Chapter Twenty Six

290 17 3
                                    

Akala niya hindi ito titigil, akala niya tuluyan na siya nitong tinikis. But he stopped and turn his gaze.

And the moment their eyes met, parang lahat ng sakit sa kanyang puso ay unti-unting naglaho.

"K-Kanina ka pa ba?" Mahinang tanong niya.

Hindi agad ito sumagot. He just stare at her. Kung ano ang naiisip nito ay wala siyang idea. But after a while, he nodded.

"Hmm.. nandito na ako umpisa pa lang ng seremonya ng libing. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa parents mo."

She bit her lips and nodded gently. Pilit niyang inaarok ang nilalaman ng mga mata nito, pero hindi niya talaga mabasa.

Yes, she saw sympathy, but other than that is blurry to her.

"Maraming salamat."

Gusto sana niyang itanong kung bakit hindi ito lumapit sa kanya.. kung bakit hindi ito nagpakita sa kabila na naroroon pala ito,  pero sinarili niya na lamang ang mga tanong iyon sa isip. She knew the reason well. The reason of him not wanting to see her. Kung hindi nga lang marahil dahil sa simpatya, ay nungka siguro itong pupunta doon.

She heard him heave a sigh. Alam niyang magpapaalam na ito base sa reaksyon nito.

He plaster a plain smile.

"Kailangan ko nang umalis. Again, my deepest condolence."

'Huwag kang umalis, Zeth.. kailangan kita..'

God knows how much she stopped herself from asking him that.  And instead of blurting those words her heart is screaming, marahan na tango nalang ang muli niyang ginawa.

"Maraming salamat ulit sa pagpunta."

He nodded. Isang sulyap pa ang ginawa nito sa kanya bago ito tumalikod at inihakbang ang mga paa.

She watched his back as he walk away. Kailan pa kaya mamamanhid ang puso niya sa sakit?

Bumangon ang pag-asa niya nang makita ito. Akala niya ang pagpunta nito doon ay isang senyales na may pag-asang mahanap nito sa puso nito ang pagpapatawad para sa kanya. Kahit kaunti lang. But she was wrong.

He really did came, but it wasn't because he wanted to comfort her. Not because she meant for him. Not because he wanted to be on her side. Pakikiramay at bilang respeto lang talaga sa namatayan ang dahilan ng pagpunta nito gaya ng kanyang mga kaklase at ka-eskwela.

He is so cold and distant like the old Zeth she knew. Lumala pa nga ngayon dahil sa kasalanang nagawa niya rito.

And as she realized that, nagising siya sa katotohanan na wala na nga talagang pag-asa na magkakaayos pa silang dalawa. Wala na.

Yung mga masasayang nangyari sa pagitan nila, parang panaginip na lamang ngayon.

"Drey.."

She felt Lila hand on her. Bukod kay Yaya Rosing, hindi rin siya nito iniwan.

"I'm okay, Lil. I will be okay." Anas niya.

HINDI doon natapos ang kalbaryo niya. Because a few days after the burial, isang masamang balita na naman ang natanggap niya mula sa abogado ng kanilang pamilya.

All of their property, including their house was mortgage to the bank. Ang kanilang kumpanya ay matagal na palang naghihingalo. Na sa kagustuhan ng kanyang Papa na ma-isalba iyon ay isinanla nito ang lahat ng kanilang ari-arian, pati na ang bahay na kanilang tinitirhan. At ang nakakagimbal pa ay dalawang buwan nalang ang natitira sa palugit na ibinigay ng bangko sa kanila para mabayaran iyon.

"Hindi naman siguro lingid sayo na nalulong ang mama mo sa casino, hindi ba? At pati na rin ang tungkol sa Mama ni Daisy. And you knew that she recently died. Nong mga panahong nagpapagamot siya, ang Papa mo ang gumastos lahat. At hindi lang iyon panandaliang gamutan. Matagal ng may sakit ang Mama ni Daisy. Your father spent millions, and even planned to bring her to America for a heart transplant."

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now