Unang Kabanata

40 4 2
                                    

Ironic

Sometimes we let go of the things that make us happy because we want someone to be happy too. Nagiging mapagparaya tayo. Sa puntong kahit nasasaktan na tayo, pilit pa rin nating iniintindi ang sitwasyon pati na rin ang mga tao sa buhay natin.

Noong bata pa ako, marami akong binitiwang mga bagay. Mga importanteng bagay. Noong mga panahong binitiwan ko sila sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magsisisi at mawawala rin ang sakit. Pero hindi pala. May mga sugat na akala mo naghilom na pero hindi pa pala. Literal na naghilom pero 'yong kirot, sakit ay nararamdaman mo pa rin. Kung bagay sana ay mapapalitan pa pero papaano nalang kung tao ang iniwan at ipinagpalit mo? Ang sinaktan mo? How would you cope from the heartache? Iiyak ka? Pero paano kung wala ka nang mga luhang maiiyak? I guess that's the time that we feel numbed. Next, without realizing it we try to bury deep inside our hearts the pain. Ngunit may hangganan ang bawat pagtatago. Kaya gaano man natin itago ang sakit at galit, kusa itong magpapakita, magpaparamdam, humihiling ng atensyon.

Lumapit sa pwesto namin si Leon. Hinalikan niya si Myca sa pisngi pagkarating niya sa kinaroroonan namin.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" pang-uusisa ni Myca sa lalaki.

"Kinailangan kong ihatid muna kay Mang Isme ang mga prutas at gulay galing sa farm dahil nasira ang truck sa hacienda. Pinakiusapan ako ni Lolo na ako na ang maghatid. I'm sorry for being late." Lumambot ang ekspresyon ng lalaki habang humihingi ng tawad kay Myca. Agad akong tumingin sa ibang direksiyon nang bumaling ang tingin nito sa akin.

"Ganu'n ba? Akala ko napano ka na," ani Myca rito.

"Ay! My bad! Leon, this is Franceska Sandoval. Carlos' cousin." Nabigla ako nang ipinakilala niya sa akin si Leon. Naglahad ng kamay ang huli pero sa sobrang bigla ko ay hindi ko agad ito natanggap.

"Hi, ako nga pala si Franceska. Nice meeting you!" Halos nanginginig ang kamay at tinig ko nang magsalita. This is unexpected!

"Leon Nikolai Severino, Myca's cousin." May diin na pakilala niya. Weird. Habang nagsasalita ay tagos hanggang kaluluwa ko ang titig niya. Para namang napapasong binitawan ko ang kamay niya.

"Ah, baka nakakaistorbo na kami sa'yo, Ches. Aalis na siguro kami para naman makapamili ka na. It's nice meeting you again." Walang duda na masayahing tao si Myca. Magkaibang-magkaiba ang awra nila ng pinsan niya.

"Hindi naman kayo nakakaistorbo, Myc. Masaya rin ako at kahit papaano nagkita tayo ulit. Salamat!" Nahihiyang tugon ko sa kaniya. At ambisyosa mang pakinggan ay alam ko na nakatingin si Leon sa 'kin dahil nararamdaman ko ang mainit na titig na ipinupukol niya sa akin.

"Alright. See you again!" Pagkatapos magpaalam ni Myca ay pinuntahan na nila ang mga kasamahan nila na nasa lounge area lang din ng boutique. Sinundan ko sila ng tingin habang papunta sila sa sigurado akong mga barkada nila. They're a big crowd.

Pero bago pa nila mapansin ang paninitig ko, binalik ko na ang atensyon ko sa mga damit na naka-display. That's the last thing I want to happen now.

Magaganda ang mga damit nila kaya lang wala pa ako sa huwisyo na gumastos ng marami para sa mga hindi ko pa kailangan. Okay na ako sa top na bibilhin ko. Nagbayad na ako sa counter at sa huling pagkakataon nagpaalam kay Myca. Nginitian ko na rin ang mga kasamahan niya.

"Mauna na ako, Myc. May aasikasuhin pa kasi ako sa bahay," paalam ko sa kaniya.

"Sige. Mag-ingat ka pauwi," ngiting saad niya.

Habang nagpapaalam ako kay Myca ay tumingin ako sa pinsan niya. Nag-uusap sila ng tatlo pa nilang kasamahan na lalaki. Just like his physical features, the other men also has strong physical features. All of them have beautiful face, nice body. In short, they are all good-looking. God's gift to women. I laughed in my mind because that is how I described the male characters in my story.

Pagkatapos ko sa boutique ay bumili muna ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko mamayang tanghalian at hapunan bago umuwi. Nadatnan ko si Lola Soleng na nagwawalis sa harap ng bahay.

"Magandang umaga, 'Nay. Si Lolo po?" Nagmano ako sa kaniya at inilagay na ang mga sangkap sa kusina.

"Nagpunta ang Lolo Lito mo sa farm ng mga Severino para ibenta ang mga manok na malalaki na."

"Ah ganun po ba. Kumain na po kayo, 'Nay?" Tanong ko sa kaniya habang nilalagay ko ang mga sangkap sa refrigerator. Iniba ko na rin ang mga sangkap na lulutuin ko para sa tanghalian.

"Oo, tapos na anak. Ikaw ba?" aniya.

"Tapos na po, 'Nay. Sa bayan na po ako kumain." Pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili ay nagpaalam ako kay Nanay na aakyat na muna sa kwarto ko para maligo.

Pagkarating ko naman sa kwarto ay biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number.

"Ches, please answer my calls. I know we can still fix this. Running won't help us fix our problem," halos marinig ko na ang boses ng ex ko habang binabasa ang kaniyang mensahe. Bago ko pinatay ang cellphone ay nag-message pa ulit siya.

"Please, babe. I love you." Tsk. What an asshole.

It's actually funny because when you've given your love and attention to other people, saka ka nila babalewalain at hindi papahalagahan ang nararamdaman mo. At kapag naramdaman nilang tuluyan ka nang sumuko at wala ka ng pake sa anumang sasabihin nila, doon ka pa nila bibigyan ng atensyon. Ironic.

Sana naman naisip niya na masyado nang huli para ayusin pa ang relasyon namin. Ilang buwan na ba ang lumipas? Anim, pito? Tanga na lang ang kayang magpatawad pa sa mga ginawa niya. At sigurado ako na hindi ako 'yon.

Kaya hindi ko na lang ni-replyan at binura ko na ang numero niya. I changed number. Kaya paano niya nalaman ang numero ko? Maybe he got it from the company. He's the boss anyway.

Naligo muna ako bago magtrabaho. I'll try to write the draft of my new story. I'm really hoping I could be productive today. I don't want to waste my time but I don't want to pressure myself also. Let's take it one day at a time. Kaya draft muna ngayon. Bukas na ang Simula.

Going Back to Sitio IgnacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon