WAKAS

2.1K 34 0
                                    

"Mom, dad" Bulong ko ng maaninag ko ang mga katabi ni Morgan na naglalakad palapit sa pwesto ko. Naluluha ko silang sinalubong. I miss them so much.

"Addie! Anak I miss you so much." Naiyak na din si mom at mahigpit akong niyakap. Yumakap din si daddy saka hinalikan ang noo ko. "I miss you anak. Congratulations."

It's our graduation day. Nakapagtapos na din ako ng college. Hindi ko ine-expect na darating ang parents ko. How did they know na nandito ako?

"Anak congratulations. We're so proud of you. I'm so sorry dahil hindi ka namin nabantayan ng maayos ng dad mo. Hannah is doing good. Nagbago na siya anak. Sayang lang dahil may inaasikaso siya ngayon kaya hindi nakasama."

"Addie you know how much we love you. Pinahanap ka namin. We are so scared that something might happen to you that night. Halos mabaliw ang mom mo sa paghahanap. Then 1 month had passed no trace of you. Isang araw may dumalaw na binata sa bahay and it is Morgan. Kaya alam naming buhay ka pa at nasa maayos na kalagayan. He explained all the details kung bakit ka napadpad dito. Malaki ang pasasalamat namin kay Morgan. So we trusted you to him, dahil alam naming masaya ka dito and you are doing good. We are glad to have Morgan beside you." Pinunasan di dad ang luha niya saka ako ulit niyakap. Namiss ko sila ni mom. Napangiti ako dahil hindi ko inaasahang dumalaw pala si Morgan sa bahay.

"Your make up is a mess. Let me do your make up. Mas lalo kang gumanda anak, mana ka talaga sa akin." Napatawa na lang kami parehas ni mom. Nakalimutan kong nakaayos na pala ako. Kaya alam kong kalat kalat na ang make up ko.

Walang mapagsidlan ang saya ko sa araw na ito. One of the best day of my life. Finally!

After ng ceremony ay picture taking na. Sinulit namin ito lalo na at dala ni dad ang kanyang digicam. Kami na magkasamang tatlo, solo ko, with mom, with dad and of course kami ni Morgan. Hindi ako nagsisi na binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon. Lalo na nung nalaman kong nag-effort siya para mapadalo ang parents ko dito sa graduation namin. I can feel how much he loves me.

"Hoy takte ka talaga! College graduate ka na pero yang isip mo, isip bata pa rin!" Rinig ko ang boses ni Kristoff. Pagtingin ko sa kaliwa ay papalapit sila sa pwesto namin. Busangot ang mukha ni Caliber.

"Morgan! Picture tayo bro! Caliber ikaw kumuha ng picture." Dagdag ni Kristoff.

"Ano? Gago ka ba! Bakit naman ako ang uutusan mo? So wala kang balak na isama ako?" Pagmamaktol ni Caliber na parang batang naagawan ng candy. Haynakoo talaga.

"Pwesto na kayo. Ako na kukuha." Ang digicam ni dad ang hawak-hawak ko kaya pinakita ko ito.

"Ayos! Thank you Addie. Itong Caliber kasi na 'to kung kani-kanino pinahawak yung camera nawala na tuloy. Tinakbo na ata. Tatanga-tanga kasi." Si Kristoff na kanina pa iniirapan si Caliber. Natatawa naman ang iba.

"Tama na yan. Sige na dun kayo sa banda dun."

Masaya ako na napadpad ako dito. Nakahanap ako ng mga kaibigan. Nakilala ko si Morgan.

Napangiti na lang ako. Sobrang saya nilang kasama. Makikita mong kahit lagi silang nagbabangayan, lagi naman silang nandyan para sa isa't-isa.

"Addie sama ka dito!"

Hinatak ako ni Rain. Tapos pinahawak kay dad ang camera. "Tito okay lang po ba?"

"Sure, sige anak sumama ka na. Ako na bahala."

Hinalikan ko muna siya sa pisngi saka lumapit sa barkada. "Faye tabi ka sa akin." Si Sean na umakbay na sa balikat ko. Mabigat kaya. Ito talaga di marunong makiramdam. "Dito siya." May humila uli sa akin, si Morgan.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon