Seventeen

263 17 41
                                    






"Hi is Tzuyu there in her office?" tanong ni Sana sa kasamahan ni Tzuyu nang pumunta siya sa opisina ng Civseya kung saan ito ang nakaupong presidente.







"Yes, Sana. Come in. Kausap niya si Jeongyeon. Kumatok ka na lang."








Si Jeongyeon... Nagdalawang-isip pa siya kung pupunta sa opisina ni Tzuyu o hindi. Naisip niyang iyon na marahil ang panahong hinihintay niya. Mas mainam na kaharap si Tzuyu kapag humingi siya ng tawad sa pinsan nito. Kakatok na sana siya ngunit natigilan siya. Narinig kasi niya ang tinig ni Jeongyeon na binanggit ang pangalan niya.







"Totoo bang kayo na ni Sana?"







Wala siyang narinig mula Kay Tzuyu ngunit na-imagine niya na tumango ito bilang pagsagot sa tanong sa tanong ng pinsan.







"Since when?"








"It doesn't matter. Ang mahalaga, hindi ka na niya guguluhin pa kahit kailan. Nag-work ang plano ko. Sinabi ko nang ako bahala sa kanya, 'di ba?"







"Ang ibig mo bang sabihin, pinaibig mo lang siya para hindi na niya ako guluhin pa? Kunsabagay, dapat pa ba akong magtaka? You made me that trick to Nayeon, as well. Sana lang noon mo pa naisip ito. Noon mo pa sana pinaibig si Sana sa 'yo para ilayo ang atensyon niya sa akin. Hindi na sana niya nagawang paglayuin kami ni Nayeon."







Parang itinulos si Sana sa kinatatayuan sa mga narinig. Pinaibig lang siya ni Tzuyu para mawala ang interes niya kay Jeongyeon at hindi na niya guluhin pa ang huli? Ibig sabihin ay hindi siya totoong mahal ni Tzuyu? Niloloko lang siya nito? Pinaniwala na mahal siya? Umiling siya. Hindi maaari iyon. Mahal siya ni Tzuyu. Naramdaman niya na mahal siya nito.






"I'm sorry, cousin. I moved too late. But at least, wala ka nang poproblemahin tungkol sa kanya mula ngayon. She's completely over you."







Nag-init ang mga mata ni Sana. Pero bakit ganoon magsalita si Tzuyu? Bakit hindi nito pinabulaanan ang sinasabi ni Jeongyeon na ginamitan lamang siya ng trick nito? Bakit hindi nito sinabi na mahal siya nito?






"Hindi ako sang-ayon sa ginawa mo, Tzuyu. But maybe she deserves that for what she's done to me and Nayeon. I won't ask kung kailan mo siya balak hiwalayan. Pero sana while you're holding her, make her realize her faults. Thanks, Tzu."






Wala na siyang narinig pa mula kay Tzuyu. Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Kung totoong mahal siya ni Tzuyu at hindi lang isang trick ang ginawa nitong pagpapaibig sa kanya, dapat ay hindi ganoon ang mga salita nito. So, everything was just a ploy. Tzuyu just made her fall for her because Jeongyeon's sake.






But why did she feel so real? Kunsabagay, Tzuyu was a schemer. She was full of freaking tricks. She could definitely act to support her schemes. She did not really love her. And hurt her like hell.










"WHAT did you say?"







Tumingin si Sana Kay Tzuyu na halatang nabigla sa sinabi niya. She summoned all the strenght in her body to be able to not to show her real emotions that moment. She was mad. She was hurt. But she should not show what she truly felt. Kaya rin niyang umarte. Kaya rin niyang lokohin ito gaya ng ginawa nito sa kanya. Kaya niyang manloko para isalba ang kanyang pride. Hindi niya ito kokomprontahin tungkol sa nalaman dahil magmumukha siyang kawawa. She would rather pretend and save her pride.







"Let's break up, Tzuyu. I don't want this relationship anymore."








Matagal itong tumitig sa kanya at pagkatapos ay unti-unting ngumiti. "Stop kidding me. That's funny."







"I am not kidding." Sana tried to be natural. She tried to look like a girl who wanted to initiate the breakup but was afraid to hurt her partner. Nagawa pa niyang tumingin ng may simpatya kay Tzuyu sa kabila nang ang sarili talaga niya ang kailangan ng simpatya.







At some point. She realized that maybe she deserved what he did to her because of what she did to Jeongyeon and Nayeon. It was bad karma for her. Kaya hindi rin niya magawang sisihin ito dahil baka ginusto talaga ng tadhana na mag-suffer siya sa kasalanan niya.






Nalusaw ang ngiti ni Tzuyu. Sumungaw ang hinanakit sa mga mata nito. "Why? What did I do?"






You ask yourself, bitch! Galit siya ngunit hindi niya kayang kamuhian ito. Despite what Tzuyu did to her, she still loved her so much. Hindi niya akalaing kaya niyang maging ganoon katanga. Love made her a fool twice. Ngunit ang pagkakataong ito ang pinakamasakit. Jeongyeon did not really break her whole heart, Tzuyu did.






"I realized I don't really love you. And I'm sorry... kasi sa tingin ko, nagamit lang kita para makalimutan ko si Jeongyeon. I was vunerable that time. I wanted to recover from my heartache. Ang akala ko mahal na talaga kita. Pero... hindi pala. I realized, I'm still in love with Jeongyeon. Siya pa rin talaga ang mahal ko."






Nakita niya ang matinding hinanakit na lumarawan sa mga mata nito kasabay ng pagtiim ng mga bagang nito. Saglit siyang nalito. Bakit ganoon ang reaksyon nito? Bakit parang nasaktan talaga ito sa mga sinabi niya? Then she realized that maybe Tzuyu was hurt because she feel insulted. Siguro ay nagagalit ito dahil nalaman nitong hindi pala talaga nagtagumpay ito na maalis si Jeongyeon sa puso niya gaya ng layon ng trick nito at nasayang lang ang effort nito sa pag-accomplish ng scheme nito.







Marahas na huminga si Tzuyu. "I don't understand, Sana. How could that happen? I know you love me. You made me feel that you do."






"Ang akala ko din mahal kita. Pero nang makita ko ulit si Jeongyeon, realizations came to me. I'm sorry, Tzuyu. I didn't mean to use or hurt you. It's just the way I feel. Hindi mo nakayang burahin si Jeongyeon sa puso ko. So, please let's both move on."






Nakita niya ang pagkuyom ng mga palad ni Tzuyu. Matagal bago ito nagsalitang muli. "What are you going to do now? Are you going to go back chasing Jeongyeon, huh? Hindi ka pa rin ba titigil hangga't hindi mo siya nakukuha?" May pang-uuyam na sa tinig ni Tzuyu.






"No. I love her but I won't be chasing her anymore. Dahil alam ko nang hindi lahat ay puwede kong makuha at hindi puwedeng mahalin ako ng lahat ng gusto kong mahalin ako. Jeongyeon could not love me back. Tanggap ko na iyon. But I'd continue loving her kahit na hindi niya ako mahal."






Hindi para kaya Jeongyeon ang mga sinabi niya kundi para Kay Tzuyu. Mahirap tanggapin na sa ikalawang pagkakataon na nagmahal siya ay hindi pa rin natugunan ang damdamin niya. Ngunit ano pa ba ang magagawa niya kundi ang tanggapin na lang ang katotohanan na hindi siya mahal ni Tzuyu.







"I'm so sorry, Tzuyu. I hope you'll be happy. Don't worry, lahat ng natutunan ko sa 'yo, hindi ko kakalimutan. Thanks for the good times. Goodbye." Tumayo na kaagad siya cat lumakad palayo dahil kung mananatili pa siya sa harap nito ay baka hindi na niya makaya pang labanan ang tunay na emosyon.







"Sana..."







Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang anumang sasabihin nito.







"Goodbye," mahinang wika nito matapos ang ilang saglit.







Tuluyan nang nag-init ang mga mata niya. Bago pa man siya makapasok sa kanyang kotse ay umagos na ang mga luha niya. Kailangan niyang tanggapin na hindi para sa kanya si Tzuyu. Kailangan niyang tanggapin ang pagkabigo kahit gaano pa kasakit iyon.







End.









Charot.





QUEEN BEE [COMPLETED]Where stories live. Discover now