#THREE(3)

3 1 0
                                    

"I AM NOT GAY!"

WIMeolitiko.

///

"Speaking of the devil." Napatingin ako sa direksyon ng nagsasalita at pinandilatan naman ako ng mata ng kaibigan kong si Angelu.

Saktong paglingon ko ay siya namang pagsalampak ng plato na may laman na spaghetti sa mukha ko.

Agad namang napuno ng tawanan ang canteen na iyon. Hindi ko napigilang mapaluha hindi dahil sa kahihiyan kundi sa galit. Pagod na ako sa ganitong kaganapan, araw-araw na lang p*ta!

"Here we go again, Callisto." anas ko na lang sa sarili habang isa-isang kinuha ang mga nagkalat na spaghetti noodles sa ulo ko saka pinunasan ng panyo ang mukha kong lumagkit dahil sa sauce nito.

"But maybe it's my turn now."

Kapagkuwan ay agad na akong tumayo para harapin ang mga ungas na walang tigil sa pagtatawanan dahil sa tinamo ko.

"Ano ba ang mga problema niyo hah!" sigaw ko. "Wala na kayong ambag sa buhay ko kundi ang pagti-tripan ako!"

Imbes na mapitlag ay mas lumakas pa ang kanilang tawanan pati na rin ng ibang naroroon. Argh!

"Ikaw Kaen! Wala kang isang salita hay*p ka! Hindi ka marunong tumupad ng usapan gag*!! Sabi mo titigilan niyo na ako kapag pinakopya ko kayo sa exam kanina? Ano ba naman iyan, parang hindi lalaki! Tsk."

"Hahahahaha masyado kang nagpa-paniwala sa utol ko, dyosa HAHAHA," sabat naman ni Jordan- isa sa mga ulopong ni Kaen.

"Kaya nga mahilig pag-tripan nitong si Kaen kasi walang utak!HAHAHAHA." gatong naman no'ng Axel na nasa kaliwa niya at agad nag-high five ang dalawa. Isip-bata taena.

Pakembot-kembot pa na pumunta si Kaen sa likod ko. "Alam mo Callisto o sabihin ko ng Callista, masyado kang bobo para paniwalaan mo'ko HAHAHA." Palakad-lakad pa siya sa likuran ko na parang sinusuri ako.

May nalalaman pang paghawak sa balikat ko habang nagsasalita.

"At isa pa--

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang siniko ko siya at napayuko na lamang dahil sa sakit, bagay lang 'yan sa'yo, UHOG!

At k'winelyuhan naman ako ni Jordan kaya napapikit na lang ako nang maamoy ko ang hininga niya.

"At lumalaban ka na ngayon hah!" usal niya at mababakas ang galit sa mukha niya dahil sa pagtangis ng bagang nito.

"Bro hindi ganiyan ang pag-trato sa binabae," pabalang na wika naman ni Kaen mula sa likod ko.

Aawatin na sana niya ang kaibigan nang bigla na lang dumapo ang kamao ko sa leeg niya na dahilan ng pagka-tumba nito sa ikalawang pagkakataon.

"Nagkamali ka ng binangga, Callista!"

Susuntokin na niya sana ako pero mas madali ko namang nasipa ang may bandang ari niya. Sapol!

Sa sobrang sakit no'n ay napaluhod siya habang hawak-hawak pa ang kaibigan niya sa gitna. 3 points!

Tumaas na ang tensyon sa loob ng canteen.

Lumapit naman si Axel saakin at akmang susuntokin na naman ako pero huli na nang masipa ko ang binti niya. Ayon napaiyak dahil sa sakit, ikaw pala dapat tawagin na bakla e HAHAHA.

4 points!

"Mas nagkamali kayo ng binangga mga ungas HAHAHA," wika ko na lamang "Ano masakit ba? Iyan kasi, basta basta na lang susugod e wala naman palang ibubuga."

"Mga wala pala kayong binatbat e."

"Kayong lahat na nandito sa canteen!" sigaw ko na kumuha ng atensyon ng lahat.

Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita ulit. "Kayong lahat na nandito, sa susunod kapag may plano kayong pag-tripan ang iba piliin niyo naman iyong sa tingin niyo ay walang laban sa inyo. Kasi kahit na sabihin ko na huwag niyo ng ituloy ay mayroon talagang mga taong kapag umasta ay basura," panimula ko habang nilibot ng tingin ang silid na iyon.

"Tingnan niyo nangyari sa tatlong ito,si Kaen na akala mo maangas pero mawawalan na yata ng leeg,si Jordan mababaog na at itong si Axel na akala mo'y walang kinatatakutan e sa binti lang naman pala ang kahinaan HAHAHA."

"Ano boys masakit ba?" tanong ko habang tinitigan sila isa-isa.

Kawawang mga lalaki, bumagsak dahil sa isang beke. Ay! confirmed, beke rin sila HAHAHA.

"Masakit nga pero hindi 'yon makakapagpa-bago sa kasarian mo bakla ka! Bakla na nga bulol pa," Kahit na papikit pikit dahil sa sakit ay nakuha pa ring mangutya.

Masamang damo nga dep*ta.

Pabebe ko siyang pinuntahan at yumuko para magka-pantay kami,

"Ansabe?! Baka kapag pinatos ko 'yan, mauu-ulol ka Jordan my friend." Malagkit ko siyang tiningnan na ikinatulis pa ng tingin niya, "Huwag na lang pala, hindi ako pumapatol sa pilasa na." Pabiro kong sabi at agad na bumalik sa kinatatayuan ko kanina.

"Awee, before I forgot my friends. Oo bakla ako pero hindi bakla lang. May ibubuga rin ako, kaya kung plano niyong gulohin ulit ang buhay ko, umatras na lang kayo para hindi kayo matulad sa tatlong nasa sahig na ngayon."

"Oo bakla ako pero may pinag-aralan ako, alam ko kung ano talaga ako, may respeto ako sa kapwa ko. Pero kung ako ang uunahan niyo, matitikman niyo ang batas ng isang Callista Fernandez."

Alam kong takot silang lahat saakin ngayon dahil sa lakas ng boses ko at sa inasta ko.

Tinawag ko na si Angelu para umalis na sa nakakarinding lugar na 'yon.

"Tara na Angelu my friend, umalis na tayo rito. Hindi niyo man lang ako pinagod, hindi niyo man lang pinakaba ang puso ko. Kapagod pala kapag bobo ang kalaban mo hays." Sabi ko habang pinaypayan ang sarili gamit ang panyo.

Haggard na ang lola niyo.

"Let's go, Angelu."

Palabas na sana kami pero biglang nagsalita si Kaen. "Tumakbo ka na habang may oras ka pa bakla ka, huwag mong hayaang maabutan ka namin hay*p ka!"

"Takot ako takot. Hello Kaen? Choppy ka sir, paki-ulit nga sir. Over!" usal ko habang umaakting na may kausap ako sa walkie-talkie.

Dahil sa pangyayaring iyon ay narinig ko na rin sa wakas ang mga tawa nila na nagsasabing kuma-kampi sila saakin.

"I AM NOT GAY! I AM GOD'S BEAUTIFUL CREATION." I said as I flip my hair.

"Dzuh!"

WAKAS.

#OneShotPiecesCOMPILATION [Ongoing]Where stories live. Discover now