Chapter 18

2.7K 136 18
                                    

(Linus' POV)

"NAKAKATAKOT yung ate mo."

Tumulis yung nguso ko tsaka sinipat si Salazar na syang katabi ko. Parehas kaming ngumunguya nung binili naming french fries sa nadaanan naming drive thru ng isang fastfood restau.

"Medyo lang."

"Medyo lang? Kinwelyuhan ka nya tsaka pinagbantaan. Halatang galit na galit sya sa ginawa mo." Tukoy nya sa nangyari nung nakaraan.

"Normal nya lang yun."

Nawiwirduhan nya akong tinitigan. Aba, ba't parang hindi sya naniniwala? Normal lang talaga ni ate Morgan yun!

Napahikab ako nang maalala yung araw na tinutukoy nya, malamang hindi ko rin makakalimutan yon kasi yun yung unang beses na magalit sa'kin ng sobra si ate Morgan.

UWIAN na non, yun yung unang araw na absent si sir Noam at yun rin yung araw na nagkasagutan kami ni sir Jethro. Kalalabas lang namin ng exit gate ni Salazar nang makita namin syang nakasandal sa motor nya, halatang hinihintay nyang makalabas kami. Huli kaming lumabas na dalawa kasi kami yung nakatokang maglinis ng classroom ngayong araw.

"Susunduin ka ng ate mo?" Tanong ni Salazar kaya umiling ako.

"Imposible, alam ni ate na may sundong pinadala si mommy sa'kin ngayon."

"Kung ganon eh bakit sya nandito?"

Nagkibit ako ng balikat kasi maski ako hindi ko alam kung bakit sya nandito.

"Ate!" Tawag ko bago lumapit sa kanya. "Bakit ka nandito? Absent si sir diba-ack!"

Tila tinakasan ako ng dugo dahil sa biglaang pagkwelyo nya sa'kin, nakaramdam ako ng takot nang magtama yung tingin naming dalawa. Alam kong maski si Salazar ay nagulat dahil nakikita ko sa gilid ng paningin ko yung pagkabato nya sa kinatatayuan.

Galit sya. Ramdam ko sa paraan ng pagtitig nya sa'kin na galit sya.

"B-bakit?" Utal kong anya habang nakahawak sa kamay nya, hindi naman ako nasasakal sa hawak nya pero in case lang na higpitan nya.

"You..." Hinila nya ko palapit sa kanya. "What the hell do you think you're playing, Linus?"

"A-ano bang sinasabi mo, ate?"

"Don't act innocent on me, you already know what I'm talking about."

Lumunok ako. Hindi ko alam kung among tintukoy nya, sa dami ng kalokohan ko nitong mga nakaraan eh wala akong ideya kung alin ron yung pinupunto nya.

Napansin nya yatang hindi ko makuha kung ano yung sinasabi nya kaya pabalya nya akong binitawan kaya medyo napaatras ako.

"You went in my room several times while I'm away."

Namilog yung mga mata ko. Hala! Paano nya nalaman? Wala namang mga camera doon ah.

"Based on your reaction, it seems like you didn't expected that I would know despite the fact that I'm away." Sinamaan nya ako ng tingin. "What did you do there? You're looking for something, aren't you?"

"A-ahm... a-ano...kasi..."

"You knew what was going on inside the organization, that's why you're taking advantage of it to toy with us, huh?"

"H-hindi ko kayo pinaglalaruan!" Tanggi ko.

"Really? Then what do you call that?" Ngumiwi sya. "Rummaging my stuffs and involving yourself in something thatyou shouldn't be involved is not playing?"

Vixen 3: The Abused Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon