Chapter 26

3.6K 136 49
                                    

A/N: Kung mapapansin nyo parang hindi masyadong 'hot' or 'erotic' yung dating ng BS ni Noam at Morgan kung ico-compare sa other Vixens. Gusto ko kasi yung BS nila romantic talaga, more on appreciation sa isa't isa instead of a steamy one kaya sana hindi kayo masyadong nadisappoint sa last chapter :3

(Noam's POV)

"HELLOOO~ Nag-enjoy ba kayo sa party kagabi?"

Otomatikong namula yung magkabilang pisngi ko sa bungad na tanong na yon ng papa ni Morgan matapos namin pumasok sa dining room. Alam ko naman na yung birthday ni Linus yung tinutukoy nyang party pero ibang bagay yung pumasok sa utak ko nang mabanggit ang salitang 'na-enjoy'.

Nadatnan namin silang lahat na nasa hapag kainan at masasabi kong ito ang unang pagkakataon na nakita ko silang kumpleto. Bukod kasi kay Linus at Monique ay kumpleto rin yung apat nilang kuya. Ang nakakapagtaka nga lang ay ngiting-ngiti silang apat habang kausap si Mrs. Verdan na tumatango-tango lang habang nakikinig sa mga ito. Hindi tuloy mapagkakailang anak sila ni Mr. Verdan, wala kasing pinagkaiba yung ngiti nilang apat sa ama, kuhang-kuha.

"Upo kayo, upo!" Yaya ng papa ni Morgan habang iningunguso yung dalawang bakanteng upuan.

Nahihiya akong ngumiti sa kanilang lahat habang pasimple kong kinakamot yung batok ko. "H-hello po, good morning."

Literal na umikot yung ulo nung kambal at sa akin agad bumagsak ang paningin. Isa sa kanila ang nakangiti, habang naiwang naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin yung tatlo. Hindi ko alam kung paano ko sila babatiin o kung babatiin ko pa ba sila base sa ekspresyon nila.

"Don't mind them." Balewalang bulong ni Morgan tsaka ako inalalayan sa upuan.

"Teka, bakit ikaw pa yung umaalalay sa kanya?" Anya nung kuya Laurentius nya habang nakasimangot. "Sino bang babae sa inyo?"

"Obviously, it's me." Sagot ni Morgan bago walang emosyon na nilingon ang kapatid. "Unless you're blind enough that you're not able to distinguish your own sister's gender."

Ngumiwi yung kuya nya sabay ako naman ang binalingan habang yung iba pa nilang kakambal ay nangingising tumango-tango. Napalunok ako nang mas sumeryoso yung titig nya sa akin.

Galit ba sya? O naiinis? Hindi ko matukoy kung ano yung gusto nyang iparating dahil hindi naman kami nagkausap noong unang beses kaming magkita.

"Don't glare at him, Lauren. That's just rude." Saway nung Lazarus tsaka ako nginitian. "I'm sorry about that."

"Laz! What are you sorry for?"

"I'm apologizing for your childish behavior." Lazarus

"I'm not childish!" Depensa ni Laurentius sabay nguso.

"Yes, you are." Pirming ngumiwi si Lazarus. "Hayaan mo silang gawin kung anuman yung gusto nilang gawin, it's not our business to mind."

"Kung mag-aaway kayong dalawa, kay Lauren ako pupusta." Saad ni Leviticus na tinawanan lang ni Laxus.

"Sure, losers will always be with losers too."

"Oki, oki, tama na yan. Kung ayaw nyong lumipad palabas, itigil nyo na yan." Saway ng tatay nila.

Nagkanya-kanya ng samaan ng tingin yung apat. Hindi naman sila mag-aaway, diba? I mean, kaharap yung magulang nila? Diba?

Napalunok ako kasi parang kaunting pitik na lang at talagang magasabong silang apat. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumikhim yung mama nila, dahilan para magsiiwas sila ng tingin at umayos ng upo.

"Anyway, I didn't saw you last night, Noam." Kumunot ang noo ni Mrs. Verdan. "Hindi ka ba bumaba kagabi?"

"A-ah, bumaba naman po."

Vixen 3: The Abused Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon