Nag-away kami ni Morgan dahil sa mga letters na ibinibigay sa akin ng isang di kilalang tao. Yung dating nagpapadala sa akin. Bale pang-34 na sulat na ang natatanggap ko.Galit na galit siya dahil itinago ko ito. Nung nagkaayos kami nabanggit niya pero hanggang dun lang akala ko okay na at naiintindihan niya kung bakit hindi ko nasabi. Pero heto siya at pabago bago ang mood at isip. Nireregla ba to?
Pagkagising niya kanina akala mo may dalaw na babae dahil pinagalitan ang mga katulong dahil sa konting sunog na niluto nilang ulam. Hindi naman sunog na sunog. Medyo lang naman.
Naiirita na nga din ako eh. Kanina niya pa ako sinusungitan. Nasigawan niya din ako kanina dahil sa kakapilit kong lalabas ako ngayon dahil Sunday naman. Nakakainis!
"Balak mo ba talagang sabihin o wala ka talagang plano na sabihin?" Nakataas kilay niyang tanong. Heto nanaman po kami. Kanina pa ako explain ng explain.
"Morgan naman. Hindi naman sa ganu----"
"Hindi sa ganun? But you did."
"Hoy ikaw kanina ka pa ku----"
"Oh ano? Aawayin mo ako? Then be it. I don't care. I hate you for not telling me." Kunot-noo niyang sabi saka ako inirapan.
Umalis na siya sa pagkakaupo sa sofa at nagmartsa na paalis. Parang naging isip bata siya ng ilang oras. Goodness! Natulog lang ganyan na.
"Nakakainis kang gaga ka! Hayst!
"Oh may sinasabi ka?" Pansin ko lang kanina pa nakataas ang kilay nito. Sanay na sanay ang loko. Bumalik siya at nasa harapan ko na siya.
"W-wala. Sabi ko nakakaboring---"
"Don't get outside. Just stay here. No buts."
Then he walked away again leaving me speechless. Damn him. Nakakairita. Ayaw niya akong palabasin. Nakakabored gusto ko sanang mamasyal ngayon sa may lawa.
Sinusungitan niya ako at hindi pinapansin. Ano pa ba? Ano pa ba ang makakasira sa araw ko ngayon?
Sino ba kasi yung nagpapadala sa akin ng letters? Kasalanan niya to. Malay ko ba kasi kung sino yun? Nakakaloka.
Nanood na lang ako ng TV sa may sala. Hanggang dumating ang lunch saka lang ako umalis sa pagkakaupo ko dun at pumunta sa kusina.
Pagkadating ko sa kusina wala si Morgan. Tinawag na daw ng isang maid. Hinintay ko siya ng mga 20 minutes hanggang sa dumating.
Bagong ligo kasi mamasa masa pa ang buhok. Linagpasan niya ako saka pumwesto sa tapat ko. Nagsandok agad siya ng kanin at ulam. Tinignan niya ako na kanina pa siya pinapanood. Hindi ko man lang namalayan.
"Don't just stare at me. Eat." Umirap pa ang loko. Oh Lord ano bang sumapi sa kaniya?
Naloloka na ako sa mga kinikilos niya. Ang hirap suyuin at kausapin.
"Sungit." Mahinang bulong ko saka nagsimula na ding kumain.
Tanging ang mga nagbabanggaang kubyertos lang ang maririnig. May mga maid sa likod niyang dalawa at meron ding isa sa gawi ko.
"Bring me some fresh apple juice. I don't like this one." Turo niya sa mango juice.
Ay arte ng lolo niyo. Kumilos naman agad ang isang maid. Nagbeep ang phone niya. Kinuha niya ito sa bulsa. Akalain mo nga naman ngumingiti siya habang binabasa ang mensahe sa kung sino man ang nagmessage sa kaniya.
Aba aba lang ha! Ngumingiti siya ngayon? Pero ako puro irap? Jusmee pigilan niyo ako! Naiinis na ako.
Babae niya ba yan?
"M-ma'am ayos lang ho ba kayo? Ikukunan ko na lang po kayo ng panibagong----"
"Haha yeah. Yes don't worry honey. No... No I won't. Yah sure. Yes, uhmn? Having lunch. You? Ah okay. Bye just text the details."
Honey? And he's laughing? Flirting in front of me? He's getting on my nerves really. Pinipilit ko lang kumalma.
"M-ma'am ayos lang ho kayo? Durog na durog na po kasi yung alam niyo. Baka gusto niyong palitan."
Hindi ko napansin ang kawawang manok na pinong pino na.
"I want it this way." Nakangiting sabi ko sa maid na nasa likuran ko. Nag-aalangan naman siyang napatango.
Pinaningkitan ko ang walang hiyang lalaki na sa tingin ko ay namumula pa ang mga pisngi. Kinikilig siya?
Honey? How sweet of them. Sige lang. Dahil gustong-gusto ko ng ibato ang hawak hawak kong tinidor sa kamay ko.
Yan pala ang gusto mo ha? Okay watch me later.
Umalis na ako sa hapag pagkatapos kong uminom. Naiirita lang kasi ako sa pagmumukha niya. Smiling like an idiot huh? Let's see.
Dumiretso ako sa kwarto ko para maligo na. Nagbihis ako ng floral dress dahil balak ko ngang pumunta sa may lawa. Bahala siya basta ako tatakas. Nakakainis kasi ayaw man lang akong payagan.
Dahan dahan akong naglakad. Dumiretso ako sa may kusina para kumuha ng sandwich at tubig na memeryendahin ko. Nilagay ko ito sa isang maliit na basket. Okay ready na.
Hawak hawak ko din ang payong ko dahil mainit sa labas. Sa may likuran na lang ako dumaan para di ako mahalata at makita ni Morgan. For sure nasa sala yun at nanonood.
Nakita ako ng isang maid at tinanong kung saan raw ako pupunta. Pinakiusapan ko naman na huwag niyang sasabihin na magpupunta ako ng lawa. Um-oo naman siya kaya wala ng problema. Nakalabas na ako sa may bakod nila sa likuran. Actually nakapunta na ako nun ng isang beses kaya alam ko na ang daan papunta roon. Buti na lang malinis ang dinaanan ko kaya hindi ako nasugatan o kung ano pa man. Napapikit ako at dinama ang preskong simoy ng hangin.
Naririnig ang bawat pag-apak ko sa mga tuyong dahon na umiingay sa bawat hakbang ko. Maririnig ang huni ng mga ibon. Naglalaking mga puno. Wala naman sigurong mga mababangis na hayop dito.
Iba ang gubat na to sa napuntahan ko nun kung saan nawala ako dahil sa kakahabol ng isang pusa. Bale ang nilalakaran ko ngayon ay sa may left side ng bahay nila. Dumaan lang ako sa likod para walang makakita sa akin.
Matapos ang kalahating oras na paglalakad ko ay nakarating rin ako sa may lawa. Ang ganda talaga rito. Sumilong ako sa malaking puno at inilapag ang tela na gagamitin ko para umupo. Nilagay ko ang mga dala dala ko sa gilid. Ang ganda pa rin dito. Walang nagbago. Napapalibutan ito ng mga puno at malawak ito. Yung ibang parte hindi ko na kita.
Ang payapa. Pupunta ulit ako rito kapag may oras. Kinuha ko ang phone ko at nagselfie. Kumuha din ako ng larawan ng lawa. Kimikinang ang tubig dahil sa sikat ng araw. Mahangin kaya medyo umaalon alon ang tubig.
Kinuha ko ang isang sandwich at isinubo. Musta kaya si Morgan sa bahay? Hindi kaya hinahanap na ako nun? Narinig ko ang pagring ng phone ko.
Morgan Calling...
Ay patay! Nalaman na niya siguro na wala ako. Pinatay ko ang phone ko. Tumayo ako at naglakad lakad. Hanggang sa medyo napalayo na ako.
May naaninag akong bulto ng tao sa isang puno na natumba. Nakaupo at naghahagis ng bato sa lawa. Mas lumapit pa ako at nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng tao.
Nang maaninag ko ay saka ko lang naaninag ng malinaw ang mukha niya. Is that Wallace?
Nakaside view kasi kaya mas nilapitan ko pa. Napatingin siya sa gawi ko kaya nagulat ako dahil si Wallace nga ang taong iyon.
Parehas kaming nagulat at nanlalaki ang dalawang mata. Nabigla rin siya siguro na makita ako.
Rumehistro sa mata niya ang lungkot pero nakangiti naman ang mga labi nito.
He's now engaged. Masaya kaya siya?
Nilapitan ko siya at hindi ko alam pero agad na naglaglagan ang mga luha ko. Pinahid ko ang mga ito ngunit parang walang silbi ito.
Namiss ko siya sobra kaya pagkalapit ko sa kaniya ay agad akong napayakap sa kaniya dahilan ng lalong paghagulgol ko. Wala akong karamay nang tuluyan na kaming nag-iwasan na dalawa. Siya lang ang kaibigan ko rito kaya nakakalungkot. Wala na akong napagsasabihan.
Nahihibang nanaman ako. Lagot nanaman ako kay Morgan pag nalaman niya to.
BINABASA MO ANG
Dominant Lover
RomanceAddie Faye Salvacion leave their house that night to escape from the pain and hatred in her heart. It was raining, cold and dark when she heard someone's calling for help. Morgan Montero had an accident that night. That's the beginning how their liv...