Ten

237 23 40
                                    






AWANG-AWA si Sana sa sarili habang hawak ang duster at inaalisan ng alikabok ang mga malalaking vase sa living room. Makailang beses na siyang nahatsing at parang gusto na niyang maiyak sa sobrang pagkaawa sa sarili ngunit kailangan niyang itago ang tunay na nararamdaman dahil pinapanood siya ni Tzuyu habang nililinis niya ang bahay nito na tila enjoy na enjoy sa pagmamasod sa kanya.






Ang sama-sama nito! Panay irap siya rito. She still tried to look composed even though she wanted to cry in helplessness. Determinado siyang ipakita rito na hindi siya masyadong nahihirapan sa ipinapagawa nito sa kanya upang ma-realize nito na failed ang plano nitong pagpapamukha sa kanyang kawawa.







"Well, hindi naman pala ganoon kahirap ang mga gawaing bahay," ani Sana.







"Really?"







"Yeah. Para lang akong nag-e-exercise."







"Ganoon ba? Sige, since nag-e-enjoy ka naman pala sa ginagawa mo, pagkatapos mo diyan, linisin mo ang labas ng bagay."







Nanlaki ang mga mata niya. "May sinabi ba akong nag-e-enjoy ako? Wala akong sinabi na nag-e-enjoy ako. Ang sinabi ko lang, parang exercise ito. Duh! At saka ang exercise l, hindi gaanong tinatagalan dahil baka matadtad ang mga muscles at magkaroon ng crumps. Kaya siguro kailangan ko nang magpahinga dahil kanina pa ako nag-e-'exercise' dito."







"Magpahinga ka lang saglit at pagkatapos, ituloy .o ang pag-e-'exercise'... sa labas." Ngumisi muna si Tzuyu bago humakbang palayo.






Nang mawala na ito sa paningin niya ay padabog niyang itinapon sa sahig ang duster. She imagine Tzuyu's face on the duster. Pinag-aapakan niya iyon upang doon ilabas ang galit. "You monster, I hate you! I hate you!"







"What are you doing?"







Natigil siya sa ginagawa at marahas na napatingin dito. May pagbabanta sa mga mata nito na tila ba ang susunod nitong sasabihin ay ide-detain siya nito sa lugar na iyon nang higit sa tatlong linggo. "Well there's a cockroach on the duster. I was just trying to kill that disgusting little monster," nakairap na sabi niya. Hindi siya makapaniwalang nagpapasindak siya rito. Gayunpaman ay hindi siya nagpakita ng takot.






"Have you killed it?"







"How I wish I had... pero mukhang nakawala."






"Siguro kasi... mas maparaan ang cockroach na iyon kaysa sa 'yo."








Nakipagtagisan siya ng titig kay Tzuyu. Alam niyang may laman ang mga salita nito. Mukhang alam rin nito na ito ang ipis na sinasabi niya. Maparaan... siguro nga ay maparaan ito. Ngunit hindi siya papayag na manatili sa lugar na iyon ng kahit isang linggo na kasama ito. Kailangan niyang umisip ng paraan para makaalis sa lugar na iyon. Lalansiin niya ito. At kapag nagtagumpay siya ay kakainin nito ang mga salita nito.







"I changed my mind. 'Wag ka nang maglinis sa labas. Mamaya mo na gawin iyon. Unahin mo na lang muna ang kwarto ko."







Hindi siya papayag na hindi matalo ito. Gagawin niya ang kahit ano para makaalis sa lugar na iyon.










NAKAUPO si Tzuyu sa wicker chair na nasa patio habang nagbabasa ng libro. Saglit niyang ibinaba ang libro dahil tila wala roon ang isip niya kundi na kay Sana na. That wench was really tough. Kunsabagay ay hindi naman ito bibigyan ng label na "queen bee" kung hindi ganoon kalakas ang character nito. She truly had an attitude. Tila kay hirap nitong paamuin.






QUEEN BEE [COMPLETED]Where stories live. Discover now