Ikalimang Kabanata

8 0 0
                                    

Unknown

Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko? I think I'm going crazy with these kinds of thoughts. Kastigo ko sa sarili. Dapat talaga bawas-bawasan ko ang pag-iisip masyado tungkol kay Leon. Wait, it's not like I'm always thinking about him? Depensa ko.

"Are you okay?" May himig ng pag-aalala ang boses ni Leon. Tiningnan niya ang mukha ko nang maigi para suriin kung may problema ba sa akin.

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko sa kanya.

"Kanina ka pa tinatawag nila Myca pero hindi ka sumasagot." Dahil sa sinabi niya kaya bumalik ang wisyo ko.

May itatanong pa sana si Leon nang marinig namin ang muling pagtawag ni Myca.

"Leon, Ches, halina na kayo!" Sigaw niya mula sa cottage namin.

"Let's go," I heard him say at lumangoy na papunta sa cottage namin. Parang wala naman sa sarili akong sumunod sa kanya. Pakiramdam ko lumulutang ako habang naglalakad. Nakasunod lang ako kay Leon.

Napaaray naman ako nang bumangga ang ulo ko sa isang matigas na bagay na likod niya pala. Dahil parang lutang ako na naglalakad kaya hindi ko namalayan na bigla pala siyang huminto. Nag-sorry naman ako.

"Are you okay?" Tanong niya ulit. "You're not yourself since you got up," dagdag niya.

Nabigla naman ako dahil napansin pala niya.

"I'm okay, Leon." Simpleng sagot ko sa kanya. But based on his expression, he didn't buy my answer.

"Mauna ka nang maglakad." Utos niya. Hindi na ako pumalag sa sinabi niya.

Nang makarating kami sa cottage, nakahanda na ang mga pagkain. Ipinag-utos pala ni Leon kanina sa caretaker ng Spring na tauhan nila na ihawin ang dala naming pagkain.

"Ches, are you okay?" Agad na tanong sa akin ni Myca. "Natigilan ka na dun sa gitna, eh." Nag-aalalang sambit ni Myca.

"Yes. I'm okay. May bigla lang akong naisip kanina. Sorry, hindi ko narinig ang tawag mo." I said half truth and half lie. Hindi na rin kinuwestiyon ni Myca ang sagot ko.

Nagutom yata kami dahil sa paglangoy kaya naman tahimik ang buong cottage at naka-focus lang kami sa pagkain.

Hindi rin nagtagal ay nabasag ang katahimikan nang magsalita si Nigel.

"Hey, Lee, ba't hindi mo kasama si Tria ngayon?" Natigilan naman si Leon sa pagkain. Uminom muna siya ng tubig bago sinagot si Nigel.

"She's busy," walang ganang sagot ni Leon.

"Buti naman din wala ang babaeng 'yon dito," iritableng saad ni Myca. Mukhang malalim nga ang pagkadisgusto ni Myca sa Tria na pinag-uusapan nila.

"Bakit, hindi mo pa rin ba matanggap na girlfriend siya ni Leon?" Prangkang tanong ni Nigel kay Myca.

"Duh, hindi ko matanggap ang katulad niyang malandi at matapobre!" ani Myca.

"Myc, that's enough." Awat naman ni Jerome kay Myca.

"Stop talking about someone who's not here," mariing saad ni Leon. Dismissing the topic.

Timing namang pagkatapos magsalita ni Leon ay tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong si Lola Soleng ito. Akmang aalis ako para sagutin ang tawag nang muling magsalita si Leon.

"You can answer it here. We'll be quiet," aniya.

"Oh, okay," sabi ko bago sinagot ang tawag ni Lola.

"Hello, 'Nay," bati ko sa kanya. "Napatawag ho kayo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Going Back to Sitio IgnacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon