Confusion

13 0 0
                                    


   

                      ELENA'S POV


Hindi ko lubos na nauunawaan ang takbo ng mundo pero pilit ko itong isinasantabi para bumuti ang aking pakiramdam. Ayoko mag-isip ng kung anu-ano subalit hindi talaga yun maiiwasan. Ang mundong kay lupit at nakakatakot, pano ko kaya malalagpasan ang bawat pagsubok? Mga matitirik na daan na kailangan kong daanan upang makalagpas sa hagupit na kung tawagin ay matinding bagyo ng buhay. Matatapos pa kaya ang bawat paghihirap at masuklian ng kagalakan balang araw?

Ayon sa nakakarami, kung wala kang maintindihan sa mga pangyayari o kaganapan na iyong kinakasangkutan ay huwag mo na lang masyadong dibdibin. Mas makakabuting ipagsawalang bahala na lamang iyon at itutok ang sarili sa mga makabuluhang bagay na iyong matatanaw sa bawat pagsikat ng araw.

Pagkauwi ko kanina ay nagmamadali agad akong pumasok sa bahay. Hindi nga ako nagkamali, sobrang nag-alala si Lola sa pwedeng mangyari sa akin kaya sinabi ko lahat sa kanya ang lahat ng detalyeng gusto niyang malaman. Pinagsabihan niya ako na sa susunod ay tumawag raw ako kung gagabihin ng uwi upang hindi siya atakihin sa puso kung saan ako nagpunta at baka napano na...sumang-ayon kaagad ako sapagkat ramdam ko na talagang babagsak na aking katawan. Gusto ko ng isubsob ang sarili sa komportableng kama ng makapagpahinga ng maayos.

*About an hour later*

Andito ako ngayon sa kwarto na parang timang kung pagmamasdan. Sinusubukan kong ayusin ang pagkakatali ng aking supladang buhok sa harap ng makintab na salamin habang umaapaw ang kakaibang saloobin sa aking utak. Mahirap iproseso ang mga bagay ng wala man lang eksaktong eksplenasyon...Ang plorerang may laman ng naggagandahang rosas, karikitang nakatuka sa harapan ng salamin ay nasisilbing palamuti upang hindi maging malungkot tingnan ang kabuuan ng larawan. Parang perpekto sa mga taong katulad ko ngunit hindi ito ganon sa inaakala ko. Marami itong mga tinik upang protektahan ang kanyang sarili sa kung sino man ang magtangkang lumapit. Pinapalitan ko ang mga bulaklak kung nagsisimula na itong malanta. Subukan mong hawakan at paniguradong ika'y masasaktan. Bugso ng damdamin ay kontrolin upang makaiwas sa ganito kahit minsan. May mga bagay talaga na kay hirap ipagliwanag sa bawat sulok o aspeto ng ating buhay.

Ang lalaking yon...hindi ko alam, basta! parang nakita kuna siya noon pero mukhang hindi naman. Haysstt! siguro nakalimutan ko lang. Pamilyar ang kanyang mukha at pati ngalan. Saan ko nga ba yun nakita??
Pilit kong pinapaadar ang makina ng aking baluktot na utak..oiyyyy ano ba, pleaassseee magcooperate ka naman para hindi na tayo mahirapan. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ng biglang...

"Elena naka handa na ang almusal, bumaba kana dahil mainit pa ang mga ito."

"Sge po."

"Masamang pag-antayin ang pagkain kaya halika na."

"Nandyan na po la."

"Kumain ka ng marami apo dahil ngayon pala yung interview mo."

"Huwag kang mag-alala lola uubusin ko po 'to lahat ng inihanda ninyo."

"Siya nga pala apo, may tanong ako."

"Ano po yon la."

"Mabait ba yong boss nyo o masungit."

"Hindi ko masasabing mabait siya pero hindi rin po siya masungit at parang nakita ko na po siya, yun nga lang ay hindi ko matandaan kung saan."

"Kasi la hindi ko pa po nakita." dagdag ko.

CRingggggg, Crinnngg, cringgg....

*Ang doorbell*

"Parang may tao sa labas apo saglit lang huh...tapusin mo na yang pagkain mo at ng makapag-ayos kana para makaalis na kaagad."

Tumango lamang ako kay lola. Malapit na akong matapos kumain ng humangin sa bandang bintana kaya medyo naaninag ko na may lalaking kausap si lola. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na sa lababo para makapaghugas ng kamay.

Sino kayang lalake ang kausap ni Lola?
Wala akong ideya sa taong yun dahil wala namang nagpupunta dito na hindi ko kilala maliban sa mga kapitbahay.

Ready to go na ako ngayon, paglabas ko pa lang ng gate ay tumambad na kaagad sa akin ang mukha ng lalake....

"Ako nga pala si Mr. Rodriguez from JS Company."

Mukhang hindi bumagay sa kanya ang mga naunang salita na lumabas sa kanyang bibig. Halatang nakasanayan niya ang lenggwaheng inglis.
at dun ko napagtantong siya ang boss ko....

Flash of a MirrorWhere stories live. Discover now