chapter 1 - The Girl

1K 16 4
                                    

"Devz, bumaba ka na diyan. Baka kung mapano ka?" 

Ang kanyang auntie Joy. Kanina pa kasi nasa taas ng puno ng mangga si Devon at nangunguha ng mangga. Nakasuot ito ng long sleeve polo at short... Tagagtak na ang pawis nito. Pero hindi nito alintana ang tawag ng kanyang auntie.. Patuloy syang nangunguha. May mga malalaking langgam na manaka naka'y kumakagat sa kanya.. Pero hindi nya to pansin.. 

Nang makakuha na ng marami, bumaba na ito.

"Bata ka, sinabi nang wag kang umakyat akyat. Tinawag mo na lang sana si Felix at sya na nanguha." nameywang na ang kanyang auntie Joy.

Devon: Auntie, ngayon mo pa ba ako sasawayin? Eh umaakyat nako ng puno mula pa nung 5 taon ako.. 15 years ko na to ginagawa no..

Joy: Hoy Devon Rose Roberto... Yan nga ang punto ko.. beinte anyos ka na. Dalaga ka na.

Devon: Kahit pa 40 anyos na ako auntie kung kaya ko pa rin umaakyat, aakyat pa rin po ako. 

Joy: Bata ka talaga, kelan ka ba matututong magpaka prim and proper. Last year ka pa graduate pero mas gusto mo magtanim ng kung ano ano at umakyat jan sa puno.. Ilang sulat na ba natanggap mo na gusto ka nilang i-hire. Pero ayaw mo. Mas gusto mo rito sa farm.  

Devon: Masaya ako rito auntie. Kung hindi lang dahil kay papa, hindi ako mag-aaral ng business.. Agriculture sana kinuha ko. 

Joy: Kaya tuloy ang itim mo na. Medyo maputi ka pa nung nasa Manila ka. Ngayon, itim na ulit.

Devon: Kayumanggi auntie. Magkaiba po ang itim at kayumanggi. 

Kumuha na si Devon ng ilang bunga saka hinugasan. Kinuha ni Joy ang bimpo at pinunasan ang mukha ni Devon na pawisan na. Saka nito isinunod ang likod nito...

Devon: Salamat auntie.. 

Pinunasan at ginulo gulo ni Joy ang buhok ni Devon dahilan para magreklamo ang dalaga..

Devon: auntieeeee (*mouth pouted)

Natatawang inayos din ni Joy ang buhok ng dalaga at ipinusod.

 Kinuha na rin ni Joy ang kutsilyo at binalatan ang mga hinugasan ni Devon.

Para silang mag-ina... Walang mag aakala na hindi sila mag ina. Kaibigan ng mga magulang ni Devon si Joy. Actually, tatlong magkakaibigan ang mama ni Devon, si Joy, at ang kanyang auntie Yam. Nakilala ni Devon ang kanyang auntie Yam dahil nag stay ito sa farm ng kanyang auntie Joy. Pero nang mag asawa ang mama ni Devon, lumipat na ang mga ito sa Manila. Nang ipanganak sya, madalas syang ipasyal ng mama nya sa dalawa.. Naalala nya, pinag aagawan sya ng kanyang auntie Yam at auntie Joy noon. Habang lumalaki sya, nakisuyo ang kanyang auntie Joy at auntie Yam na dalhin sya dun pag bakasyon at sila na bahala kay Devon. Nang kalaunan, umalis na si Yam. Ayon sa kanyang auntie Joy, nasa Hongkong na ito. Namasukan bilang DH.. Wala na silang balita sa kanya mula nun.. Ang kanyang auntie Joy, dahil nag iisa na sa buhay, lagi nitong pinagbabakasyon si Devon sa kanyang farm. Pag bakasyon sa eskwela, dun sa farm ni Joy umuuwi si Devon. Malaki ang farm ng kanyang auntie Joy actually... Malawak ang taniman ng mangga, rambutan, guapple at iba pang mga prutas. Ganun din ang taniman ng palay, mais, at mga gulay. May manmade lake din sa gitna ng farm. Sa probinsya na yun, kilala ang  farm ng kanyang auntie Joy.

My Lola's Girl (James & Devon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon