Babae

41 0 0
                                    

Elena went to a place she couldn't find where it is. It's like a freaking maze in the city  of no where to be found. Lugar na wala siyang kakilala o kaibigan. Napakagulo nito at marahil kakaiba ang mga nakakasalamuha niya dito. Sumisigaw siya ng kahit ano subalit walang nakakarinig sa kanya. Tiningnan niyang mabuti ang paligid, ilang sandali ng bigla siyang nakakita ng babae dun sa parteng madilim ng lugar. Hindi niya naaninag ang wangis nito sapagkat meron itong balabal, para itong natatakot o di kaya'y nagtatago sa kung sino. Nilapitan niya ito at kinausap. Wala itong naisagot maliban sa pag- iyak. Nakikita niya ang sakit, poot, galit, at pagkamuhi sa babae. Nawindang siya ng kinuha ng babae ang kanyang balabal at malayang ipinakita ang mukha. Huli na ng kanyang napagtanto kung sino to...tinawag siya nito sa kanyang pangalan. ELENA

"Elenaaa! Tanghali na dika pa ba babangon diyan?" sigaw ng lola nya.

"Opo nandyan na," tugon ni Elena.

Naging matinding palaisipan sa kanya ang panaginip na yon. Kumakain siya ngayon kasama ang kanyang lola. Napansin agad ito ng matanda sapagkat kanina pa siya tulala at maraming iniisip.

"Okay ka lng Lena?" sabi ng matanda.

"O-oo naman po lola," agap nya.

Natapos ang araw na iyon na paulit- ulit niyang inaalala ang mga kaganapan sa kaniyang panaginip hanggang siya'y dinalaw na ng antok.

Kinabukasan, maaga siyang bumangon dahil ito ang araw ng kanyang job interview...Nakapagtapos siya ng pag- aaral sa tulong ng kanyang Lola Glenda. Utang niya sa lola ang lahat. Kung wala ito ay hindi niya makakayanan ang lahat.

      Nagmamadali siyang pumasok sa banyo para maligo at pagkatapos pumunta siya sa kusina upang sabayan ang kanyang lola sa almusal.

"Gandang umaga apo," bati ng matanda sa kanya.

"Ganda umaga rin po," tugon ni Elena.

"Kamusta ang gising mo?" dagdag nito.

Okay lang naman po. Maaga po ako ngayon kase job interview ko po.

Tumango na lng ang matanda at tiningnan ang upuan hudyat na pinapaupo na siya nito.

Pagkatapos kumain ay nagbihis na siya at nagpaalam sa kanyang paglisan. Sinabi niya rin sa lola na uuwi siya bago mag alas 6 ng gabe dahil meron pa siyang pupuntahan. Umalis na siya ng bahay bago nag alas 8. Pumara siya ng jeep at nakasakay agad. Papaalis na ang jeep ng may naaninag siyang babae malapit sa tulay. Nakapula ito at malalim ang mga mata parang galing sa pag- iyak. Tignan niya itong muli subalit nawala ang babae. Iwinaglit niya kaagad iyon sa kanyang isipan marahil guni-guni niya lamang ang babaeng nakita. Nakafocus kase siya sa kanyang job interview. Iniisip niya na kailangan niyang makapasa dun at makapag -umpisa na ng trabaho sa lalong madaling panahon.

Flash of a MirrorWhere stories live. Discover now