EPILOGUE

6.2K 323 98
                                    

Malalim akong napasinghap sa hanging kasabay nito ang biglaan kong pagmulat sa aking mata. Nang binalak kong gumalaw ay napansin ko ang isang mabigat na bagay sa aking balikat at mahigpit na bagay na nakapulupot sa aking baiwang.

At sa pagtunghay ko’y ang maliwanag na kalangitan ang saglit na bumulag sa akin dahilan upang biglaan kong maiangat ang aking balikat. Kusot-matang umalis ito sa pagkakakayakap sa ‘kin kasabay nito ang isang pagbungad niya sa akin ng isang maaliwalas na ngiti.

“Good Afternoon, Mommy,” bulong nito sa akin. Nang muli n’ya akong yakapin ay isang matalas at inis na tumingin ang nagbanta sa kanya ngunit hindi man lamang s’ya natakot.

“Are fucking testing my temper, Spencer? Get your hands off my girlfriend!” Parker hissed, making both Spencer and I grimaced at him.

“No, I’m not.” Spencer smirked while teasingly looking at Parker, “I can hug my mommy—”

“Nasa opisina n’ya si Principal Del Valle, ayon ang mommy mo kaya ro’n ka yumakap.”

Saglit akong humikab at luminga sa paligid, “Bakit kayo nandito? Wala ba kayong mga klase?” Tanong ko.

“We do have.” Parker sighed and sat beside me, making me rest my head on his shoulder. He was guarding the door earlier as if someone would go in the rooftop in this time, “Pero ang lakas ng loob mong matulog mag-isa rito na ganyan ang suot mo.”

Tikom ang bibig kong natawa sa kanya, nang dumapo ang mga mata ko sa aking binti ay napansin kong nakakumot sa akin ang kanyang varsity jacket. At sa pagsilip ko kay Parker ay napansin ko ang nanlilisik niyang mga mata. Nakasuot lamang ako ng palda at halos croptop na pang-itaas dahil katatapos lamang namin mag-practice at dahil inaantok na ako’y napagdesisyonan kong matulog saglit sa rooftop.

“Sinabi sa’yo ni Cara?” Tanong ko.

Umiling siya, “Magpapahangin sana ako tapos nakita kita—”

“Mommy, he was watching you earlier. Siguro kung hindi ako dumating agad, hubad ka na ngayo—”

“Tumatanda ka pero ang utak mo, abo pa rin.” Bigla na lamang akong natawa nang pitikin ni Parker ang noo ni Spencer dahilan para mapadiin siya sa paghiga sa aking balikat, nang pansin niya iyon ay agad siyang nataranta at marahan iyong hinaplos.

“It’s okay, Spencer. Hindi na siya masakit,” bulong ko rito saka ko ginulo ang kanyang buhok habang malamlam at puno ng emosyon siyang tumingala sa akin.

Isang taon na rin ang nakalipas matapos ang malagim na apocalypse, ngunit sariwa pa rin sa amin lahat na tila kahapon lamang iyon nangyari. Yet everyone is moving forward, but a part of me can’t just accept everything, especially that I lost both my brother and mother as well as my best friend.

On the other hand, I was thankful that Spencer could make it. After biting me, I was already sure that he would be cured because I am her Messiah, just like Alejandra said. The Lycoris Albiflora didn’t just make me invisible against bozos, but it also made me their greatest opponent; drinking my blood with Lycoris Albiflora intact makes them erase the existence of Lycoris Radiata in their body.

One of the reason why mother want to kill me immediately a year ago. I was already sure that I would die that day, but my brother seems to knew what I was thinking, and instead of my life being taken, he trades it with his.

At sa loob ng isang taon, hindi kami pumayag na basta na lamang mauuwi sa wala ang sakripisyo namin. Sa tulong nina Alejandra, nabalik ang buhay sa Laodicea hanggang Alpheus. Ang mga bozos ay naging tao muli, ang iba ay may memorya sa nakaraan kung saan naging bozo sila, samantalang ang iba naman ay wala.

OUTCAST (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon