Kabanata 28

744 20 0
                                    


Isang linggo ang lumipas ng gabing iyon pero wala siyang nababanggit sa akin. Maaga akong umalis ng bahay dahil nasasakal ako sa mga nangyayari. Binagabag ako buong gabi sa binaggit na pangalan ni Morgan. Sino si Zoey?

Natatakot akong magtanong dahil natatakot ako sa mga malalaman ko. Si Zoey ba yung uuwi dito sa Pilipinas? Sino pa ba ang ibang babae sa buhay niya? Trip trip niya lang ba ang relasyon namin?

Gusto ko munang magpunta sa may garden ng school. Doon muna ako magpapalipas ng oras. Tutal payapa doon at walang iistorbo.

Pagkarating ko ay agad akong umupo sa may bench. Pumikit ako at dinama ang hangin. Napakapayapa ng paligid.

Napaisip tuloy ako. Kung hindi kaya ako naglayas ng araw na  iyon, ano kaya ang nangyari? Kung nagstay ba ako doon mas naging maayos ng buhay ko?

Ngayon isa na lang akong dayo dito sa lugar kung saan wala akong kilala. Para akong isang pusa na nawawala at pilit na nagsusumiksik para mapansin at pahalagahan.

Tears fall down my cheeks. I can't help it.

I wanna talk to Morgan. Akala ko ba wala ng sikreto? I think ako lang ang may problema. Hindi pala dahil kahit siya ay may itinatago rin. I felt guilty all those times dahil sa mga nagawa ko pero kahit siya! Kahit siya meron din palang lihim.

Ibinuhos ko ang sakit ng nararamdaman ko. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon ang gusto ko lang ay mailabas lahat-lahat.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos akong umiyak. Pinunasan ko ang mga luha ko at nag-ayos ng sarili.

Pumasok ako sa klase at pilit na nagconcentrate sa tinuturo. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Kaya ko ito. I need to act na walang problema. Ayokong kaawaan ang sarili ko dahil tapos na ako sa mga ganoong senaryo ng buhay ko.

Paglabas ko ng room ay nandoon si Morgan nakasandal at hinihintay ako. Hindi ko inaasahan na makita siya rito. Tahimik akong lumapit sa kaniya.

Sinalubong niya ako ng isang malaking ngiti. Tinignan ko ang mata niyang kumikislap. It's a genuine smile. Pero hindi ko siya magantihan ng ngiti. I tried pero halatang pilit lang kaya hindi ko na lang tinuloy.

"Sabay na tayong umuwi." He kissed my forehead saka pilit na kinuha ang bag ko. He looked so happy and I wonder why? What's behind those smiles?

Siya na ang nagdala ng bag ko habang  nakaakbay ang kanang kamay niya sa akin. I should be happy right? Kasi hindi na siya galit sa akin.

Pero hindi ko magawang ngumiti man lang. Sumikip nanaman ang dibdib ko ng maalala ang mga bagay na bumabagabag sa akin tuwing gabi. Isang linggo na to be exact. Ramdam ko ang hapdi sa lalamunan ko. Naiiyak ako.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Nagsasalita si Morgan pero wala akong maintindihan dahil busy ako sa pagpapakalma sa sarili ko.

"Hey, are you listening?"

Ayaw kong magsalita dahil alam kong once na bumukas ang bibig ko ay mababasag ang boses ko.

Tanging pagtango lang ang nagawa ko. He didn't bothered anyway. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita pero nanatali akong busy sa pagpapakalma sa sarili ko. I think anytime magbebreak down ako lalo na at katabi ko siya.

"Bukas na ang trip natin for our 1 week vacation. Mag empake ka na mamaya pagkauwi dahil maaga tayo tomorrow."

Oo nga pala yung offer ni Rhys na vacation. Okay na rin siguro para makapag unwind ako at malessen ang stress ko.

Tumango lang ulit ako. Paliko na kami sa parking lot ng makasalubong namin si Wallace.

Pumayat siya kitang kita yun. He seemed so stress. Naawa ako sa itsura niya. Nagtama ang mga mata namin. Napahinto ako at napahinto rin siya. I miss him. Lalapit na sana ako sa kaniya kaya lang agad na hinablot ni Morgan ang kamay ko.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon