#Chapter04

28 5 0
                                    

*Hmm. Akong bahala sa ngayon.*

Nang buwan na iyon..
Sa bayan ng Mambajao, Camiguin ay
abala ang lahat. Nagiging abala
ang mga tao sa tuwing sasapit ang
Fiesta De Mayo roon. Lahat ng karatig bayan ay nagdiriwang ng Fiesta.
Nakagawian kasi nila
na gawing masigla at masaya ang pagdiriwang dahil kadalasan na nai-feature sa telebisyon ang pagdiriwang nilang iyon lalo na sa bayan nila ng Mambajao.

Abala din sila Jenna at Macoy katuwang ang iba pang kabataan roon pati ang mga bata na ichinu-tutor ni Jenna sa paglalagay at pagsasabit ng mga banderitas na palamuti sa paligid ng Hacienda. Tuwing sasapit kasi ang panahon na iyon ay nakasanayan na ng mga kababayan nila na doon mag diwang nang kasiyahan na iyon. Sa pamamagitan noon ay nagkakalapit-lapit ang mga tao sa bayan nila at nagkakakilanlan.

Maliban sa parada at banda..mga beauty pageant, singing at dance contest, prosisyon ay binibigyan ding pansin nila ang mga palarong pambata at sports para sa mga kabataan roon upang makaiwas sa masamang mga bisyo at gawain, kasali na nga at di mawawala ang basketball roon. Na siyang ikina-popular ni Kaloy sa bayan nila..

Sikat na sikat ito sa larong basketball at lagi itong kinukuha at isinasali ng mga coach para isali sa mga koponan. Subalit ngayon wala na ito ay labis na ikinalungkot ng lahat..kaya naman itinuon nila sa ibang kabataan na may potensyal ang pagtuturo..ngunit ngayon na palaro na naman ay kailangan pa nila ng isa pang manglalaro upang mabuo ang huling koponan na makakalaban ng kabilang bayan.

"Macoy!!!" sigaw ni tawag ni Mang Ernie..
"Po..tay?" sabay lapit nito.
"umm.hina- hanap ka ni Coach Louie.." nagtataka rin sabay nguso nito sa taong naghahanap kasama ang apat pang kalalakihan. Napalapit din si Jenna upang makiusyoso.

"Ano daw?" pabulong na tanong nito.
"Hi coach! naligaw ka yata.." bati pa ni Jenna at siniko sya ni Macoy. "Sige coach maiwan ko na muna kayo." at lumihis paalis si Mang Ernie at sikretong hinila si Jenna paalis.

Napagtanto na lang ni Macoy na pumayag sya sa pagkumbinsi sa kanya ni Coach Louie na sumali sa Liga ng bilang ika-limang miyembro ng koponan nito.
"ANO!??Ahw..ano?" bahagyang binago ni Jenna ang tono sa una na pahapyaw siyang napasigaw. "Matagal ka nang di nakakapaglaro diba? last eh nung tinuturuan tayo ni kuya." sabi pa ni Jenna. "Huwag kang magalala..its just a game..saka sila Jacob ang kalaban kaya di tayo aatras."

"Wow!" napamangha lang si Jenna sa tinuran nito.Tila unti-unti nang nagbabago si Macoy at nagiging matapang na kahit papaano. Pero alam nya na kulang pa kaya nakaisip sya ng paraan. Agad nya itong hinawakan sa braso. "Tara na!" sambit nito sabay hila sa kanya. "Anong-" "Tara naaa..dali!!" "San ba tayo-" "Sa court ungas!! bukas na ang liga..mamaya kayo mageensayo ng mga kagrupo mo kaya magpapractice tayo ng mas maaga!!" wala na siyang nagawa at napasunod na lang sya dito.

Hangos at hingal na hingal si Macoy na tila nakikipaghabulan sa kabayo, masyadong aktibo magturo si Jenna at tila propesyunal na ang tinuturuan at masyadong estrikto..Napasigaw na lang si Macoy ng "Time Out!!" saka niya hinabol ang paghinga..

"Hahaha! tandaan mo manonood ako nang ensayo nyo at ng laro bukas..isasama ko silang lahat para macheer ka namin."
"Magiging kahiya hiya lang ako don." sagot pa ni Macoy matapos punasan ang eyeglasses na nanlabo na sa pawis. "Pwede ba akong mag googles..?" biro pa nito.. "Try mo...Haha sira!" "Seryoso..istrobo kasi to." paliwanag pa ni Macoy.
Nagkatawanan na lang sila bago muling nagensayo. "Oh.ikaw naman! free throw line. Jump shot!"

Nang hapon ding iyon ay napasubo na si Macoy at halos di na nakatulong sa paghahanda sa magaganap na Fiesta kinabukasan sapagkat nasa court na sya kanina pa at kasama ang mga ka-team mate na nageensayo.
Natigilan pa si Jenna habang nanonood sa may bench.

"Bat nandito ka?!" bulalas ni Jenna.
Nang may biglang sumulpot
na tila nang aasar ang tingin sa mga
nag eensayo. "Bakit..gagamit kami ng court
para magensayo rin." sabi ng dumating..si Jacob.

Love GuideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon