#FIVE(5)

2 0 0
                                    


"WISH WHEN 11:11 STRIKES"

WIMeolitiko.

///

"Bye, Rayjill!" sabi niya pagkababa ng sasakyan.

Galing silang dalawa sa date. Treat ni Cherry kasi na-promote raw ito sa trabaho, at dapat daw na magsaya ito kasama siya.

Ika nga, 'it calls for a celebration.'

Nakatayo lang siya at hinihintay na umalis si Rayjill bago siya tuluyang papasok sa bahay. Bababa rin sana si Rayjill para ihatid ito pero siya na rin ang nag-insist na huwag na raw at kaya niya rin naman, at isa pa lumalalim na rin ang gabi.

Kaya walang nagawa si Rayjill kundi pa-andaring muli ang sasakyan. "Drive safe, Rayjill," patuloy niya at saka kumaway.

Pero imbes na umalis na ay pinagkatitigan lang siya nito at saka nagsalita.

"Babe, I'm going.." aniya na animo'y nagugulumihan.

Tinaasan niya ito ng kilay, "Kaya nga drive safe 'di ba?"

"Babe!!" reklamo niyang muli.

"Ano ba kasi? Rayjill ang labo mo!"

He sighed.

"Babe, I'm going... I love you," 'tsaka nahihiyang yumuko.

Napabuntong-hininga na lamang siya at napailing dahil sa inasal ng lalaki. Ilang segundo bago niya napagtantong naglalambing si Rayjill sa kaniya.

Napakibit-balikat na lang siya at saka sinabing, "O siya, umuwi ka na at maaga ka pa bukas para sa trabaho mo. Good night!"

Sa inasal niyang iyon ay nagmistula na siyang batang nagta-tantrums habang pinapanood ni Cherry na natatawa na rin.

"Hoy lalaki, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?" At pinandilatan niya ito ng mata.

He pouted. "Say it back! I'm saying I love you. Say it back, Cherry." Pagkuwan ay ipinatong pa ang ulo nito sa manubela.

'You gotta be kidding me, Rayjill.'

"Seriously, Rayjill? HAHAHAHA akala ko naman hindi ka na marunong mag-drive HAHAHA," she laughed "Alright, I love you, mahal ko."

"Good girl."

At sa huli ay umuwi na rin itong may ngiti sa labi. For pete's sake, natatawa siya sa sarili niya kung paano niya nagawa iyong paglalambing. And he know it for sure na nagulat din si Cherry dahil doon. Such a cringe!

And Cherry, hindi rin mawala-wala ang ngiti niya habang isinasara ang pinto ng bahay. Natatawa siya na kinikilig ang everyone knows it, ganiyan naman 'di ba kapag inlove? It felt like you are floating in cloud nine.

Sumalubong sa kaniya ang madilim na sala. Pahikab-hikab pa niyang tinignan ang relo at nakitang quarter to 11 na pala, at napahimas na lang sa batok.

It's been a long great day for her.

Inilagay na lang niya sa ref ang pasalubong nitong ice cream sa bunsong kapatid at paniguradong tulog na ang mga iyon kaya hindi na siya nag-abala pang gisingin ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

#OneShotPiecesCOMPILATION [Ongoing]Where stories live. Discover now