#Chapter05

24 5 2
                                    


*Alagaan mo si Macoy ha? Para sa kin Jenna..alagaan mong kapatid ko.*

Habang mahimbing na natutulog si Jenna
ay malayang namalas ni Chrissy ang kabuuan ng kwarto nito. Doon na nga sya nagpalipas ng gabi matapos ang masiglang Fiesta buong araw kahapon. Matagal tagal na din syang di nakapasok dito na muli dahil abala sila nitong huling buwan bago magbakasyon.

Ngunit isa lang ang nakapukaw ng labis sa kanyang atensyon. Iyon ay ang maliit na kwadradong litrato nila Jenna, Kaloy at Macoy habang nasa bangka. Namamalas sa mga ito ang mga ngiti na kay tatamis at kay papayapa.

Parang kailan lang talaga..nasaksihan din kasi ni Chrissy kung gaano kalapit sa isa't-isa ang tatlo at kung paano ito magdamayan simula naging classmate niya si Jenna sa highschool. Saksi din sya sa pagguho ng mundo nila Jenna at Macoy ng pumanaw nga si Kaloy..lalo na si Jenna..sapagkat alam niya din ang lihim na pagtingin nito kay Carl Leroy.

Matagal niyang di nakita ang litratong iyon..siguro'y itinago nya ito upang makatulong na makalimutan ang sakit na dala ng pagkamatay nito..Pero ngayon ay nakita nya uli at nasa tabi pa ng kama nakadisplay..Baka nga naman-

Bago pa naisip ni Chrissy ang sunod na iisipin na baka nga nakamoved on na ito ng lubos, "Grabe ka makatingin dyan ah.."
"Ayy..oo..ahw..di naman.." natigilan na napakislot si Chrissy sa gulat.
Nakatalikod pa din sya at di tinatanaw ang nagising na si Jenna na kumikilos kilos sa kama.

"Akala ko kasi di mo na ito muling ilalabas..ganda pa naman." sabay kuha pa muli ni Chrissy.. "Talaga ba? ang itim ko dyan no.." may nangingilid sa mata ni Jenna. "Ay tanggap na namin sa una yon." "Hmp..baliw." amba pa ni Jenna.
"Masaya lang talaga kami.." si Chrissy,
"Ah-" natigilan si Jenna sa sinabi ni Chrissy.
"Para sa'n?" tanong na din nito.
"Dahil ok na kayo..lalo ka na..nakamove on ka na." "Sshhh...Chrissy." Napatitig na lang si Chrissy kay Jenna.

Lumuluha ito..napasinghap si Jenna. "OH..SIS!!! im sorry..im, im so, im so sorry..." sabay yapos nito kay Jenna..Di nya talaga inaasahan ang magiging reaksyon nito.

*********************

Marahang kumatok si Jenna sa silid.
Di na nya hinintay na buksan pa ni Kaloy
iyon dahil nagpaalam na sya sa tito at tita
nya kung pwede ba
syang pumasok at pumayag
naman ito..tulog na din kasi si
Macoy sa silid nito. Kaya di na
masyadong maiistorbo ito kung
sya lang ang papasok doon.

"Oh..Jenna.ikaw pala..tara..tulungan mo
ako magimpake." parang di bakas
sa mukha nito na may karamdaman ito.
Kalalabas lang nito galing sa ospital..
pwede naman daw sabi ng doctor pero
payo nito na bukas na bukas ay
kailangan na nilang lumuwas sa ospital ng Maynila upang ipagpatuloy ang gamutan
roon.

Tumabi nang pagupo si Jenna sa kama at kinuha ang natitirang mga damit  na tutupiin para sa pagimpake.
Kanina pa nya pinipigil ang mababaw na luha at iniiwasan nya na magsalita at baka
manginig ang boses nya at maluha sya.

"O..bat ang tahimik ah?"
"Kuya..ba't ka pa ba aalis?" sambit ni Jenna.
"Di naman ako lalayas Haha!.magpapagamot
lang ako don..ilang linggo lang yon."
Pag-alo pa ni Kaloy.
"Eh bat ang dami daming damit?!!"
nababanas na sabi ni Jenna.
Sumambulat na nga sa tawa si Kaloy.
"Haha!!ano ka ba? so di ako magdadamit doon?" "Puro ka biro kuya!!" "Sshh..tulog
na si Macoy..baka magising" saway ni Kaloy.
"Ay! soorry..."nagkangitian sila
nang saglit.

"Kuya..mamimiss ka namin.."nanginginig
na nga ang boses ni Jenna at umaamba na ang mga luha sa mata..
"Hindi na sa ngayon!!" sabi pa ni Kaloy
na biglang may inilabas.
"Hm? ano iyan?" "Ito na yung picture..na ayaw ko ibigay noon!!Haha!" sabay abot
ni Kaloy nito kay Jenna. "Tago mo yan..
tayong tatlo yan..oh ang itim itim mo dyan..tingnan mo lang itsura mo dyan pag namimiss mo ako tapos matatawa ka na nang walang kahirap hirap.! Haha!" alaska pa nito. at kinuha nga ni Jenna ang kwadradong litrato sa picture frame.

Love GuideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon