chapter two

1.1K 55 8
                                    




Inalis niya sa isip ang posibilidad na isa iyon panaginip. She's sure now that it wasn't a dream or hallucination when Gen. Tamayo introduce him to them.

Napilitan siyang tumayo ng dumating na sa puntong ipapakilala na siya ng Heneral dito kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod.

With dark piercing eyes, he stood infront of her. Walang kangiti-ngiti sa mga labi. Obviously, naalala rin siya nito.

She smile bitterly.

Paano siya nito makakalimutan kung siya ang pinakamalaking pagkakamali na nangyari sa buhay nito?

"Andrea, this is Attorney Zethrius Miranda, A dearest friend and also my lawyer.. Zeth, this is Andrea a very dear friend too.." Pagpapakilala ng Heneral habang namumungay ang mga matang nakatingin sa kanya.

She swallowed hard. Biglang-bigla ay parang nabingi siya. The inside of the room suddenly seems dark. Kasing dilim ng aura ng kanyang kaharap.

Nakita niya ang paglahad nito ng palad.

"Ikinagagalak kong makilala ka miss Andrea.." he said with emphasis on her name. Nakangiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. His eyes shows no humor and his voice was cold as ice.

Atubili siyang iangat ang kanyang kamay. She was shivering and her knees were melting. If only she could run away.

Muli siyang napalunok. "M..Me too, Atty. Miranda.." Pilit niyang inangat ang kanyang kamay at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Ang balak niya ay bawiin iyon agad. But he didn't let her.

He hold her hand hard and firm to the point of hurting. Mariin nito iyon pinisil. Kulang nalang hilahin siya nito at sakalin hanggang tuluyan siyang mawalan ng hininga. The wrath in his raging eyes were so visible she thought she'd burn.

"Maupo na tayo Zeth.."

Kung hindi pa umalingawngaw ang boses ni Gen. Tamayo ay hindi pa nito binitiwan ang kanyang kamay.

Wala sa sariling napaupo siya. She smile and muttered her thanks when Andro support her back to the couch.

Mas lalo lang siyang nawindang ng makitang doon ito umupo sa harapang bahagi ng couch, sa harap niya kung saan ang mahabang lamesa lang ang pagitan. Kung sinadya nito iyon o hindi.. hindi niya sigurado.

"I'm glad you came Zeth.. I am asking you this for ages and finally, pinagbigyan mo rin ang imbitasyon ko.."

"Naging busy lang ako nitong nakaraang buwan.. but I'm glad I came now" Makahulugan nitong Sabi. Nakadirekta pa rin ang mga madidilim nitong titig sa kanya.

Pilit niyang inabala ang sarili sa paglalagay ng alak sa baso ng mga ito kahit halos mabitawan na niya ang bote dahil sa panginginig ng kanyang kamay.

"Balita ko naipanalo mo naman yung kaso ni Don Sebastian? Bilib na talaga ako sayo.. Wala pa yata akong narinig na natalo ka sa mga hinahawakan mong kaso.."

"I just did my job as their lawyer.." He answered in baritone.

Isa pa iyon sa higit na ikinagulat niya. Ang malamang isa na itong abogado.

Hindi naman iyon imposible. She knew it then that he'll become one in the future because he was a hard-working and ambitious man. Puno ito ng determinasyon at mga pangarap.

Siguro nagulat lang siya dahil hindi na niya inaasahan na magkikita pa silang muli kahit na kailan.

He make sure of that.

Pinagsisisihan ko ang araw na nakilala kita, umalis ka na at huwag na huwag ng magpapakita sa akin kahit na kailan!'

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now