Chapter Twenty

475 20 3
                                    

"Oh, Drey.. nandito ka na pala."

Sabay-sabay na bumaling sa kanya ang kanyang mga kaklase.

"Hindi ba kayo na ni Zeth? For sure, alam mo na ang nangyari. Ano daw ang ikinamatay ng nanay niya?"

She was left there looking at them shocked. If it wasn't for Lila who immediately hold her arms, baka natumba na siya sa kanyang kinatatayuan.

"D-Drey.." anas ng kaibigan. Mababakas din sa boses nito ang pagkagimbal.

Pero wala iyon sa kalahati ng nararamdaman niya. Because right at that moment, she is trembling uncontrollably.

With no words came out from her mouth, she slowly turned. Naramdaman niya pa ang paghigpit ng hawak ni Lila sa kanyang braso, na tila gusto siya nitong pigilan sa ano man ang naiisip niyang gawin. Ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pansin.

Wala sa sariling hinila niya ang kanyang kamay saka unti-unting inihakbang ang mga paa papunta sa pinto.

"Drey.." tawag muli ni Lila.

But she didn't bother to turn and look back. Tuloy-tuloy siya sa paglabas.

Ang kanyang mabagal na paghakbang ay unti-unting bumilis hanggang sa halos liparin na niya ang gate ng kanilang paaralan.

No... Hindi iyon totoo.. Hindi iyon pwedeng mangyari! Hindi si nanay Zeny!

Nagpara siya ng taxi. Sa sobrang panginginig ng kanyang kamay ay nahirapan pa siyang buksan ang pinto.

Hindi niya na matandaan kung nasabi niya sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Maybe she does. Dahil tumigil iyon sa kalye kung saan naninirahan sina nanay Zeny at si Zeth.

Dumukot siya sa bulsa ng buong five hundred at ibinigay sa driver ng makababa siya. Hindi na niya inabalang hintayin ang sukli. Nagmamadali niyang tinahak ang iskinita papunta sa looban.

It was the usual crowded afternoon. Maingay at magulo, pero wala na doon ang buong pansin niya. Ni hindi na nga niya maramdaman ang kanyang mga paa sa lupa habang naglalakad-takbo.

And when she reach Zeth house, she swallowed hard. Tumigil siya sa di kalayuan habang wala sa sariling tiningnan ang mga taong nagtutulong-tulong na maglagay ng tolda sa harapang bahagi ng bahay ng mga ito.

Ang toldang paglalamayan at ang toldang nagpapatunay na totoo nga ang nangyari.

"N-No..." Umiling-iling siya. Her eyes started to watered. Ang kanyang mga tuhod ay unti-unting nawawalan ng lakas.

She wanted to step forward, pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Para siyang itinulos doon sa kanyang kinatatayuan.

She look at the crowd in the hope to see Zeth, pero hindi niya ito nakita. Ang tanging naroroon lang ay ang mga pamilyar na mukha ng mga kapitbahay ng mga ito.

"Drey!"

Idinako niya ang mga mata sa taong tumawag sa kanya. There, she saw Froi rushing towards her.

"Kanina ka pa?" Tanong nito ng makalapit.

"S-Si Zeth?" She asked with trembling voice.

Malungkot itong tumingin sa kanya.

"Nasa punerarya. Inaasikaso niya ang pagpapa-embalsamo kay Aling Zeny. Hindi ba siya tumawag sayo?"

She close her eyes in pain. Mas lalong nadepina ang sakit sa kanyang dib-dib. It feels like it was going to burst. Sunod-sunod na naglandas ang luha sa kanyang pisngi.

It hurt so much, hindi lang dahil sa pagkawala ni Nanay Zeny, pati na rin sa kaisipang hindi siya ang karamay ni Zeth ngayon. He didn't bother to call her. He didn't bother to tell her what happened, ganoon ba ito kagalit sa kanya?

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now