niya ito sa muling pagtungga ng alak. She looked miserable. At alam niyang si Nayeon ang dahilan kung bakit naglalasing ito at hindi pumapasok nang tatlong araw. She really loved that bitch.
"Jeongyeon, what are you doing? You're getting wasted just because of her?"
"Ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay kami. Masaya ka ba?" Mahinahong panunuya nito.
YOU ARE READING
QUEEN BEE [COMPLETED]
FanfictionSaTzu ff Sana Minatozaki was the campus Queen Bee. Siya na yata ang pinakamaldita sa buong JYP University. But because she was beautiful and popular, she could always get away with anything. Akala ng iba, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin. Pero a...