Me
Maaga pa lang ay sinundo na ako nila Myca para raw wala pang masyadong tao roon at solo namin ang Spring.
Kwento niya, madalas bandang alas-8 na nagsisidatingan ang mga turista o 'yung mga local na gusto lang maligo sa Spring.
Si Leon ang nagmamaneho sa jeep nila papunta sa Spring at katabi niya si Jerome habang nasa backseat ako nakaupo at napapagitnaan nina Myca at Nikka. Hindi pa namin kasama si Nigel dahil may inutos pa raw ang tatay nito sa kanya kaya susunod na lamang siya amin.
Just like the other night, the two women entertained me by asking questions gaya ng kung kailan ako mananatili sa Sitio, about my work, or what are my plans while I'm here.
Hindi man detalyado, ibinahagi ko pa rin ang ilan sa mga plano ko sa kanila tulad ng plano kong mag-hiking papunta sa Alps. Ipinaliwanag ko rin na nag-resign ako sa dating publishing company na pinagtatrabahuhan ko dahil I got burnout. Hindi ko na dinisclose na nawalan ako nang ganang magsulat o kaya ang tungkol sa paghahanap ko ng motivation para makapagsulat muli.
How I wish na nakaupo ako malapit sa bintana para ma-enjoy ko ang luntiang tanawin na dinadaanan namin papunta sa Spring. I don't know but I feel like, ma-iinspire akong magsulat mamayang gabi kapag nakalanghap ako ng sariwang hangin at makita ko ang mga tanawin sa Sitio. Napakaganda rin kasi ng probinsya ng Mama ko. Simple lang ang buhay ng mga tao at umaasa sa mga malalaking coconut plantation at farm.
"Saan ka pala gumraduate, Ches?" biglang tanong ni Nikka. Naramdaman ko naman ang pagtingin ni Leon sa rearview mirror kaya nagkatinginan kami saglit nang tumingin din ako doon.
At muli, ako na ang unang bumitiw sa tinginan naman ni Leon at sinagot si Nikka.
"Ah UPLB, Nik," sagot ko sa kanya.
"Wow! You know pangarap ko na mag-aral sa UP but sadly, hindi ako nakapasa sa entrance exam nila. So I went to La Salle instead," ani Nikka.
La Salle is also a good university. Better than other state universities. Kumpleto ang facilities na makakatulong sa pag-aaral. The environment is convenient and learning and student-friendly.
Kumpara sa mga state university, mas maganda rin ang private lalo na kapag allied or medically-inclined ang course mo. Kapag state university kasi madalas kulang talaga ang mga facility at gamit para sa practical application ng mga estudyante.
Marami-rami rin kaming napag-usapan nina Myca at Nikka bago kami nakarating sa Spring.
May sarili palang parking space ang mga Severino sa Spring kaya 'di na kami nahirapan pang humanap ng parking space lalo na't kahit alas-7 pa lang ay marami ng tao. I already expected this since it's weekend.
We left Leon and Jerome at the parking lot para makahanap ng cottage na malapit lang sa paanan ng Spring para mas madali lang ang access if gusto naming lumangoy.
Dumating naman agad sina Leon at Jerome dala ang isang cooler laman ang mga pagkain at inumin namin.
Hindi kami lumangoy agad at prinepare muna namin ang mga iihawing isda at bbq para mamaya. Fortunately, may bbq area sa gilid ng cottage kung saan pwedeng mag-ihaw.
Habang nilalagyan ko ng uling ang griller, nabigla ako nang biglang tumabi sa akin si Leon. Hawak niya ang tupperware na may lamang isda at karne.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya tahimik na lang akong nagpatuloy sa ginagawa ko. Nakita kong nilalagyan na niya ngayon ng seasoning ang mga isda at karne. Focus na focus siya sa ginagawa kaya naman nang bigla siyang lumingon sa banda ko ay halata ang pag-iwas ko.
"Are you done?" Nabigla na naman ako nang magsalita siya. Nagiging magugulatin na yata ako kapag nasa malapit lang ang lalaking ito.
"Ha? Ah, oo." I bite my lips after I answered him. Shit, siguro nakita niyang tinitingnan ko siya. Well, wala namang mali ah? Kastigo ko sa sarili ko. Bakit bawal na bang tumingin sa kanya? Napairap na lang ako sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/186762917-288-k488083.jpg)
BINABASA MO ANG
Going Back to Sitio Ignacio
RomanceFranceska Sandoval left Sitio Ignacio to reach her dream of becoming a writer. As years passed, she returned to Sitio Ignacio again but this time, to find the fire that fuels her passion to write. But will she be able to find the reason that can res...