#Chapter01

74 6 0
                                    


*Tatlo para sa isa, kasama ako sa tatlo*

Malamyos ang hangin sa parte na iyon ng Camiguin..tag-araw na kasi at bagay na pinananabikan ng mga bata sa probinsya. Isa sa dahilan ay ang pagtatapos ng klase..at ikalawa ay ang masasaya na namang mga alaala na pagsasaluhan ng mga bata sa bakasyon sa lugar na iyon ng Camiguin partikular na ang mga dagat at beach na talaga namang maipagmamalaki ng lugar sa buong Pilipinas.

"Hoyy!!! ano ba sabi nang tinatawag na kayo ng mommy mo Jenna..ang init init nandito kayo sa dalampasigan..masusunog ka lalo." sambit ng isang payatot na bata na lalaki na may suot na salamin..nakajacket at nakapajama, masasabing itoy nasa mga 8 taong gulang.

"Haha! kuya Kaloy! sino kaya ang mas masusunog eh siya tingnan mo oh..nakajacket eh ang init init ng panahon." sagot ng batang babae na nakasuot ng bulaklaking bestida at nakapigtail ang mga buhok, masasabing mga 9 na taong gulang na ito at malayang naglalaro sa tabing dagat dala dala ang isang balde at maliit na pala. Kasama niya ang isa pang nakatatandang lalaki. "Oo nga Macoy..ano ba iyang suot mo..mabuti pa't hubarin mo yan at maligo ka na muna dito!" sang ayon ng nakatatandang lalaki na masasabing mga 12 taong gulang at syang matanda sa tatlo.

"Pero Kuya Kaloy mag aalmusal na daw kanina pa kayo pinapahanap ni nanay.." "Aahhhgg ok,,ok halika muna dito!!wahaha, eto muna ang sa iyo!!" agad na hinabol nito ang batang nakajacket na si Macoy at agad hinubaran at tila magaang salbabida na inihagis sa dagat..Agad na sumambulat sa halakhak ang batang si Jenna habang pinanonood ang magkapatid na naghaharutan sa tabing dagat na yaon.

Mabibilis na pagtakbo nga at hangos na tinunton nila ang bukirin pabalik sa magarbong tahanan doon sa may burol..Sumasabay sa init ng panahon ang pagtulo ng kanilang mga pawis at pagtibok ng kanilang mga puso lalo na nang nakatapak na sila sa may bungad ng malawak na pintuan na tila kanina pa nag aabang sa kanila. Masyado yata silang nalibang sa kanilang paglalaro sa dalampasigan at di na nila makita ang kanilang anino nang silay makauwi. Doon nga ay bumungad sa kanila sila Mang Ernie..ang tatay ng magkapatid na sila Kaloy at Macoy at ang nanay nilang si Aling Carmela. Maging ang Daddy ng batang si Jenna na si Mr. Jude Davis at ang mommy nitong si Mrs. Joana Davis.

Magkakaparehong klase ng tingin ang kanilang nararamdaman na nakatitig sa kanila at alam nilang naghihintay ang mga ito ng paliwanag kung bakit sila nakauwi ng ganoong oras. Ang hinihintay lang nila ay kung sino ang maglalakas ng loob na magsimulang magpaliwanag. "Umm Pasensya na po..ako po ang matanda ako po dapat ang nagdidisiplina sa kanila..ako po ang nag aya na maligo sa dagat simula kaninang umaga" Matapang na pagsalo ni Kaloy..dumaan pa ang katahimikan at nag katinginan sila Jenna at Macoy..ngumuso si Macoy na tila nagsasabing pumangalawa si Jenna sa paliwanag ni Kaloy.

Subalit napapikit si Jenna at napabungsingis na tila ba nangaasar pa. "ehem" sadyang pagubo ni Mr.Davis, pahiwatig na nakukulangan pa sa paliwanag.."Sorry din po..ako po ang inutusan ni Mommy na pauwiin sila pero nalibang din po ako at nakipaglaro na rin..kami pong dalawa ni kuya ang may kasalanan." Matapang ding pangalawa ni Macoy at bahagyang diniretso ang suot na salamin na tila nahihilo ang paningin dahil bahagya pang basa ang dalawang lente ng mga ito.. "Hmm may hinihintay pa kaming eksplenasyon.." tila may tonong sambit ni Mrs. Davis na halata ng lahat kung saan nakapukol ang kanyang paningin.

Bahagyang ikinilos ni Macoy ang kanyang kaliwang siko upang sikuhin ang nakapikit at nagpipigil na si Jenna habang tumutulo ang basa nitong dulo ng mga pigtails.
"Teka lang po..oo na-"

****************

"Oo na po nariyan na..bubuksan na nga!" Nangaasar na sambit ni Jenna sapagkat siya itong kumakalampag sa pinto ni Macoy para pagbuksan siya nito. Maya maya pa'y ibinaba niya ang dalang backpack at tinanggal ang suot na snapback cap, idineretso ang buhok na nakaponytail at akmang sisipain ang pinto ngunit bigla itong bumukas.

Love GuideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon