Eleven

274 25 44
                                    







HANGGANG tainga ang ngiti ni Sana habang tinatapos ang pag-aayos sa sarili sa tapat ng chest dresser. Excited na siyang umuwi. Hindi na siya mananatili pa sa lugar na iyon nang buong sembreak. Hindi na siya mahihirapang gumawa ng mga household chores maging sunud-sunuran kay Tzuyu. Hindi na talaga kayang tanggapin ng kanyang sistema ang pagkagula-gulanit ng kanyang pride. And so, she came up with an idea. Isang ideyang napagtagumpayan niyang gawin.








Nagtagumpay siyang malinlang si Tzuyu. Kahit na napakapresko ni Tzuyu at nagawa siyang linlangin nito, alam niyang hindi talaga ito masamang tao. Kaya naisip niyang maaari itong kumagat sa pagpapaawa at pagbabanta na kikitlin niya ang sariling buhay. Ang pagiging malungkot at tahimik niya magmula kaninang umaga ay isa lamang drama. At ang salitang binitiwan niya rito tungkol sa kagustuhan niyang mamatay na lamang kaysa manatili sa lugar na iyon ay para lamang masuportahan ang kanyang balak.





Kahapon nang maraanan niya si Tzuyu sa patio ng cottage house ay naramdaman niyang tumingin ito sa kanya habang naglalakad siya palabas ng bahay. Alam rin niya na nakita nito na humihikbi siya. Pina-obvious niya iyon upang makuha niya ang atensyon nito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa tubig. In that way ay hindi nito iisiping balak lang niyang lumangoy. Otherwise, she would have moved differently. Pinagbuti niya ang pagyugyog ng mga balikat upang mapa-obvious ang paghagulhol niya.







Thanks to her talent in acting. Maya-maya lamang ay makakaalis na siya sa lugar na iyon.






Sa pagbaba niya ay nakita niya si Tzuyu na nakatayo sa ibaba ng hagdan. "I'm ready!" Aniya nang tumigil siya sa gitna ng hagdan. "My luggages are in my room. Pakibuhat na lang."





Hindi tuminag si Tzuyu na nakatayo sa bungad ng hagdan. Humalukipkip lang ito habang pinagmamasdan ang hitsura niya.





"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Ang akala ko ba ihahatid mo na ako sa manila? Ah... hindi ka sasama? Ipasusundo mo lang ako sa chopper? That would be better." Nagpatuloy siya sa paghakbang pababa.






"Pumanhik ka sa itaas at i-unpack ang laman ng luggages mo."






Nabitin sa ere ang paa ni Sana. "Huh?"






"Hindi ka na aalis."





Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit?!"






"Dahil ayoko," matatag na wika nito.





Itinuloy niya ang paghakbang hanggang sa tuluyang makababa ng hagdan. "Ano bang sinasabi mo? You told me I'm going home today."





"Yes, I was about to let you go home today until I found your little secret."






"What secret?"





May pinindot ito sa maliit na gadget na hawak nito at pumailanlang ang kanyang tinig. "Hay, Tzuyu... akalain mo at madali ka rin palang maloko. Akala mo ikaw lang ang nakaisa, huh? Maparaan din ako at hindi ako papayag na maikulong mo rito. Kaya rin kitang paikutin sa mga palad ko. I couldn't wait to be home and tell your face that you've just been tricked. Hindi totoong magpapakamatay ako nang dahil dito, no!"






For a moment at tila hindi makagalaw si Sana sa pagkabigla. Tinig niya iyon at iyon ang mga salitang sinabi niya kagabi sa kanyang silid habang nag-e-empake siya ng kanyan mga gamit.





"I have to give it to you. Magaling kang umarte. Naloko mo nga ako, but still, hindi ka pa rin nagtagumpay. Nasa akin pa rin ang huling halakhak." Tumawa ito.





QUEEN BEE [COMPLETED]Where stories live. Discover now