Chapter 15

2.9K 140 33
                                    

(Noam's POV)

"ANO bang nangyayari?" Bulong ko nang makalabas ako mula sa banyo matapos maghilamos.

Habang nasa banyo kasi ay nakakarinig ako ng mga kalabog, parang may nagkakagulo na ewan dahil ang lalakas ng ingay pero tahimik naman na paglabas ko.

Hindi kaya sa kapitbahay yon? Pero grabe, may nag-aaway siguro kaya ang lakas ng kalabog na yon.

Nginitian ako ni Charlotte nang madako sa'kin yung tingin nya habang si Morgan naman ay seryoso ang mukhang binalingan ako. Napalunok ako dahil sa paraan ng tingin na ipinupukol nya sa'kin.

Aba, kung tingnan nya kasi ako ay parang may ginawa akong masama eh samantalang kagigising ko lang.

"Oy, mag-almusal ka na." Yaya ni Charlotte na tumayo pa para lang hilahin ako para pumwesto sa tabi nya. "Kumain ka ng marami. Binilhan kita ng mga paborito mo, nakakahiya naman kung bibisitahin kita ng walang dala di'ba?"

"Hala, hindi ka na sana nag-abala pa." Bahagya akong ngumuso habang isa-isang sinisipat yung mga dala nya. "Ang dami naman nyan."

"Para ka naman bago ng bago nyan eh! Kung tutuusin kakaunti pa nga yan sa dala ko lagi kapag nagkikita tayo."

Palihim na sinulyapan ko si Morgan pero hindi na sya sa akin nakatingin kundi kay Charlotte kaya bahagya akong yumuko. "Kakaunti ka dyan." Bulong ko.

Nakakainis tong si Charlotte, baka isipin ni Morgan eh sobrang takaw ko.

"Sige na, kumain ka na."

Inirapan ko sya tsaka dinampot yung resibo mula sa plastic na pinaglagyan ng pagkain, ngumuso lang naman sya habang nakahalumbaba at pinagmamasdan ako.

Nangunot yung noo ko nang mabasa yung halaga na nakasaad don.

"Tatlong libo?" Asar ko syang nilingon. "Seryoso ka ba, Charlotte? Almusal lang pero nasa halagang tatlong libo?"

Lumawak yung pagkakabanat ng ngiti sa mukha nya tulad ng lagi nyang ginagawa.

"Anything for mio caro-"

Nahinto kami pareho ni Charlotte nang makarinig nang kung anong nabasag.

"Morgan!" Madali ko syang nilapitan tsaka tiningnan yung kamay nya. "Ayos ka lang ba?! Anong nangyari?!"

"It... slipped." Bulong nya habang nakatungo.

"Slipped? Seryoso ka ba?"

Paanong madudulas yon eh sa palad nya nabasag? Hindi kaya basag na talaga yung baso? Medyo manipis lang rin kasi yon pero bakit naman mababasag ng hindi nya man lang naiwasan? Pasaway.

Nilingon ko si Charlotte. "Doc, may first aid ako sa banyo, pakikuha naman please."

"Okay~" Pakanta nyang saad bago tumayo para magtungo sa banyo.

Naupo ako sa katabing upuan ni Morgan tsaka muling binalingan yung kamay nya pati na rin yung basag na basong na sa gilid ng kamay nya. May hiwa yung palad nya at may iilang bubog sa daliri nya pero hindi man lang mababakasan ng sakit yung mukha nya.

"Ano bang ginagawa mo, Morgan? Hindi ka nag-iingat, paano kung bumaon ng husto yung bubog sa palad mo ha?"

Hindi nya ako kinibo kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakakunot yung noo nya habang nakatitig sa'kin, ayun na naman yung tingin nya na para bang may ginawa akong mali.

"Bakit mo ba ako tinitingnan ng ganyan?"

Nagkibit sya ng balikat. "I'm just checking my property."

"Property ka dyan."

Vixen 3: The Abused Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon