Chapter Fifty Two

292 11 0
                                    

Isang malalim na buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan bago inihakbang ang mga paa papasok sa building na iyon.

Unang araw niya ngayon sa trabaho bilang sekretarya ni Zeth.

Nasa fourth floor ang opisina nito. They already made there a brief visit last Saturday matapos nilang manggaling sa ospital. Nakapag-usap na rin sila ng iilang detalye tungkol sa magiging trabaho niya.

This is not her first job as a secretary, kaya alam niyang konting adjustment nalang ang kailangan niyang gawin. Confident naman siya na magagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho, ang hindi niya sigurado ay kung magagawa niyang tiisin ang na makita at makaharap si Zeth araw-araw.

Sumabay siya sa iilang empleyado sa paghihintay doon sa harap ng elevator. And while waiting, she roam her eyes around.

Isa pa sa ikinababahala niya ay ang kaalamang pag-aari ang building na iyon nina Marga. It's their main office. Zeth didn't mention about anything, pero sigurado siya na nagtatrabaho ito para sa pamilya ni Marga.

And if she has any idea that she will work for him, hindi niya alam.

The elevator opened. Nakisabay na siya sa mga pumasok doon. Ngumiti pa siya at bahagyang yumuko sa mga ito ng pumasok siya. She went on the side and stand there firmly.

Konting hibla nalang at magsasara na iyon nang walang anu-ano ay bigla ulit iyon bumukas.

She raised her head. Wala sa sariling napalunok siya ng makita ang may-ari ng bultong makikisabay sa kanila paakyat.

"Good morning attorney Miranda."

"Good morning attorney..."

They greeted him.

Zeth smile and greeted them back in baritone. "Good morning.."

Bahagya siyang umurong ng makitang sa banda niya ito tumabi. And because the elevator is loaded, hindi naiwasan na magdikit ang kanilang mga braso.

"Good morning.."

Pasimple itong yumuko at bumulong.

Alam niyang walang nakarinig sa bati nitong iyon sa kanya, but she can't help herself but to feel nervous. At ewan niya kung bakit niya iyon nararamdaman when it was just a simple greeting.

She didn't greeted back, bahagya lang siyang yumuko at ngumiti, at pagkatapos niyon ay itinuon niya na ang tingin sa harap.

"You can start the day with familiarizing those files I put on top of your desk. Files iyon ang mga kasong hinahawakan ko ngayon."

Sabi sa kanya ni Zeth habang naglalakad sila sa lobby papunta sa opisina nito.

Hinayaan niyang mauna itong maglakad sa kanya. Nakasunod lang siya dito.

She nodded. Ipinagtaka niya ang bigla nitong pagtigil sa paghakbang. And because he stopped, kaya tumigil rin siya. A few step away from him.

With furrow brows he turn and look at her.

"I knew that you're just force to work for me, but can you please don't make it too obvious? Unang araw mo sa trabaho, pero nakasimangot ka. At kung makadistansiya ka, para akong may nakakahawang sakit." Sabi nitong nakatingin sa distansiya nilang dalawa.

Ikiniling niya ang ulo saka hilaw itong tiningnan. Ano pala ang gusto nitong gawin niya? Tumabi rito sa paglalakad? Batiin ng may malapad na ngiti sa labi? Umakto na malapit sila sa isa't-isa? And then what? Pag-uusapan sila sa buong building? Magiging tampulan ng chismis?

Nag-iisip ba ito?

"I am working for you, so that means.. amo kita. I don't think it will be a good idea to act beyond that lalo na at bago pa lang akong nagtatrabaho sayo. I don't want to stir humor. So if it wasn't about work, let's maintain our distance and avoid talking to each other."

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now