Chapter 32

3.2K 148 35
                                    

A/n: Sorry guys, nag-start na kasi ako sa work. Here's the update for today, I hope ma-enjoy nyo kahit papaano. Few more chapters to go and bye-bye Vixen 3 na.

PS. Mas excited ako sa Vixen 5 kaysa sa Vixen 4 😭🤣 Ang kalat kasi ng couple ng V5.

PPS. Again, don't mind the new characters because they are just extras.

(Third Person's POV)

KALMADONG pumasok ang isang babae sa kwartong tinutuluyan nito ngunit natigilan ito nang makaramdam ng presensya mula sa ibang tao na nasa kwarto ya.

Imbes na mataranta at tawagin ang security team nya na naghihintay lang sa labas ng kwarto ay tila balewala syang nagtungo kung nasaan ang switch ng ilaw at binuksan yon. Inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng kwarto para lang makita ang isang binatang tila ba tamad na tamad sa pagkakaupo sa isa sa mga sofa. Halos magmukha itong lantang gulay dahil nakalaylay sa sandalan ang ulo nya, ganon rin ang mga braso nito na nasa gilid ng armrest. Dagdag pa roon ang pagkakasimangot ng binata habang may sinisipsip na lollipop.

"Where have you been? Kanina pa ako nandito." Demanding na tanong nito na para bang magka-edad lang sila.

Nagtataka man ay nagpakawala ng ngiti ang babae.

"May I know who am I speaking to?" Malumanay nitong sagot.

"You're speaking to the youngest brother of the woman who's about to bring both peace and chaos." Anya ng binata bago tumayo at naglakad patungo sa direksyon ng babae.

"And what is your sister going to bring for me?"

Nakapamulsang huminto si Linus sa mismong tapat ng kinatatayuan ng babae at ngumiti, dahilan para bumukol ang lollipop sa pisngi nito.

"It depends on your decision."

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ng babae. "Oh, so you're here to negotiate with me." Inabot nito ang kamay sa binata. "I'm senator Geneva Alcayde."

Tinanggap ng binata ang pakikipagkamay nya. "Nice to meet you, senator. My name is Linus Saavedra Verdan."

Kumunot ang noo nya. "Saavedra Verdan? You mean, the two families who ruled the illegal world in the past?"

"We're still ruling the illegal world despite being inactive."

"I see." Tumango-tango ang senadora bago naglakad patungo sa sofa. "Well then, what business do I owe your family that you even barged in my room secretly?"

Nakasunod naman si Linus sa kanya at naupo sa katapat na upuan nito.

"We believe that the future president of the Philippines will surely listen to our demands."

Nagpakawala ng mahinang tawa ang senadora, hindi dahil sa nakakatawa ang sinabi ni Linus kundi dahil namamangha sya rito. Kung magsalita kasi ito ay para bang siguradong-sigurado ito na sya ang mananalo sa darating na eleksyon.

"Sa susunod na taon pa ang eleksyon, iho." Nangingiting umiling-iling ito. "Besides, even though I announced that I'll be running for the position of the president doesn't mean I'll win the upcoming election. I'm still lacking when it comes to recognition, funds and connections to the point that the people will still choose a popular celebrity over me."

"Iboboto kita!" Nakangusong saad nito na ikinatawa nyang muli.

"Are you already of legal age?"

"Baby face lang ako pero sa susunod na mga buwan ay magti-twenty na ako!" Humalukipkip si Linus. "Grade 11 pa lang ako-pero kahit na! Pwede na akong bumoto ano, late lang ako sa schooling kasi na-expel ako noong grade 10 kaya umulit na lang ako tapos... blah... blah... blah..."

Vixen 3: The Abused Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon