Suplada
"Magandang umaga, Ches. This is Myca. Libre ka ba mamayang alas 6 ng gabi? Gusto sana kitang imbitahan sa kaarawan ng Lolo namin. Dito lang sa hacienda." Alas-3 na ng umaga nang mabasa ko ang mensahe ni Myca.
Hindi ko alam kung bakit niya ako iniimbita. Sa totoo lang hindi naman talaga kami gaanong malapit sa isa't isa. Noong sila pa kasi ng pinsan ko ay halos hindi na sila mapaghiwalay. Araw at gabi yata maging magdamag ay sila lang ang magkasama. Kaya naman wala kaming gaanong interaksyon ni Myca kahit pa sabihin niyang pinsan ko ang nobyo niya.
Kaya naman hindi ko alam kung anong ire-reply ko sa mensahe niya. Inaantok pa rin ako kaya lang ayaw kong masira ang routine ko kaya naman wala akong choice kundi gumising na. Masaya ako dahil kahit papaano nasimulan ko na ang pagda-draft ng bagong kwento ko. Baka hindi ko rin masimulan ngayon ang Simula dahil hindi pa naman ako natatapos.
Hindi ko muna ni-replayan si Myca dahil pag-iisipan ko pa kung pupunta ba ako habang tumatakbo.
Tulad kahapon ay may iilang taga-rito na rin ang gising na at nagja-jogging na rin. Marami namang matatanda ang gising na rin at papasok na sa trabaho.
Hanga ako sa mga taong hindi pa man tumitilaok ang tandang ay gising na gising na para maghanapbuhay. Their hardwork inspires me. Only those who value their time and job will lived like them for years. But maybe, I thought they don't have a choice either but to work because they need to put food in the table. And some wasn't given the opportunity to explore other job or pursue their dreams.
After I witnessed another beautiful sunrise, I have decided to accept Myca's invitation. Naisip ko kasi na kung pupunta ako maaari akong makatagpo ng mga bagong kaibigan at makisalamuha sa mga tao rito. Kaya naman pinaunlakan ko ang imbitasyon ni Myca kahit tingin ko hindi rin ako mag-eenjoy dahil bukod sa kanya wala na akong kilala pa na dadalo rin sa kaarawan ng kanilang Lolo. I'm just hoping people are kind enough to talk to a stranger.
Halos mag-aala-6 ng gabi na nang makarinig ako ng tunog ng isang sasakyan sa harap ng bahay namin. Nagmamadali naman ako sa pag-aayos kaya ipinagsawalang bahala ko na lang ang narinig.Magta-tricycle lang ako papunta sa hacienda nina Myca tutal malapit lang naman ito sa bahay nina lolo't lola.
Ngunit nang may marinig akong tumatawag sa akin sa labas ay kaagad akong nagmadali sa pag-aayos. Shit. Hindi ko alam na susunduin ako ni Myca o na may susundo sa akin papunta sa kanila. Unti-unting lumilinaw ang boses ng tumatawag habang papalapit ako sa pintuan ng bahay.
Bago ko pa mabuksan ang pinto ay narinig ko na ng malinaw ang isang baritonong boses ng lalaki.
"'Nay, susunduin ko sana ang apo ninyo. Kaarawan kasi ni Lolo Jaime at inimbitahan po siya ni Myca sa hacienda," rinig kong sabi ng lalaki na naririnig kung tumatawag sa 'kin kanina.
"Ah eh, ganu'n ba hijo. O siya, sandali lang at tatawagin ko si Franceska," saad ni Nanay Soleng sa lalaki.
Kaagad akong nakita ni Nanay Soleng nang makalabas ako sa pintuan.
"Apo! Mabuti at tapos ka na. Sinusundo ka na ni Myca," sabi ni Nanay Soleng.
"Ganu'n po ba, 'Nay. Nasaan po si Myca?" tanong ko sabay pasada ng tingin sa lalaking hindi ko mawari ang mariing tingin na ipinupukol sa akin.
Hindi naman na nakasagot si Nanay Soleng dahil sa biglaang pagsasalita ng lalaki na umano'y susundo sa akin. Bago sabihin ang kanyang pakay, pinasadahan muna ni Leon ang suot kong damit bago nagtagpo ang aming mga mata. Para saan ang tinging iyon? This guys is weird. Really.
"Abala si Myca sa pag-aayos ng party ni Lolo kaya ako muna ang pinadala niya para sumundo sa 'yo," sabi ni Leon.
"Handa ka na ba?" aniya nang hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/186762917-288-k488083.jpg)
BINABASA MO ANG
Going Back to Sitio Ignacio
RomanceFranceska Sandoval left Sitio Ignacio to reach her dream of becoming a writer. As years passed, she returned to Sitio Ignacio again but this time, to find the fire that fuels her passion to write. But will she be able to find the reason that can res...