"MILAGROS AT COMMUNITY PANTRY"
WIMeolitiko.
///
Araw ng linggo at walang pasok kaya walang ibang magawa ang tita Milagros ninyo kundi magso-scroll na lang sa rpw app at hinihintay mag-chat si Reynan ang ka-RS ko.
Sa mga inggit? PIKIT!!
Boring! Boring!
Futek! Pati ringtone ansama, namemersonal. Tsk!
Biglang lumiwanag ang buong paligid ko nang makita ko kung sino ang dahilan ng tunog, agad ko naman itong tinignan at napangiti sa nabasa.
"Hey, bebe kong pabebe! Kain na diyan ah?Huwag magpapagutom," okay na sana pero tinawag niya akong pabebe. Kainis bakit ba hindi siya nagkakamali!
Magtitipa na sana ako nang biglang may sumigaw.
"Ay Reynan mahal ko!" gulat kong sambit dahil sa biglang pagsulpot ni mama sa harap ko habang hawak-hawak ang gintong sandok niya.
Pinandilatan naman niya ako ng mata. "Hoy, Milagros! Sinong Reynan?"
"J-Jowa ko po," ano ba itong pinagsasabi ko!!
"Anong jowa jowa huh?! Ikaw talagang bata ka hindi ka pa marunong magsaing, harot na iniisip mo!"
"Sabi ko nga wala!" bumalik na lang ako sa pagdu-dukdok sa selpon ko at binalewala na lang ang sermon ni mommy Marites.
"Aray!" sigaw ko na lamang dahil sa pagdapo ng sandok sa ulo ko.
"Ano na naman ba Ma?!"
"Pumunta ka nga sa Community Pantry at kumuha ka ng ketchup para sa giniling na niluluto ko," wika niya habang naka-pameywang pa.
"At kailangan pa talaga batohin ng sandok?" giit ko.
"Ano papalag ka?" sigaw niya sabay kuha sa chopping board na nasa mesa at ibabato na naman to saakin panigurado.
Show to kill masyado. Parang 'di pamilya amp!
Tama na iyong sakit na dulot ng gintong sandok niya kaya dali-dali na akong tumayo at kumaripas ng takbo sa k'warto ko.
Papasok na sana ako pero nagsasalita na naman siya.
"Saan ka pupunta?"
"Magpapalit lang ako ma,alangan namang ganito lang susuotin ko? Mukha naman akong basahan nito 'no? At saka baka may gwapo doon," tugon ko naman.
"Huwag ka ng magbihis! Pumunta ka na doon at masusunog na itong niluluto ko. At kahit naman magbi-bihis ka, mukhang basahan ka pa rin at saklap pa?fashionistang basahan HAHAHA."
"Bilisan mo ha!"
Grabe! Nanay ko ba talaga 'to?
Para wala ng gulo ay padabog na lang akong umalis. Mang-uutos na nga, namemersonal pa. Hays!
Dahil sa galit ako ay mabilis ko lang narating ang pantry, agad na akong lumapit dito para kumuha na ng ketchup pero mas lumiwanag na nasisilaw na ako ng makita ang nagbabantay dito.
"Sabi ko na nga ba at may biyaya rito e," bulong ko na lamang. Bahala na kung ganito lang ako basta ang misyon ko ngayon ay kumuha ng ketchup at syempre oplan papansin sa nagbabantay HEHE.
Pasimple akong lumapit dito at hinaplos-haplos pa ang buhok ko kahit na may kuto e gora pa rin HAHAHA haliparot tayo kaya panindigan natin.
"Ano pong sainyo, miss?" owshii that deep and monotone voice ackkk!
Enter me your talong hnng~
"A-ahmm no no no," I said with matching hand gestures "Just call me your labidabs hehe."
Kita ko naman sa mukha niya na napangiti siya kahit naka-mask. Ma-fall ka please?!!
"Pakikuha nga ako no'ng isa diyan, hubby." Agad naman niyang kinuha ang tinuro ko at inabot ito saakin.
Dahil ang harot ko ay pasimple kong hinaplos ang kamay niya nang tanggapin ko ang bote ng ketchup.
"Salamat,hubby." Kumurap-kurap pa ako para plus points. Imbes na matawa siya ay nainis lang, gano'n ba ako ka-pangit at mainis ka hubby ko?
May sasabihin pa sana ako pero bigla na lang nandilim ang buong paligid ko na dahilan ng aking pagkatumba.
Ayaw ko na talaga sa pamilya ko, epal masyado. Sa kalandian ko ay nabato tuloy ako ni mama ng kalan, grabe na talaga ito! Torture na!!
"Sissy? Wake up! Sissy? Okay ka lang?" rinig kong sabi at kinusot-kusot pa ang mga mata. Sino ba itong bakla na 'to?
No!! Hindi ito maaari! Hindi pwede!!! Sobrang nasasayangan ako sa'yo! Hubby pa naman sana kita!!
Walang pakundangan akong tumayo at dali-daling binuhat ang kalan namin at kumaripas ng takbo.
"MAMA!!! ITO NA ANG KETCHUP, AYAW KO NA TALAGANG LUMANDI HUHUHUHU. MAMAAAAAAAAAA!"
Karma!
WAKAS.
YOU ARE READING
#OneShotPiecesCOMPILATION [Ongoing]
RandomLet me bring you to my vast farm of imagination. Enjoy your stay!