Ilang linggo na rin ang lumipas. 2nd sem na at iba ang schedule ko ngayon dahil hanggang gabi na ako sa school.Minsan nasusundo ako ni Morgan kapag hindi siya busy o di kaya ay pinapasundo na lang niya ako kay Daniel.
At ilang linggo na rin akong binabagabag ng mga sulat na natatanggap ko. Hindi ko alam kung sino ang nagpapadala. May naiisip akong tao pero imposible pa din.
Sumasakit ang ulo ko.
Araw-araw may sulat. Kagaya ngayon pang 18 na sobre na tong hawak ko. Nilabas ko ang laman. Humiga ako sa kama at malakas na bumuntong hininga bago inilabas ang sulat para basahin.
Sabado ngayon kaya wala akong class. Thursday at Saturday ang wala akong pasok. 2 days na pahinga. May OJT na sa bakasyon kaya susulit sulitin ko na ang pahinga ko sa dalawang araw.
Sinimulan kong basahin. Gaya ng dati. Date sa taas at pangalan ko ang bumungad sa akin.
'I miss you."
Yan lang ang nakasulat. Ganyan lagi ang nakasulat isang I miss you. Sino naman ang magpapadala nito sa akin? My parents?
O di kaya ay si... Oh no not really hindi pwedeng siya dahil matagal ko ng nilimot at ibinaon ang nakaraan ko.
Wala akong alam sa mga sulat na natatanggap ko. It's creepy!
Ni wala man lang return address or initials man lang. Binibigay ito ng mga katulong sa akin kapag kumukuha sila sa mailbox sa labas ng bahay. Wala din silang alam kung sino ang tao sa likod ng mga sulat.
But one thing for sure...
Siguradong malapit lang sa akin. Malamang Addie! Kilala ka nga diba? Tsk.
Lunes nanaman at kulang na kulang ako sa tulog. I badly need some sleep.
"Tulala ka? May problema ba?" Muntik ko ng makalimutan na kasama ko si Morgan.
"W-wala nag-iisip lang ako kung paano ko sisimulan yung p-project namin."
"Are you sure?"
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
Actually may iba talaga akong nararamdaman kapag nahahawakan o nababasa ko ang mga liham na yun. Nevermind.
"Come here."
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Morgan sa akin. Alam kong ramdam niya ang pagkabalisa ko dahil last time pa siya ganito sa akin.
Kung nagtatanong siya kung okay lang ako sinasabi ko na ayos lang then maya-maya yayakapin niya ako. He's very considerate and supportive sa lahat ng bagay.
Kaya hindi ako nababahala. Nandiyan siya palagi para sa akin. I love this man. Ayokong maagaw at mawala siya sa akin. Hindi ko yata kaya.
Hindi na niya ako tinatanong kaya minsan naguguilty ako. Sasabihin ko ba sa kaniya and about sa letters or hindi?
Pero I decided na huwag na muna.
Umalis na siya for class kaya pumunta muna ako sa may field para magpahangin at magrelax muna. Masyado akong stress this past few days.
Nagvibrate ang bag ko kaya binuksan ko ito. Phone pala ni Morgan. Morgan left his phone kanina sa akin. Nakalimutan niyang kunin. Kaya lang may password.
Nakita ko sa screen ng phone niya ang Jamilla then may message siya na 'babe mamayang gabi ulit. See yah!'
Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa nabasa ko. It's a girl! Jamilla huh?
Gusto kong buksan ang phone niya kaya I'll try.
Inuna ko yung birthday niya pero hindi nagbukas. Ano kaya?
Tinype ko yung monthsary namin and then nag-unlock na. Napapadyak pa ako dahil mabubuksan ko na.
Inuna ko ang messages niya. Bumungad agad ang napakaraming messages na hindi pa niya nabubuksan. I think kanina lang to. Di na ako magtataka kung bakit siya ganito kasikat sa mga babae. Iyon ang kinakainis ko.
Puro nagpapapansin at nag-aayang lumabas. At may isang tao lang ang nakaagaw ng pansin ko. Yung Jamilla dahil may name talaga siya sa contact numbers. Hindi tulad ng iba na nagpapapansin lang with their different digits.
I opened their conversation.
Wow! Ang haba. So close sila?
I know I'm invading Morgan's privacy pero wala na akong pake. Galit ako ngayon. Nakakainis talaga tong mga impaktang to!
Nagbasa pa ako at nanginginig na ako sa galit. Ano tong mga to?
May mga usapan sila na magmemeet kung saan, nagpapasundo kung saan-saan, nag-aayang maglunch at dinner, and what the hell? Ano to? Text na kagabi niya nareceive.
'Thank you for this hot night. Bukas ulit babe.'
Hindi ko maiwasang mag-isip ng madumi dahil sa nakita ko. Hot? What the---
May klase pa ako ng 7-9 pm kaya pumasok ako kahit gusto ko ng umuwi dahil wala ako sa mood at di ako makapagconcentrate.
May nagtext sa akin na unkwown number and it's kinda familiar. I checked Morgan's phone and tama nga ang hinala ko. Jamilla own the number.
'Baby this is Morgan nakauwi na pala ako masakit ang tiyan ko. I'll just tell Daniel to fetch you.'
Dahil nasa akin nga phone niya kaya hindi niya gamit ang kaniyang phone. Talagang dun sa babaeng yun pa siya nakitext. Nagdududa na ako kay Morgan. Siguro magkasama sila ngayon. Kakalbuhin ko silang dalawa.
Pagkatapos ng klase ko nandun na si Daniel na naghihintay sa labas ng gate ng school. Ni wala akong naintindihan sa klase ko kanina. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.
Magkasalubong ang kilay kong lumapit sa sasakyan, wala talaga ako sa mood. Padabog kong isinara ang sasakyan pagkapasok na pagkapasok ko. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ni Daniel dahil kating kati na akong umuwi.
Wala lang ang lalaking yun sa bahay pipilayan ko na talaga siya.
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Nabigla ako sa biglaang pagtanong ni Daniel. Kanina pa kasi malalim ang iniisip ko. Kung paano ko sisimulan mamaya ang kausapin si Morgan. I don't know if it's a good idea.
I need an explanation. I'm not overreacting or what! I just want to confront him to make everything clear. Kakasimula pa lang namin pero may mga ganito na.
"Yes, nasa bahay ba si Morgan?"
"Umalis po siya kanina pero baka nakabalik na po siya ngayon."
I just nod at tumingin na sa labas. Madilim ang kalangitan at nagbabadyang umulan.
Saktong pagkarating namin sa bahay ay umulan na. Nabasa konti ang damit ko kaya dumiretso ako sa kwarto ko para magshower at magpalit ng damit.
Gutom na ako. Wala pa akong kain. Kaya binilisan ko ang pagbihis para bumaba na at kumain. Mamaya ko na kakausapin si Morgan dahil nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.
Saktong pagbaba ko sa hagdan ay ang pag-akyat ni Morgan sana. Kakatukin siguro sana ako para kumain na.
Ngumiti siya sa akin at inaya ng kumain pero nilagpasan ko lang siya. Gusto kong suklian ang ngiti niya kaya lang di ko magawa. Kahit pilit sana hindi ko kaya. Anger and pain filled me.
Nagulat siya sa inasta ko at hindi agad nakakilos pero agad ding sumunod sa kusina.
Nagsandok agad ako ng kanin at kumuha ng ulam. He's watching my every move.
Nagsimula na akong kumain. Kahit gustong-gusto ko na siyang tanungin ngayon ay isasantabi ko muna dahil kumakain kami.
Siguro nababasa naman niya sa mukha kong irritated at masama ang timpla ko. I can sense na gusto niyang magtanong pero hindi siya umimik.
Pinapanood niya lang ako. I don't know kung kumain na ba siya dahil hindi naman siya gunagalaw. Maybe kumain na sila kanina ng Jamilla niya kaya busog.
BINABASA MO ANG
Dominant Lover
Lãng mạnAddie Faye Salvacion leave their house that night to escape from the pain and hatred in her heart. It was raining, cold and dark when she heard someone's calling for help. Morgan Montero had an accident that night. That's the beginning how their liv...