"CASE 143-2020"
WIMeolitiko.
///
Nakapikit kong kinapa-kapa sa ilalim ng unan ang pinagmumulan ng nakakabinging tunog na 'yon. Kapagkuwan, agad ko rin itong sinagot habang humihikab.
"Marcelo speaking. Who's this?" inaantok na sabi ko at kinusot-kusot ang mga mata.
"Marcelo Baltazar Uyamot! Nasaan ka na ba, kanina pa ako nandito!!" nailayo kong bahagya ang telepono sa tainga ko nang marinig ang babaeng parang liyon kung makasigaw. Ang ingay!!
"Teka! Sino ka ba, huh?! Hindi mo siguro ako kilala! Ang tinis ng boses mo, muntik ng mabasag eardrum ko!!" bulyaw ko na lamang.Hindi ako galit pero parang gano'n na nga. Kay gandang bungad, "At isa pa, ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong tawagin ako sa kompletong pangalan ko! So shu----
May sasabihin pa sana ako nang nagsalita na naman ulit ang nasa kabilang linya.
"Awittt sa'yo Atty. Uyamot! Ang galing mong tumupad sa usapan!"
Nasapo ko na lang ang noo ko nang mapagtanto kung sino ang tumawag. Shit! Nakalimutan kong may appointment pala ako ngayon kay Atty. Feiliza.
Pinatay ko agad ang tawag at dali-daling pumunta sa comfort room para maghilamos. Hindi na ako maliligo, paniguradong patay na naman ako ngayon sa babaeng 'yon.
Pagkatapos, kinuha ko na agad ang phone ko na nabato ko kanina at ang susi ng sasakyan at bumaba na ng kwarto.
"Marcelo, kain na!" wika ni mama na nasa hapag habang kumakain.
Hindi ko na lang siya sinagot at kumaripas na ng takbo patungong parking lot.
"Hoy! Saan punta mo?!"
"Nora's!" sigaw ko na lamang mula sa labas at pumasok na sa sasakyan at pinaandar ito. Salamat at nakabukas na ang gate at agad pinakaripas ito ng takbo papunta sa kinaroroonan ng liyon na 'yon.
"Am I late?" nag-aalalang tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
Napabuntong-hininga siya. "No, I am just early."
I wave my hands in front of her face when I noticed that she is staring at me head-to-foot. "Hey, am I that handsome para pagkatitigan mo 'ko?" biro ko na lang.
Pansin ko ang pagkurba ng kaniyang mga labi, hindi lang ngiti kundi ngiti ng isang asong ulol. Hindi ko na lang 'yon pinansin at agad na umupo sa upuang katapat ng sa kaniya.
"Are you okay, babygirl?"
Matulis niya akong tiningnan at padabog na inilagay ang brown na folder sa harap ko habang nakasimangot.
"Red Flag?"
She just give me her signature smirk and then open the folder she's holding. Agad ko na ring binuklat ang folder at namilog ang mga mata nang makita ang laman nito.
"You should be happy, Atty. Uyamot. I knew already who killed my father. CASE SOLVED!" she muttered "To find those evidences, please be guided with the second paper, and please don't be shock." She added and then took a sip of the tea.
Pagkuwan ay tumayo siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "And also, I hope you are aware that you are topless right now, babyboy." At pinasadahan ng tingin ang katawan ko.
Fvck!Arghhhhh.
But then, I also give her my signature smirk, "I hope you are also aware that these six pack abs is all for you. All yours, my fiancè," and I bite my lowerlip.
YOU ARE READING
#OneShotPiecesCOMPILATION [Ongoing]
RandomLet me bring you to my vast farm of imagination. Enjoy your stay!