Place of Happiness and Agony

18 0 0
                                    

Hinimatay si Elena at dali-dali siyang sinalo ng lalake. Dinala niya ito sa kanyang sasakyan sapagkat nag-aalala siya sa babae. Tinitigan ng lalake si Elena. Hindi maipagkakailang maganda ito sa isip niya. Nag- iisip siya kung ano ang gagawin para matulungan ang kasama. Gabi na at baka mapahamak ito kung iiwanan niya kapag gising na ito. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot ito. Dadalhin niya si Elena sa paborito niyang lugar dahil wala na siyang ibang maisip. Ito ang lugar na nakakapagpasaya sa kanya marahil sa mga alaalang idinulot nito sa kanya. Mga pangyayaring hindi niya makakalimutan kailaman at ang trahedyang nagpapalungkot sa kanya hangggang sa kasalukuyan. Matagal na siyang hindi nakabalik doon dahil sa sakit na nadarama. Gusto niya itong iwaglit sa alaala ngunit hindi niya maipagkakailang dun din siya unang sumaya.

Malapit na silang makarating sa lugar. Medyo malayo ito sa sentro ng lungsod at mataas. Hindi pa rin gumising si Elena, dala siguro ng pagod at pagkabigla sa pangyayari. Habang ang lalake naman ay seryosong nakatitig sa daan parang sinisiguro niyang ligtas silang makarating sa pupuntahan. Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan na silang nakarating.

Hindi makapaniwala ang lalake na andito siya sa lugar kung saan nangyari ang kinakatakutan niyang panaginip. Bakas ng nakaraan na nag-iwan sa kanya ng sugat na hindi pa tuluyang naghilom. Lumabas siya para maamoy ang malamig na simoy ng hangin. Hindi parin nagbabago ang lugar para sa kanya. Pumikit siya at dinala ang sarili sa nakaraan na hangggang ngayon ay iniiwasan niya dahil sa mapait na kaganapan. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata ng di niya namamalayan, ito ang tanda na walang mas sasakit pa sa nangyari noon.

Sa kabilang banda, unti-unting binukasan ni Elena ang kanyang mga mata. Nilibot ang paningin at inorganisa ang nangyari. Ang natatandaan niya lang ay muntik na siyang mabangga ng sasakyan dahil sa babae sa kanyang panaginip nung nakaraang araw at lumabas ang isang lalake sa sasakyan. Tapos bigla siyang nahimatay ang akala niya ay babagsak na siya sa daan subalit may mga brasong sumalo sa kanya. Hanggang doon lang ang kanyang natatandaan.

*15 minutes later

Lumabas siya sa sasakyan at nilapitan ang lalaking nagligtas sa kanya sa kapahamakan. Dinama niya ang simoy ng hangin. Gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa ginawa.

"Okay ka lang?" tanong ng lalake.

"Hindi ko alam eh." tugon ni Elena.

"Alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" sabi ng lalaki.

"Hmm, malamang hindi." sagot ni Elena ng nakangiti.

"You remind me of her because of that smile." sabi ng lalake sa matigas na English.

"Girlfriend mo?" sabi ni Elena.

"Hindi." maikling tugon ng lalake.

"Kahit ako hindi ko alam kung bakit kita dinala dito." sabi ng lalake.

"Uwi na tayo baka hinahanap kana sa inyu." dagdag ng lalake.

Tumango na lang si Elena at sumunod sa lalake. Nag-alala na siguro ang kaniyang lola dahil hindi pa siya nakakauwi at ang malala pa ay baka hinahanap na siya ng Lola Glenda niya. Kinakabahan siya para sa lola niya, may sakit yun at delikado sa kanya ang mapagod.

"Saan pala ang bahay nyo?" tanong ng lalake.

Nasa sentro na sila ng lungsod sa ngayon. Malapit ang bahay nila Elena sa sentro.

"Ibaba mo na lang ako sa kabilang kanto at salamat pala sa araw na ito." sagot ni Elena.

"Eh kung ihatid na lng kaya kita sa inyu?" patanong na tugon ng lalake.

"Huwag na please...baka nag-aalala na ang lola ko." sagot niya.

"Okay."

"Maraming salamat talaga at pasensiya na sa abala. Sana masuklian ko ang kabaitan mo balang araw...bye!"

Lumabas na si Elena sa sasakyan. Tumakbo siya para makauwi na kaagad....

Flash of a MirrorWhere stories live. Discover now