Nagmamadali siyang bumaba ng jeep at tumakbo siya habang tumatawid sa kabilang dako patungo sa nasabing kompanya. Tiningnan niya ang kanyang relo napagtanto niyang kailangang makarating na siya doon dahil malapit ng mag- umpisa ang job- interview. Muntik na siyang mabundol ng isang sasakyan ngunit nagpatuloy pa rin si Elena.
"Miss! Tumingin ka sa dinadaanan mo, muntik ka ng mabangga." Galit na sinabi ng lalake.
Galit ito dahil sa ginawa niya.
"Pasensiya na po." Sigaw ni Elena dahil medyo malayo na siya sa lalake.
Ng makita ang JS Company ay nabuhayan siya ng loob. Huminga siya ng malalim bago pumasok. Malaki ang building at maayos ito sa loob. Naglalakad siya papunta sa information management ng bigla siyang tinawag ng babae. Matangkad, maganda, at sopistikada ang babae. Nakakapagtakang luntian ang mga mata nito. Nasa early 30s ito at mukhang ka edad niya lang.
"Miss Madrigal, right?" sabi ng babae.
"Yes." sagot niya.
"Oh, I already checked your files and by the way I'm Alona Rivas." sabi ng babae.
"Hmm okay, so where's the office of the chairman?" tugon ni Elena.
"This way maam." sabi ng babae.
Sumunod siya kay Alona. Dadako sila sa 3rd floor ng building. Medyo kinakabahan si Elena pero alam niyang malalagpasan niya ito. Napansin niyang para ring kinakabahan ang kasama niya. Hindi niya alam kung bakit ganun ang reaksyon nito. Kakapasok lang nila sa elevator ng may sinabi si Alona.
"Tatlo lang kayo ang napili ng boss natin para sa interview." sabi ni Alona.
"Talaga?" sagot nila Elena na parang hindi makapaniwala.
"Oo, kaya galingan mo at sana mapili ka niya" sabi niya.
"Salamat, syempre naman." tugon ni Elena.
"Hindi masyadong nagsasalita yung si Mr. Rodriguez at ayaw niya sa maiingaw kaya tahimik ang mga empleyado dito pag andyan siya." dagdag ni Alona.
Bumukas na ang elevator kaya hindi na sila nakapag-usap. Iniwan ni Alona si Elena at sinabihan na maghintay lang siya ng ilang minuto dahil siya na ang susunod ngunit ilang segundo pa lang ay bumalik si Alona ng humihingal dulot ng pagtakbo. Nakatanggap raw siya ng tawag na umalis daw si Mr. Rosario at may importanteng pinuntahan.
Sa araw na iyon lumubas ng building si Elena ng nakasimangkot. Pagod siya dahil sa pagmamadali kanina ngunit wala siyang magagawa. Sa kasamaang palad wala si Mr. Rosario. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pumunta muna siya sa sementeryo para bisitahin ang kanyang yumaong mga magulang. Kinausap niya ang mga ito saglit bago nagpaalam.
Malapit ng mag alas sais ng naisipan niyang umuwi dahil naghihintay na ang kanyang lola Glenda. Naglakad lang siya upang makapag-isip-sip. Pinikit niya ang kaniyang mga mata saglit subalit nakita niya ulit ang babae sa kanyang panaginip minulat niya ang kanyang mga mata at biglang tumulo ang luha sa kanyang magkabilang pisngi. Nasa gitna na siya ng daan, muntik ng masagasaan. Bumaba ang isang lalake sa sasakyan para puntahan si Elena.
"Miss, okay ka lang?" tinanong siya nito.
YOU ARE READING
Flash of a Mirror
Short StoryBawat tao ay may iba't- ibang istorya sa buhay. Hindi natin masasabi kung kailan tayo susuko sa laban. Kapag ba sa tingin mo wala ng pag-asa? Paano ka lalaban kung sa umpisa pa lng hindi muna kaya kase mahina ka...Yung pakiramdam na ubos na ubos kan...