Chapter 32- I'll be your protector

12.4K 268 18
                                    

SOPHIA'S POV

Aakyat na sana ako sa kwarto pero parang nahagilap ng mga mata ko si Nathan na kaupo sa may tabi ng pool nakalubog ang mga paa, parang malayo ang iniisip, ba't di pa sya natutulog, gabi na ahh.

Well as his sis.inlaw naging concern na ako kaya pinuntahan ko sya.


“ba't di kapa natutulog”-bungad ko sabay upo na rin sa tabi nya at inilubog ko narin ang mga paa ko sa pool ang lamig pero nakakarelax naman

“ehh ba't ikaw di pa rin natutulog”-ano to binalik lang ang tanong ko

“matutulog na sana ako pero nakita kita ehh, ano bang ginagawa mo dito?”-tanong ko

“wala”-matipid na sagot nya

“ may problema kaba”-tanong ko

“ wala”-ang tipid talaga nitong sumagot, medyo boring kausap

“ ahh, Nathan apectado ka paba sa nalaman mo”

“ bakit ba kasi”-anong bakit ba kasi ang tinatanong nito, kung bakit ba mag-asawa na kami ng kuya nya, ang gulo ahh

“anong bakit ba kasi”-tanong ka dahil naguguluhan ako sa sagot nya

“ba't ba kay kuya ka ipinakasal”-ang gulo talaga ni Nathan anong gusto nya sa kanya ako ipakasal

“mahabang kwento at saka ano naman ang problema na sa kuya ako ngayon naikasal”

“ sana ako nalang”-tama ba ang narinig ko, sana sya nalang daw, ang bata pa kaya nya, si Timothy nga ayaw kong pakasalan noon kung di lang ako napilitan lalo naman kay Nathan

“hay.......... naririnig mo ba yang sinasabi mo Nathan, tara na nga matulog na tayo, pasok na tayo sa loob”-anyaya ko sa kanya, at tumayo na

“teka”-pagpigil nya sa akin

“ohh ano, di ka pa ba papasok?”-tanong ko ulit sa kanya, at naglakad na papalayo

“ate Sophia”-habol nya saakin, tinawag nya akong ate?, tama kaya ang narinig ko

“ tinawag mo akong ate”-tanong ko sa kanya at huminto

“ oo, ate naman talaga kita diba”-tanong nya, tama naman

“ oo”-sagot ko

“ kahit, sis.inlaw lang kita promise I'll be your protector and savior”-ngumiti ako sa sinabi ni Nathan nakakagan naman kasi ng loob ang sinabi nya, sana si Timothy ang magsabi ng ganon, ano ba Sophia, hayan ka nanaman umaasa ka nanaman kay Timothy

“ buti naman at naintindihan mo na, salamat Nathan”

“pa hug nga”-di pa nga ako pumayag, hinila na akong ng batang ito at niyakap, well as his sister nalang diba


“ and what are you doing”-nagulat nalang kami ng may nagsalita, at si Timothy nga ba't gising pa ang mokong na to

“wala”-sagot ko, at alam ko namang nakita nya kaming nagyakapan ng step brother nya

“bakit kuya, selos ka sa nakita mo”-tanong ni Nathan, at sa nga nagselos man lang sya

“ ano binagsasabi mo dyan, pumasok na nga kayo, ang lalim na ng gabi nandito a kayo sa labas, at di pa kayo natutulog?”-wow kung makapagsalita sya rin naman ahh, gising rin naman

“ okay good night kuya, good night ate”-paalam ni Nathan, at tumakbo na papunta sa kwarto nila, sa guest room sila ngayon natutulog


Marrying The Campus Crush( by sevoloves )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon