Chapter Twenty Five

300 16 3
                                    

She is walking blankly at halos wala ng lakas papunta sa magkatabing kama na may bultong natatakpan na ng puting kumot. Kasabay niya si Yaya Rosing.

They are at the hospital kung saan dinala ng mga rescuer ang kanyang Mama at ang kanyang Papa na idineklara rin namang dead on arrival ng mga Doctor. Both of them.

"Malalim ang bangin na kanilang hinulugan, and before that, bumangga  na ang kanilang sasakyan sa barrier ng kalsada. Doon pa lang baka malala na ang tinamo nilang sugat. Ang sabi ng mga nakakita sa aksidente, matulin ang kanilang takbo. At may nakakita rin na tila nag-aagawan sila ng manibela. We still don't know what the cause since it is self accident. But maybe they are fighting inside at nawalan ng control sa manibela ang Papa mo, miss Monteville."

Iyon ang sabi sa kanya ng pulis na nakatalaga sa imbestigasyon. Nadatnan nila ito at dalawang iba pang kasama sa ospital.

At hindi nga ito nagkamali ng hinala. Because as the investigation went further, nakita nila ang CCTV footage ng restaurant kung saan ang mga ito kumain. They saw clearly how her mother stand in the middle of their dinner. Bagama't hindi maririnig ang mga binigkas na mga salita ng ina, halata namang galit na galit ito habang kinokompronta ang ama. Wala itong pakialam kung pinagtitinginan na ng mga naroroon sa loob. And then she walked out na sinundan naman agad ng kanyang Papa.

"Halos isang oras lang ang pagitan sa footage na ito at ng aksidente. So it's really possible that they are fighting inside the car reason why the accident happened. Pero titingnan pa namin ang ibang possibleng--"

"Hindi ninyo na po kailangan gawin iyon, Sir." Mahina niyang sabi. "Malinaw na po sa akin ang lahat."

Hindi na naman siya nagtataka doon. Kailan ba ang araw na hindi nagtalo ang mga ito?

And she thought that they could still have a chance to live as a family and be happy. Akala niya posible. Akala niya hindi pa huli para sa kanila.  

She close her eyes tightly after seeing their faces. Isa-isa iyon binuksan ng embalsamador para makita nila.  Puno ang mukha ng mga ito ng sugat at mga pasa. At hanggang doon sa kamatayan, dala ng mga ito ang kamiserablehan.

<<<<<--->>>>>

--ZETHRIUS--

"Zeth, alam mo na ba ang nangyari sa Mama at Papa ni Drey?"

Iyon ang bungad na tanong sa kanya ni Carlo ng umagang iyon pagkapasok niya sa kanilang classroom.

Wala pa ang kanilang professor para sa unang subject nila kaya nadatnan niyang nag-uusap-usap ang kanyang mga kaklase. Ang iba ay abala habang nakatingin sa cellphone na tila may binabasa.

"Ang saklap ng nangyari sa parents niya." Narinig niyang sabi ni Ashley. Kaklase niya.

Kumunot ang kanyang noo at muling idinako ang tingin kay Carlo. Nagtatanong ang mga mata.

"I bet, hindi mo pa alam." Sabi nito.

Kinuha nito ang cellphone nito, binuksan at maya-maya ay ipinakita sa kanya.

"Its in the news. Akala ko alam mo na."

Ikiniling niya ang ulo saka kinuha ang cellphone ng kaibigan.

'Dead on arrival sa ospital ang mag-asawang sakay ng SUV na may plate #MGN 9743 matapos na mahulog sa bangin ang sasakyan ng mga ito. Kinilala ang mag-asawa na sina Engr. Antonio Monteville at Annalise Monteville. Ayon sa imbestigasyon....'

Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa. Tiim ang mga labing  ibinalik niya ang cellphone sa kaibigan.

"I'm sure, Drey is in shocked right now. Biruin mo, sa isang gabi lang, kapwa nawala ang parents niya." Carlo murmur.

He didn't mutter any word. Nilagpasan niya ito upang tumungo sa kanyang upuan.

"Hey.. hindi mo ba siya pupuntahan?" Sumunod ito sa kanya. "She badly need someone on her--"

"May exam tayo." Maiksi niyang tugon.

"Hindi ko naman sinabi na ngayon na mismo. We can go there after our class and--"

"Just extend my condolences if you happen to go. Hindi ako pwede. May trabaho ako after class." Tiim niyang sabi.

Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito.

"I know you're mad at her. But in a time like this? Zeth naman--"

"Nandito na si Prof. Carl. Umayos na tayo." Sabi niya pagkunwa'y kinuha ang kanyang notes at ballpen.

Ilang saglit pa siya nitong minasdan bago malalim na bumuntong-hininga at tinungo ang sarili nitong upuan.

<<<<---->>>>>

Marahan na itinapon ni Drey ang dalawang puting bulaklak sa ibabaw ng kabaong ng magulang kasabay ng pagbaba niyon sa hukay. She painfully watch it as it is slowly going down to its final resting place.

Magkasabay at magkatabi.

'Mama, like you've always wanted.. hindi na kayo maghihiwalay ni Papa, you're together even in death. Sana kung nasaan man kayo ngayon, kung saan man kayo patungo, magkaroon na kayo ng katahimikan. Alagaan at mahalin na ninyo ang isa't-isa sa kabilang buhay. Huwag ninyo ng dalhin sa pupuntahan ninyo ang kamiserablehang dinanas ninyo dito sa lupa. We will be okay here. I will take good care of Daisy.'

Tiim ang mga labi niya habang nakatanaw sa kabaong ng mga ito na unti-unti ng tinatabunan ng lupa. Habang siya ay tahimik lamang, malakas naman na humahagulgol si Daisy na noo'y inaalo at niyayakap ni Yaya Rosing.

Ilang sandali lang ay tuluyan na iyon natabunan. Patuloy pa rin na maririnig ang mahihinang mga hikbi ng kapatid, habang ang mga um-attend ng libing ay unti-unti nang nagpapaalam sa kanya.

"Condolence again, Drey.."

Malungkot na sabi ng kanyang mga kaklase na ang iba ay niyakap pa siya.

"You'll be okay. Alam namin kaya mo ang lahat ng ito, Drey."

Sabi naman ng professor sa isa nilang subject na tinapik pa siya sa balikat.

Nagpasalamat siya sa mga ito. Lumapit rin sina Carlo at iba pang kaibigan ni Zeth para magpaalam, as well as para na rin makiramay.

"We're sorry for your lost, Drey." Carlo said sadly.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"Thank you, Carl.." mahina niyang sagot.

She extended her gaze on the crowd. May isang tao siyang gustong makita. Pero hindi niya nasilayan kahit ang anino man lang nito.

She swallowed painfully.

Alam niyang imposible ngang pumunta ito, but she hopes. Umasa na isasantabi muna nito ang galit. Knowing how painful it is for her to lose both of her parents.

Ganoon ba ito kagalit sa kanya para kahit doon sa libing ay hindi ito nagpakita sa kanya?

"Nagpaabot rin pala ng pakikiramay si Zeth."

Bumaling siya ulit kay Carlo at pinilit na ngumiti. Hindi niya sigurado kung totoo ngang sinabi iyon ni Zeth, looking at his expression, parang sinabi lang nito iyon para pagaanin ang kanyang loob.

"Pakisabi, salamat."

Tumango-tango ito. "We're going Drey.  Condolence again."

She nodded gently. She watched the back of those people who are leaving. Pero may isang partikular na likod sa di kalayuan ang napukaw ng kanyang atensyon.

The built was on his back at humahakbang ng palayo.

She swallowed and gently take her step. Hanggang sa ang marahan na paghakbang niya ay unti-unting bumilis.

"Drey.. bakit--" nagtatakang tanong ni Carlo ng madaanan niya na hindi na niya nagawang sagutin. Her focus was infront, afraid that the built she is seeing will vanish in a flash.

"Zeth...!"

She called in a trembling voice.

Akala niya hindi ito titigil, akala niya tuluyan na siya nitong tinikis. But he stopped and turn his gaze.

And the moment their eyes met, parang lahat ng sakit sa kanyang puso ay unti-unting naglaho.

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now