chapter 7 - Folly of the Wise

638 10 6
                                    

Dinouble check ni James ang kanyang hitsura sa rear view mirror ng kanyang kotse bago ito lumabas. Ibinigay nya sa valet ang susi para ito na ang magpark ng kotse nya. Natatawa sya sa sarili. Kanina, tatlong beses nyang pinalitan ang kanyang suot. Hindi naman sya ganun. Kung ano ang napulot nya, iyon na. Naninibago sya sa sarili. Kelan pa sya naging over conscious sa itsura. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero kahit ano'ng isuot nito eh talaga namang bumabagay... gwapo... hearthrob... malakas ang sex appeal... bukod pa sa mayaman. Sa mata pa lang, makukuha na nya ang sinumang babaeng gustuhin nya. Ang mga babae ang unang nagpapakita sa kanya ng motibo. Sila na nga ang halos nanligaw sa kanya. Well, lalaki lang naman sya. Walang mawawala sa kanya kung papatulan nya ang mga ito. For fun... for pleasure... For lust. Lalaki sya. May pangangailangan. Bagay na kusang ibinigay ng mga nakarelasyon nya. Ang mga naging girlfriends pa nga nya ang unang nagparadam na gusto nilang gawin ang bagay na "yun" na tanging para lang sa mag asawa. Manok pa ba ang tatanggi sa palay? Gaya ng huling gf nya, si Eritha. Napapailing na natatawa na lang si James.

Nakilala nya si Eritha sa graduation party ng ate ng kanyang kaibigan sa isang club sa Germany.  Everybody was drunk. Then his friend started a dare game. She dared Eritha to do a lapdance with no other but, James. Nung una, tumatawa tawa lang si James but he was surprised nung lapitan na sya ng babae. She started dancing... then she got wilder. Walang inhibition. Walang limitation. Dala ng nainom, humantong ang dare na yun sa mainit na halikan. Bago pa nya marealize, he's already making out with her. Yeah! Wild thing happened just like that. Nagising sya na katabi na nya ito. Hindi sya naniniwala sa commitment. At yun ang nilinaw nya kay Eritha kahit pa may nangyari sa kanila. Nagkibit balikat lang ito. Pero mula noon, lagi na nito'ng niyayaya si James sa kung saan saan. Mapilit. Mapamaraan. Yung tipong, hindi makagagawa ng excuse si James para tumanggi. Lalo pa't kasabwat nito ang mga kaibigan ni James. Hanggang nakasanayan na lang din ni James ang presensya nito. Lagi siyang sinusulsulan ng mga kaibigan na sagutin na daw nya si Eritha. Hanggang sa namalayan na lang nya, ipinapakilala na sya nito bilang boyfriend. Kung basehan ang kanilang sexual relationship para matawag na bf/gf, so be it. Pero kung lola nya ang tatanungin, she would never ever like Eritha. "She's bitchy," ang description ng kanyang lola Helena sa babae. But she gave him constant companionship so okay lang kay James ang babae. Pero mula nang umuwi sya at naiwan ito sa Germany, naging demanding na ito. Kung anu ano ang sinasabi. Na kesyo magskype sila... kesyo tumawag or magfacebook. Kesyo hindi dapat kalimutan ang monthsary. Nagbreak sila sa phone just like that. Or is it because he didn't love her at all? Well, he's half-hearted sa kanilang relasyon.

'Really? Or just because you found another object of  your folly?' his mind reckoned.

At lumitaw sa kanyang imahinasyon ang inosenteng mukha ni Devon. Ang inis ng babae sa kanya... ang pagtataas nito ng kilay... ang tila kawalan nito ng interes sa kanya which added more to his curiousity sa babae. Bakit tila ata walang epekto ang charm ni James pagdating rito. He's not an ordinary man at lalong hindi ordinaryo ang hitsura nito. Gwapo ito in an utmost sense... Mapang akit ang brown eyes... Matangos ang ilong... His features are perfect in shape... Samantalang ang dalaga kung tutuusin ay ordinaryo. Morena. Walang mga palamuti sa katawan.. walang make up. Bakit ba pagtutuunan ito ng pansin ng isang James Vondutch? Nagtataka rin si James sa sarili pero there's a feeling of excitement na makita ang dalaga. 

Sachie, his secretary, greeted him nang makita sya. Sumunod ito sa kanya at inisa isa ang kanyang schedule.

"Wait, when's my meeting with the HR?" singit na tanong ni James.

"Um, what for sir?" nagtatakang tanong ni Sachie sa boss.

"I'd like to evaluate their hiring and staffing procedures. Call the deparment to prepare in 30 minutes." utos nito kay Sachie habang pinapasadahan ang mga documents sa harap ng kanyang table.

My Lola's Girl (James & Devon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon