*huwag kang kabahan....sana..
..yun sana..ang sasabihin ko..*Medyo mainit ang hawak
na kape ni Macoy ng lunch time
na iyon..Ewan niya ba bakit kape ang
in-order niya eh kainitan ng panahon."Hayaan mo sa susunod ako
ang mag oorder para sayo, dapat nag cold drinks
ka." Nakangiti pero medyo naiilang
pa rin na sambit ni Cyreen. Saka sila umupo
doon muli sa puwesto nila noon sa Café na iyon. Napabaling pa sandali si Macoy
sa may glass window.Alam niyang wala roon para magmasid si Jenna dahil sigurado na nagla lunch na ito kasama si Chrissy sa school canteen sa may puno ng mangga. Tila ngayon lang niya hindi nakasama ang mga ito.
"Umm.." si Cyreen.
"Ah! sorry.."
"Nabasa mo ba yung message ko
sayo?pinabasa ba sayo ni Jenna?"
pauna pa ni Cyreen matapos humigop
sa straw nang inumin..saka in-off ang screen ng cellphone."So nakagawa ka na ba?..kahit ano naman.hindi naman nakaka stress..yung alam mo lang na makakatulong
sa school at for benefit ng mga students."
Paliwanag pa rin ni Cyreen.Hiningi kasi nito kagabi kung anong platform
ang puwedeng maiambag ni Macoy as a member ng running party list nila. Kaya napilitan siyang magisip kagabi."Ah..Oo. nakagawa na ako..eto oh."
sabay abot ni Macoy sa isang papel
sa may mesa. Napansin niyang kanina
pa palinga linga si Cyreen at tinitingnan
nito ang mga istudyante rin na naroon
at nakatingin sa kanila. Napansin niyang medyo namula ito. Agad niyang iniiwas ang tingin. "Totoo nga.." sambit pa nito.
"Ha?..ang alin?" tanong pa ni Macoy.
"Interesado silang lahat sa bagong Macoy.
Hmm Hi,hi" napansin niyang napauyog ang balikat ni Cyreen dahil sa pagbungisngis nito. Napayuko na lang siya at medyo nahiya.Agad na ngang binasa ni Cyreen ang nilalaman na plataporma na sa palagay ni Macoy ay makakatulong sa partylist.
"Hmm..anti-bullying awareness." Napatingin si Cyreen kay Macoy.
"Im sorry about kay Jacob.."
"No..its not just about Jacob."
natigilan sandali si Cyreen nang magsimula
si Macoy."I think..isa ito sa mga hidden issues ng mga students natin nowadays, hindi ito napapansin dahil walang nagsasalita..at walang nagsasalita kaya walang gumagawa ng law or ng protection bill sa student council. It's a left and right issue..walang law kung walang magsasalita..at walang magsasalita kung alam nilang walang magpoprotekta sa kanila..sa amin." Seryosong pahayag pa ni Macoy.
Natigilan lang si Cyreen..ito ang tipo ng Macoy na nakita niya noong siya ay nasa
bleacher kasama pa si Jenna.
Matapang at may paninindigan..ibang-iba sa karaniwang Macoy na lalampa lampa at hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Ang nasa harap niya ngayon ay may apoy ang mga mata at may ambisyon.Hindi niya maintindihan pero alam niyang tungkol
sa plataporma ang pinaguusapan nila pero
unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso habang minamasdan niya si Macoy.
Medyo kinikilig siya sa mga sinabi nito na para bagang-
"Cyreen.."
"Hala!! sorry!!" napakislot pa siya
sa tawag na iyon ni Macoy.
"Ayos lang ba yung sinabi ko?"
"Ha? ..ahhhm..oo narinig ko..narinig ko
lahat.."
"Sabi ko ayos lang ba?"(Patay mali ang pagkakaintindi niya)
Bulalas ng isip niya!
"Oo..Naintindihan ko, bakit ba?!" Napapikit siya.
(PATAY ANO BA ITONG NASABI NIYA?)
…
…
…
Napakunot ang noo ni Macoy at tila
naguluhan sa sagot ni Cyreen. Pero di niya napigilan mapabungisngis.
"Ha-bakit ka tumatawa?" tanong pa nito.
"Ma-may..bula sa may bibig mo galing sa inumin." turo pa ni Macoy.
"Ha?! naku..."
"Ako na!!" alertong kinuha ni Macoy
ang tissue sa may tabi ng lamesa at
walang anu-ano'y siya na mismo ang nagpunas
sa katiting na bula sa may ibabang labi ni Cyreen.
BINABASA MO ANG
Love Guide
RomanceIts about the story of a girl and her brotherhood relationship with her two childhood bestfriends, and as childhood times gone by.. Jenna finds herself in a situation where she must act strong and reliable and quite boyish for Marc Leroy to protect...