Nagising ako sa alarm ng phone ko. Ugh ang sakit ng ulo ko. "Morgan..."
Si Morgan! Kailangan niya ako sa tabi niya. Bakit nandito ako at natutulog. I need to go. Kailangan ko siyang bantayan. It all happened because of me. Wala akong karapatan na magpahinga at matulog.
I need to go. Wala ako sa wisyo na naglakad palabas ng apartment. Ang nasa isip ko lang ay pumunta sa bahay nila. Hindi ko maiwasang maluha sa sinapit niya. He's gone. He took his own life. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko.
Biglang bumalik ang ngiti niya at ang huling pamamaalam niya. Humihikbi akong pumara ng taxi.
"Ma'am okay lang ho kayo?"
"Kuya pwede pakibilisan?" Mas napahagulgol ako sa tanong ni manong driver.
Limang daan lang tong nadampot ko kanina sa table. Di ko na din nadala pa ang phone ko sa kakamadali. Baka mamaya biglang nawala si Morgan doon. Baka itago nila sa akin dahil galit sila sa akin. Hindi pwede...
Lumabas ako agad pagkabigay ko ng bayad. Di ko na din inantay pa ang sukli ko. Dali-dali akong nag-doorbell.
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Bakit walang nagbubukas ng gate? Ayaw ba nila ako papasukin? Kinuha na ba nila tita si Morgan? Galit ba sila sa akin dahil sa nangyari sa anak nila?
"Morgan!"
"Buksan niyo tong gate!"
"Manang! Pabukas ng gate!"
Masisiraan na ata ako ng bait. Kanina pa ako nag-dodoorbell pero wala. Mas lalo akong napahagulgol. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha ko.
I'm just wearing my pajamas at ngayon ko lang naramdaman ang hapdi sa paa ko. Wala pala akong sapin sa paa. Dumudugo ito pero wala akong pake.
Napaluhod na lang ako sa lupa. Nabuhayan ako ng bumukas ang gate.
"Ma'am Addie buti naman bumalik na kayo." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tila nagtataka sa itsura ako. Kahit andaming sugat sa paa ko ay di ko na ininda. Paika-ika akong naglakad.
"Salamat manang." Yun lang nag nasabi ko at dali-daling pumasok sa bahay nila. Ang tahimik. Asan ang mga tao? Bakit wala yung madaming maid? Kinuha na ba nila si Morgan?
"Morgan! Morgan!" Mas lalong bumuhos ang luha ko. Walang katao-tao sa bahay. Nasaan ang kabaong dito? Bakit walang mga bisita?
"Morgan!"
Umakyat ako sa taas at binuksan ang kwarto niya. Walang tao. Hinalughog ko ang bawat guest rooms pero walang tao. Nasaan sila?
Bumaba ako uli at hinanap ang maid na nagbukas ng gate kanina pero hindi ko na makita.
Napaupo na lang ako sa sahig at yumuko. Wala na nga siya. Iniwan na nila ako. Sinisisi ba ako nila tita? Kasi ako sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Morgan.
"Ma'am..." Nagising ako sa pagtapik ng kung sino sa balikat ko.
"Manang si Morgan po?" Agad ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at yinugyog ito. Tila naguguluhan naman itong napatitig sa akin.
"Umalis ma'am." Tila nanghina ako sa naging sagot ng manang Selya.
"Kinuha na ba nila tita? Kanina lang po? Anong date na ba? Saan daw nila dinala? Manang tulungan niyo naman po ako." Mas naguluhan ang itsura ni manang. Tinignan niya ang buong itsura ko saka tumayo. "Sandali lang idadala kita ng maiinom."
Taas baba ang balikat ko. Nahirapan na din ako huminga. Nagsisisi na ako. Kung pwede lang ibalik ang oras.
"Manang Ely? Nandito na po ang mga kailangan niyo. Just call kuya Niko kung may kulang at siya na nag bibili." Morgan?
BINABASA MO ANG
Dominant Lover
RomanceAddie Faye Salvacion leave their house that night to escape from the pain and hatred in her heart. It was raining, cold and dark when she heard someone's calling for help. Morgan Montero had an accident that night. That's the beginning how their liv...