Final chapter.
NAKATITIG lamang si Sana sa cascade waterfalls. Sumuong siya sa gubat at nagpunta siya roon nang hindi nalalaman ni Tzuyu. She needed to be away from her for a while. She wanted to contemplate hard. Nalito siya sa mga huling salitang binitawan nito kanina. Tzuyu looked like she meant those words. Tila totoong minahal siya nito.
Ngunit paano nito maipapaliwanag ang konbersasyon sa pagitan nito at ni Jeongyeon na narinig niya? Malinaw pa sa kanya ang bawat katagang binanggit nito. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang mga sinabi nito. Hindi niya alam kung dapat pa ba nilang buksan ang isyu tungkol sa nakaraan nila. Ngunit tila hindi niya kayang tuluyan nang ipagsawalang-bahala ang mga sinabi nito kanina. She wanted to know the truth.
Hindi niya namalayan na papadilim na pala. Masyado pala siyang matagal na nanatili doon. Nang tahakin niya ang pabalik sa cottage house ay naligaw siya. Nagsimula na siyang matakot nang dumilim na at hindi pa rin niya nakikita ang daan pabalik sa bahay. Bigla pang umulan kaya basan-basa siya at ginaw na ginaw. Natapuan na lamang niya ang sarili sa harap ng kuweba kung saan maraming paniki ang nakatira. Lalo siyang natakot. Sumilong siya sa isang puno at doon umiyak sa takot. She found herself calling Tzuyu's name. Sinigaw niya ang pangalan nito nang paulit-ulit, as if he could hear her.
Madilim at may naririnig siyang mga kaluskos na malapit sa gawi niya na tila kumikiskis sa mga dahon. Nanginig siya sa takot nang maisip na maaaring ahas ang mga iyon at anumang sandali ay maaari siyang tuklawin o lingkisin nang wala siyang kalaban-laban? O kung hindi naman siya patayin ng ahas ay maaari siyang mamatay sa hypothermia kung magpapatuloy ang pagbuhos ng tubig at napakalamig na temperatura. Would she die now?
Mamamatay na lang ba siya na hindi nalalaman ang katotohanan tungkol sa tunay na damdamin sa kanya ni Tzuyu noon? Mamamatay na lang ba siya na hindi niya nasasabi rito na mahal pa rin niya ito hanggang ngayon? Na-realize niya iyon noong nakaraang araw pa pero pilit niyang itinatanggi sa sarili. Ngunit hindi na niya kaya pang pagsinungalingan pati ang kanyang sarili. But would it have any use now? Kung mamamatay na siya ay wala nang magiging halaga ang lahat.
Humagulhol na siya nang may maulinigan siyang sumisigaw mula sa malayo hanggang sa luminaw na ang tinig sa kanyang pandinig. Tzuyu was calling her name. Ganoon na lamang ang relief na naramdaman niya. Sa nanginginig na tinig ay isinigaw niya ang pangalan nito. In a matter of seconds ay natanaw niya ang bilog na ilaw na posibleng nagmumula sa flashlight na hawak nito hanggang sa masilaw siya sa ilaw na natapat sa mukha niya. Tzuyu had found her.
"Sana!" She rushed to her.
Nang makalapit ito ay tumayo siya at yumakap rito. She continue crying.
"Oh, god... Thank God I found you!" Tinanggal nito ang suot na rain coat at isinuot sa kanya. Binuhat siya nito. Namalayan na lamang niya na nasa loob na sila ng kuweba. Iniupo siya nito at niyakap upang marahil mabawasan ang pangangatal niya sa ginaw.
Yumakap siya nang mahigpit dito. Hindi upang umamot ng init sa katawan nito. Kundi upang iparamdam rito na kailang niya ito at mahal niya ito. She did not know how tell her those words.
"You scared me to death. Nag-alala na ako nang gumabi na at wala ka pa sa bahay. Lalo na nang umulan. Hinanap na kita sa gubat. Oh, god, Sana. Tinakot mo ako nang sobra."
Tzuyu.."
"Shhh... saka ka na magsalita kapag hindi ka na nanginginig."
Sinunod niya ito. Nanatili silang magkayakap hanggang sa humupa ang lakas ng ulan at maramdaman niyang nawala na ang panginginig niya.
"Tzuyu... thank you." Bukas ang ilaw sa flashlight na nakatapat sa dingding ng kuweba na nasa tabi nito kaya kahit paano ay naaaninag niya ang magandang mukha nito.
YOU ARE READING
QUEEN BEE [COMPLETED]
FanfictionSaTzu ff Sana Minatozaki was the campus Queen Bee. Siya na yata ang pinakamaldita sa buong JYP University. But because she was beautiful and popular, she could always get away with anything. Akala ng iba, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin. Pero a...