Chapter 36

1.9K 100 13
                                    

(Noam's POV)

"WE need to get you out of here first..." Bulong ko kay Cameron matapos ko syang ilayo sa pwesto ni Benedict na kasalukuyang kinakaharap ni Morgan.

Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan yung nangyayari dahil kung tutuusin ay sa pelikula ko lang nakikita ang ganitong eksena. Mabilis kumilos si Benedict at alam kong magaling syang makipaglaban dahil napapanood ko syang ine-ensayo ang mga tauhan nya noong nakakulong ako sa mansyon nila. Madalas na nai-injured ang mga tauhan nya dahil sa paraan ng pag-e-ensayo nya sa mga ito.

Ngunit hindi ko rin naman maitatanggi na mas iniisip ko yung injury na matatamo nya mula kay Morgan dahil bukod sa mas maliit ito sa kanya ay mas maliksi rin ito kumilos. Napanood ko na rin si Morgan kumilos at masasabi kong hindi biro ang bawat galaw na binibitawan nito. Laging nagsasanggi ang bawat suntok at sipa nila sa isa't isa, nag-aalala ako na baka matamaan si Morgan at hindi makabawi pero may tiwala akong hindi mangyayari yun at kung mangyari man ay alam kong mas malakas ang ibinabalik nya kay Benedict.

"Will she be okay?" Humihikbing tanong ni Cameron.

"Yes, she'll be fine..." Lumunok ako nang makitang may sinasabi si Benedict kay Morgan bago muling sumugod. "I guess..."

Lumabas kami at nagtungo sa katabing kwarto ng library na tila ba opisina ang ayos. Mali na iwan ko si Morgan pero mas importanteng makalabas muna si Cameron.

Nagtaka ako ng tumakbo ang bata at nagsimulang ihulog ang mga libro galing sa bookshelves na naroon.

"What are you looking for?"

"I saw Benedict pulling one of the books before and the shelves moved." Paliwanag nya tsaka muling humikbi. "B-but... I... I don't remember what book it is."

"O-okay, we will find it. Don't cry and just calm down." Pagpapakalma ko sa kanya tsaka sya tinulungang maghanap.

Inisa-isa ko ring ihulog ang mga libro pero walang nangyari kaya lumipat ako sa kabilang estante. Halos maubos ko na ang librong naaabot ng kamay ko ng bigla na lang akong may nahawakang makapal na libro pero hindi natanggal sa pwesto, tumagilid lang ito na nagpagalaw sa hindi kalakihang book shelf na nasa harap namin.

Lumitaw ang isang makipot na daan pero ang ikinagulat ko ay ang pagsulpot ni Gianna mula doon. Nanlalaki ang mata namin pareho sa gulat pero kasabay non ang pag-awang ng mga labi ko matapos mapansin ang dugong bumabalot sa magkabilang kamay nya, ganon rin ang talsik sa mukha nya.

Nagtataka ako kung bakit narito ang isa sa mga estudyante ko pero nang maalala ko ang sinabi ni Cameron kanina ay napailing na lang ako.

"A-ayos ka lang ba?" Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at ininspeksyon. "Ang daming dugo, nasaktan ka ba?"

"Ayos lang naman ako..." Anya tsaka nagsimulang maluha pero agad ring nag-iwas ng tingin. "U-uhm... N-nakakahiya, hindi mo dapat ako makitang ganito ang itsura."

Imbes na sumagot ay niyakap ko na lang sya. Ramdam ko naman na natigilan sya sa ginawa ko pero gumanti rin sya ng yakap, napangiti pa ako nang yumakap rin si Cameron sa binti namin pareho. Wala kaming oras para mag-usap pero mukhang nagkakaintindihan naman kami sa pamamagitan ng yakap na iyon.

"Ilabas mo na si Cameron." Pinunasan ko gamit ang mahabang manggas ng damit ko yung dugong nasa mukha nya. "Susunod na lang kami ni Morgan."

"Tutulungan ko kayo, marunong ako-"

"Nasa kabilang kwarto si Morgan kasama si Benedict, Gianna." Nginitian ko sya at ginulo ang buhok nila pareho ni Cameron. "Kami na ang bahala dito. Ilabas mo na si Cameron at hintayin mo kami doon."

Bakas sa pagkagat nya ng sariling labi at pagkunot ng noo na tutol sya sa inuutos ko. Nagpipigil ng pagluhang bumuga syanng hangin tsaka ngumiti.

"10 minutes." Senyas nya. "May 10 minutes pa bago sumabog ang mga bomba na nilagay ni Mavy sa third floor ng mansyon. Ilang piraso lang yon pero sapat na para mag-cause ng sunog at pabagsakin ang buong bahay. Hihintayin ka namin sa entrance, kuya."

Vixen 3: The Abused Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon