#Chapter03

36 6 0
                                    

*Ako si Kapitan Kaloy!! Ang magiging taga paglayag ng ating mga pangarap!*

Naiinip ng hapon na iyon si Jenna..
Kumukuskos ang mga daliri nya sa huling libro na hawak nya.
Habang nakatitig sa kanya ang librarian
at maya-maya ay bumabalik ang mata nito sa chini check na libro.
Lalo lamang nasasabik si Jenna habang naririnig nya ang himno ng pagtatapos ng mga nasa 4rth year high. Graduation ceremony nila ngayon at gusto ni Jenna na masaksihan iyon.

"Mam..ok na po ba.?" "Hmm.oo ayos na." nahugot ni Jenna ang hininga. "Ok!!salamat..ang clearance ko po?" "O ayan..happy vacatio-" di na natapos ng librarian ang sasabihin dahil kumaripas na ito palabas ng library.

"Oh ano ok na?" tanong pa sana ni Macoy.
"Wag ka na magtanong tara na dali!!" sabay hila kay Macoy.

Nakakalahati na nang pagmartsa ang mga isudyante at konti na lang ang naiwan na di pa nakakatanggap ng diploma..buti na lang at umabot pa sila. "Hay buti at umabot tayo!" pasalamat pa ni Jenna. "Excited ka grumaduate next year ano?" "Oo naman syempre..kabagot kaya dito.."patungkol pa ni Jenna sa school na iyon. Mag aapat na taon na din kasi silang nag lalabas pasok sa skuwelahan na iyon. Oo at napamahal na sa kanila ang school pero nais maexperience ni Jenna ang makapagtapos at magsimula ng kolehiyo sa Maynila.

Sa katotohanan nga ay nakapili na sya ng college school at alam nyang gusto din ni Macoy doon..Oo, gusto niya syempre kasama niya si Macoy. Kasama ito sa plano niya. Palagi naman..

Namalayan na lang nila na natapos na ang huling bahagi ng seremonyas ng pagtatapos na iyon sa pamamagitan ng palakpakan matapos ang talumpati ng speaker..Bigla na lang inihagis ng mga studyante ang kani kanilang sombrero ng toga sa himpapawid tanda ng kanilang kaligayahan at patotoo na natapos na nila ang bahaging iyon ng edukasyon. "Wowww..." napahanga lang si Jenna habang tinititigan sya ni Macoy.

Kahit na palaging naka cap si Jenna..di mo maitatanggi ang angkin nitong kagandahan. Porselana ang magkabilang pisngi nito at mapupulang natural ang labi. Masidlak ang palaging naka ponytail na buhok nito na nakalusot sa likod ng cap at malamyos na lumalakbay sa kurba niyang likod.

Pumipilantik ang mga pilik mata,
at natural na makahulugan ang mga dating ng yaring mga mata,
katamtaman ang taas,
at nakaka-akit ang awra..
bago pa maidetalye sa isip ni Macoy ang mga sunod pang pang-uri na namumutawi sa kanyang isip at nahuli na sya nito na nakatitig sa kanya.

"Ehem..ano bat ganyan ka makatingin?" "AHAAA!! HINDI AH..DI AKO NAKATINGIN SAYO.!!" Medyo malakas na boses niyang sabi.

"O eh di hindi..haha makasigaw 'to.."
"Sorry..tara uwi na tayo.." "O kita mo to..hui!hintay!" agad bumawi ng tingin si Macoy at itinago ang pamumula at pagiinit ng kanyang pisngi.

Nang gabing iyon naisipan ni Jenna na puntahan si Macoy sa kuwarto nito dahil may hihiramin syang notes..

Habang binabagtas nga ang makitid na pasilyo patungo sa kuwarto nito ay natigilan sya..nakita niya si Aling Carmela sa kanilang munting altar. Nagsisindi ito ng kandila at may iba pang ginagawa..
"Hmm.magandang gabi po Tita.."
"Ay!! Dios ko!!" halos mapatalon ito.
"Naku si Tita magugulatin na.."
sabay yakap ni Jenna dito na wari'y nagpaumanhin dahil nagulat niya ito.

"Ano..may kailangan ka ba?ako na ang mag aasikaso anak." Turan pa ni Aling Carmela na nanay nila Macoy at Kaloy..Umiling lang si Jenna. "Wala po.." "Hm..si Macoy ba? tatawagin ko ba?-" "Wag na po tita." di na nya sinabi na si Macoy ang sadya niya lalo na nang makita nya na ang inaayos ni Aling Carmela ay ang litrato ni Kaloy sa altar na sinabitan nito ng garland..at may kakatuwang barkong papel sa gilid nito..
Batid niyang mas kailangan sya ni Aling Carmela ngayon.

"Naikuwento kasi ni Macoy kanina na nanood kayo ng graduation ceremony ba iyon?" paliwanag pa ni Aling Carmela na tila ba hinihingi ni Jenna yaon. "Opo tita..ang saya nga po ng mga studyante..nasabi ko nga po kay Macoy na naeexcite ako-" natigilan si Jenna at ninamnam ang sandali na baka may sasabihin ang may katandaan na ding si Aling Carmela. Kailangan niyang maki simpatiya at pigilan ang pagsasalita ng labis.

Love GuideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon