Ikatlong Kabanata

35 1 3
                                    

Permission

Tulad ng paalam ko kay Nanay Soleng, alas 9 pa lang ay nagpaalam na ako sa lolo ni Myca na uuwi na.

Wala akong planong magtagal lalo na't si Myca at Nikka lang ang kumakausap sa akin sa kanilang grupo.

I understand why some of their friends can't strike a conversation with me without feeling awkward. I get it. They can't accept an outsider especially who don't grow up here in Sitio.

Puro mga haciendero at haciendera o 'di naman kaya anak ng politiko ang mga kaibigan ng magpinsan kaya kahit nasa probinsiya, alta pa rin kung umasta.

Nang tumayo ako, muling napabaling ang atensyon nila sa akin. I guess hinihintay nilang makaalis na ako.

"Ahm. Niks, I think I need to go. Hanggang alas 9 lang kasi ang paalam ko sa lola ko," paalam ko kay Nikka na nag-iisang tao bukod kay Nigel na walang pag-aalinlangan akong kinausap.

"Ganu'n ba. Osige. Kita na lang tayo sa Sabado," aniya.

Napagplanuhan kasi namin nina Myca, Nigel at Nikka na mamasyal aa Sitio. Kahit dito naman ako lumaki noong bata ako, may ilang mga lugar pa rin sa Sitio na hindi ko pa napupuntahan.

Kwento nila, binuksan na ng mga Severino ang pagmamay-ari nilang Spring resort na hindi naman bukas sa publiko noon. Kaya du'n kami mamamasyal.

"Ako na ang bahala sa pagkain natin," ani Myca.

"Ako naman sa inumin," singit ni Nigel sabay pabirong kumindat sa akin.

Hindi naman namin napansin na nakatingin na pala ang iba nilang kaibigan sa amin. Right. Ngayon ko lang naramdaman na kasama pala namin sila. Si Leon ang unang nagsalita.

"Where are you going?" Bumalik na naman ang striktong tono niya. Halata ang pagtataka sa mukha ng kanyang mga kaibigan sa ginamit niyang tono habang nagtatanong.

"Sa Spring lang, Leon. Ipapasyal namin si Chesca," si Myca na ang sumagot sa kanyang pinsan.

Nailang ako sa klase ng tingin na ibinibigay ni Leon sa akin. Bago magsalita ay sumulyap muna siya sa akin.

"Hindi ka pa nakakapunta sa Spring?" tanong niya.

Obviously. I wouldn't go there if I did. But of course, I did not say what's on my mind. Baka mainis lang lalo ang lalaking 'to. Mainit pa naman ang dugo nito sa akin. Isang bagay na hindi ko mawari dahil dalawang araw pa lang naman kaming magkakilala. Hindi ko talaga alam kung bakit.

"Yeah," maikli kong sagot. Wala naman siyang idinugtong pa.

Iyon na ang huling beses na nagkausap kami ni Leon sa gabing iyon. Kahit kasi nagprisenta siya na siya na ang maghahatid sa akin tutal siya naman daw ang kumuha sa akin sa bahay ay hindi ako pumayag. Idinahilan ko na lang na marami na siyang nainom na totoo naman.

Si Myca at ang nobyo na nitong si Jerome ang naghatid sa akin pauwi.

Kinabukasan ay maaga muli akong nagising para tumakbo. At tulad ng nakagawian, pagkatapos kong makita ang pagsikat ng araw ay pumunta muli ako sa palengke para bumili ng fresh na isda at karne bago umuwi sa amin. Hindi na ako bumili ng gulay dahil may makukuha naman sa maliit na taniman ni Nanay Soleng.

Pansamantala naman akong natigil habang pumipili ng isda nang matanaw ko ang isang lalaking nagdidiskarga ng mga bagong harvest na mangga at kahon-kahong tray ng itlog.

Tagaktak ang pawis ng lalaki habang walang kahirap-hirap na ibinababa ang mga kahon mula sa isang Chevrolet Silverado. At talagang wala itong pakialam sa mga malagkit na tingin na ibinibigay ng mga babae sa kanyang pawisang katawan. Nang tingnan ko ang mga babaeng walang habas na tumitingin kay Leon ay halos tumulo na ang mga laway nito. Tsk. What a show.

"Ito lang po lahat, Mang Gary," narinig kong sinabi niya sa lalaking mukhang bumili sa kanilang farm harvest.

"Tamang-tama na iyan, Leon," nakangiti namang saad ng kausap nito.

"Pakisabi na lang sa Lolo mo na sa susunod na anihan ay bibili ulit ako," dagdag pa nito.

"Makakarating po," ani Leon.

Uminit naman ang aking mukha nang biglang lumingon si Leon sa banda ko. Halos hindi ako nakagalaw nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Kaagad naman siyang nagpaalam sa lalaki at sinara na ang likod ng kanyang truck.

Mabilis din akong nagbayad sa tindera habang unti-unting kumakalat ang hiya sa aking sistema. Shit! He just saw me looking at him without even blinking my eyes! Worst, baka tumutulo pa ang laway ko.

Dali-dali akong pumara ng tricycle. Ngunit bago pa makarating ang tricycle sa harap ko ay huminto na ang nagmamalaking sasakyan ni Leon. What now?

Bumukas ang bintana sa banda niya.

"Hop in," biglang sabi niya habang isa-isang tiningnan ang pinamili ko.

"Ha?" ilang segundo pa akong natulala bago nakahanap ng salita.

"I said, hop in. Ihahatid kita sa inyo," saad niya gamit na naman ang striktong tono.

Nagtataka man ay pumasok pa rin ako sa kanyang truck.

As soon as I enter his truck, naamoy ko agad ang isang panlalaking pabango. Mabango ngunit hindi matapang at halatang panlalaki ang amoy nito.

Pagkatapos kong maisara ang pinto ay kaagad niyang pinasibad ang Silverado paalis ng palengke.

"Hindi na kailangan na ihatid mo ako. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa," saad ko habang tinitingnan siya nang mariin.

Swabe lang niyang isinandal ang kanyang siko sa bintana ng kanyang truck. I hate to admit it but he looks handsome in that position. His perfect jaws are screaming with pure masculinity.

"Leon," sabi ko dahil malapit na akong mainis sa hindi niya pagsasalita.

"Madadaanan ko naman ang sa inyo so why not ask you to ride with me," aniya pagkaraan ng ilang minuto.

His words and tone doesn't sound right to me.

"What?" I still don't get it why he offered to take me home when we're not even close!

"Hindi mo ba ako narinig?" naiinis kong tanong.

"Ihahatid na kita dahil malapit lang naman ang amin sa inyo. Ayaw mo 'yun makakatipid ka pa ng pamasahe?" aniya.

I still don't get it. He's making everything awkward. We only knew each other for two and half days.

"Fine," pagsuko ko sa gusto niya. And since I didn't bring myself in this situation, I choose not to speak. But this brute don't seems to like the idea of a quiet and peaceful ride.

"What did you buy?" He's back again with his mundane questions na para bang magkaibigan na kami nang matagal.

"Fish and meat," maikli kong sagot. Tango lang ang naging tugon niya sa sagot ko.

"Do you need anything else for your picnic sa Spring?" biglang tanong niya.

"Mukhang wala na. Sagot na nina Myca ang lahat," tugon ko naman.

"Really? Can I join then?" I was shocked for a moment after hearing his question.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" Sabi ko kasi pakiramdam ko dapat si Myca o si Nikka at Nigel ang dapat tinatanong niya. Inimbitahan lang naman ako ng tatlo.

"Siyempre, ikaw ang dahilan kaya pupunta sila ng Spring, Ches," magaang sabi niya.

Nanindig naman ang balahibo ko nang banggitin niya ang pangalan ko. It sounds odd. Him saying my name.

"Ahh, ganu'n ba. Of course you can join. Sa inyo ang Spring eh," sagot ko na lang. I don't want to overthink things as much as possible.

Ngunit nabigla na naman ako sa sunod niyang ginawa. Ngumiti siya ng matamis at may nakikita pa akong kislap sa kanyang mga mata nang pumayag ako.

Seriously? What happened to this guy?

Going Back to Sitio IgnacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon