Chapter Eighteen

288 11 1
                                    


Drey again, swallow hard as she saw Zeth dark eyes and lips in grim line. Tiim na tiim ang mga titig nito sa kanya.

Balak naman talaga niyang sabihin dito ang lahat. But she want to tell him all of it herself. Hindi ganitong nalaman nito ng hindi sinasadya.

"Z-Zeth.." she murmur again.

She tried to take her step towards him, pero umatras ito kaya napatigil siya.

"P-Please let me explain.." kagat-labing sabi niya.

Bagama't walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito, kitang-kita naman niya kung paano ito nagtiimbagang.

"Hindi na kailangan. Narinig ko ang lahat."

Kalmado, pero may nakikita siyang isang emosyon sa mga mata nito na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

Was it pain or was it hatred?

"Please Zeth, I need you to hear me."

Sinubukan niyang muling lumapit. But Zeth stare is so cold now that it made her inside shiver.

However, it won't stop her from coming to him. She need to explain. She need to sort things out with him.

"Inaamin ko.. nagsimula nga ang lahat sa pustahan, but believe me, una pa lang may--"

Her words was cut when his cellphone rung. Tinapunan pa siya nito ng malamig na tingin bago dinukot ang cellphone sa bulsa saka sinagot.

"Froi..."

Iyon lang ang narinig niyang sambit nito bago ito natatarantang tumalikod at takbuhan ang pinto palabas ng gym.

She was left there standing feeling so cold and at the same time, worried.

Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang biglang pamumutla nito matapos nitong sagutin ang tawag ni Froi. And the way he panicked, alam niyang may nangyaring hindi maganda.

Umaksyon siyang susundan ito, ngunit napatigil ng makarinig ng palakpak.

"Congratulations Drey.." Nakangising sabi ni Marga. "Hindi ka na mahihirapang magpaliwanag ngayong narinig na ni Zeth ang lahat. And it's all thanks to me and Vera."

"Maghanda ka nga lang.. Zeth seems a little bit in--rage." Dugtong naman ni Vera na tulad ni Marga ay nakangisi rin.

She gritted her teeth and look at them fiercely.

"Bitch!"

Madilim niyang sabi at walang lingon-lingon na tinalikuran ang mga ito.

She run to the door. Ang balak niya ay habulin si Zeth. Ngunit likod nalang ng humaharurot na owner jeep ang kanyang nasilayan sa labas.

Wala siyang nagawa kundi sundan nalang iyon ng tingin. At ewan niya kung bakit, pero habang sinusundan niya iyon ng kanyang mga mata, naroroon sa kanyang dib-dib ang hindi kaaya-ayang pakiramdam.

--ZETHRIUS--

Hindi na niya nagawang i-park ng maayos ang owner jeep. Pagkapatay niya sa makina ay agad na siyang bumaba at tinakbuhan ang distansiya papunta sa loob ng ospital. His heart is pounding loudly from fear.

Diretso siya sa emergency room. Ang sabi ni Froi, kakaalis niya lang ng mahirapang huminga si nanay Zeny kaya itinakbo na ng mga ito sa ospital.

"Zeth, pare.."

Mula sa pagkakasandal sa pader ay dumiretso ng tayo ni Froi. Kahit si Aling Norma ay dumiretso rin ng upo.

"N-Nasaan ang inay?" He asked urgently. 

Pakiramdam niya nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga kalamnan.

Hindi pa man siya nito nasasagot ay bumukas ang pinto ng emergency room at iniluwa doon ang Doctor. He is taking his surgical mask.

He turned and walk to him urgently.

"D-Doc.. k-kumusta po ang nanay ko?"

Hindi niya maiwasang manginig lalo na ng makita niya ang emosyong rumehistro sa mukha nito.

Hindi agad ito nakapagsalita. Minasdan lang siya na tila tinatantiya ang kanyang reaksyon.

Inangat nito ang kamay papunta sa kanyang balikat at puno ng simpatyang tinapik.

And as he done that, his world is starting to crumble down. Hindi na nito kailangan magsalita pa. Ang reaksyon at ang aksyon nitong iyon ay sapat na para malaman niya kung ano ang nangyari kay nanay Zeny.

"H-Hindi.." Hindi iyon halos lumabas sa bibig niya.

"Alam ng Diyos na ginawa namin ang lahat para isalba ang iyong nanay, Mr. Miranda. Pero hindi na nakayanan ng kanyang katawan. The heart attack she had was fatal. Kung nadala lang sana siya ng mas maaga, baka sakaling nailigtas pa siya, but she was brought here late. Her heart has stop beating. We did everything to revived her, but she still didn't made it. We are deeply sorry. Nakikiramay kami, Mr. Miranda."

Wala na ang Doctor ay nanatili siyang tulalang nakatayo doon. Hindi ma sinc-in sa kanyang utak ang mga sinabi nito o talagang hindi niya lang kayang paniwalaan ang sinabi nito.

"H-Hindi iyon totoo.." he murmur. Tumingin siya sa mga kaharap. "Aling Norma, hindi totoo ang sinabi ng Doctor. Buhay ang inay. Buhay siya!"

He said and run towards the emergency room.

"Zeth.."

Narinig niya pang tawag ni Aling Norma habang nakasunod sa kanya sa loob.

He was midway when he halted his step. Napatingin sa dalawang nurse na nasa loob at sa bultong nakahiga sa kama na may nakatakip ng puting kumot ang buong katawan.

Umiling-iling siya. Nagsisimula ng mamuo ang kanyang mga luha.

"Hindi... Hindi iyan si inay!" Sigaw niya saka nagmamadaling nilapitan ang bangkay.

Sa nanginginig na mga kamay ay unti-unti niyang hinawi ang kumot para lamang mapaatras ng masilayan ang maputla at nakapikit na mukha ng ina.

He was taken aback. He was speechless. It was so sudden that he thought that it was just a nightmare. Kanina lang ay kausap niya ito. Kanina lang ay nakangiti pa ito sa kanya. Bakit ngayon... Bakit...

Hindi niya nakayanan ang sakit na nararamdaman. Tinakbuhan niya ang pinto at wala sa sariling lumabas.

"Zeth!"

"Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ito!"

Mariing sabi niya at pinagsusuntok ang konkretong pader.

"Zeth, pare.. tama na.."

Pigil ni Froi sa kanyang kamay.

"Narinig mo ang sinabi ng Doctor, Froi? Kung nadala ko lang sana si inay dito ng mas maaga, naisalba pa sana ang buhay niya. Hindi ko iyon nagawa! Kaya kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kasalanan ko!" Puno ng sakit na sabi niya.

"Pare, higit sa lahat, ikaw ang hindi magnanais na may mangyaring masama kay Aling Zeny. Alam namin lahat iyon, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo ito kasalanan. At saan man si Aling Zeny ngayon, hindi niya rin gugustuhin na makitang sinisisi mo ang sarili mo. Wala kang kasalanan, Zeth.."

Alo sa kanya ni Froi. Ngunit ano man ang sabihin nito, ano man ang pang -aalo na gawin nito, hindi na mababago ang katotohanan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niya, na kasalanan niya ang lahat. At dadalhin niya ang sising iyon sa sarili habang buhay.

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now