The sunlight glint through the window, yet the horror of the scenario earlier wouldn’t get out of my head. Especially, that I’m still hoping that my father is not the one cause this madness, it might sound martyr that I’m still convincing myself even though every bit of evidence and even the people close to him are pointing fingers at him. But… Isn’t this normal, especially that I am his daughter?
“Amira?” Cara called. I looked at her and offered a small smile. She was covering her eyes with an ice bag while Nate is helping Spencer in copying the files.
On the other hand, Niko remained quiet at the corner of the room. Wala kahit isa sa amin ang muling nagsalita nang makita namin ang mga bagay na iyon, lumabas kami sa kuwartong iyon na tila wala kaming nakita. Nagbulagbulagan kami dahil parehas namin na ayaw gumawa ng kahit anong gulo lalo na’t may ginagawa sila.
“So… for the past months… Tito August have been changing the structure of LIVE Corporation as if it was his own,” Cara mumbled.
Nate heaved a sigh, “Sinabi na siguro sa inyo ni Alex na kada araw ay kumukuha ng limang tao si Tito August upang pumunta sa Alpheus… Maaaring sila ang dahilan kung bakit napapadali ang proseso nang pagbabago sa lugar.”
“You’re from Besodiah, right? Then since the beginning of the apocalypse… You’ve been here. Have you ever been summoned?”
Dahan-dahan na tinanggal ni Nate ang kanyang earpiece kasabay nito ang biglaang pagdating ng loading screen sa isang daan nitong porsyento. Awtomatiko naman na namatay ang monitor at seryoso itong tumingin kay Cara.
“That is the weirdest part… We have never been on the so-called list.”
“Maybe there is some kind of rule that the system is following, right?”
“Maybe…”
All of a sudden, the entire ceiling turned green. It made both Niko and Nate flabbergasted, they both nervously went to us and gestured to put our mask on. Cara was swift enough to pull her flash drive and slid it into her pocket.
The four of us line up at the entrance and four suited guards inspected the place, checking every corner if it’s clean and tidy. After they finish their task, the guards also check our barcodes by scanning on our wrists.
“Subject 34, Subject 35, Subject 43, and Subject 47—You are dismissed. Be back by tomorrow at 9.”
Nang makalabas kami sa museo na ngayon ay isa ng experimental research facility ay naghiwa-hiwalay kami ng landas. Si Cara ay agad na dumiretso kina Alex, samantalang ang magkapatid na sina Niko at Nate ay tinanong dito ang daan upang mapuntahan ang kapatid nilang si Nathalie. At ako’y nanatili lamang sa tapat ng museo.
Kagat-labi kong iniisip ang panibagong palaisipan na maaaring makasira sa aking ulo. Huli na rin nang mapansin kong nakapaglakad na ako patungo sa dibisyon ng Alpheus at Besodiah City. May isang guwardya na nagbabantay sa gilid nito, nagpapahinga ito sa isang maliit na shed at nang lingunin nito ang direksyon ko’y napangiwi na lamang ako.
Nang magpunta ako sa direksyon nito ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Halos manlaki ang mga mata ko sa dami ng monitor na nakapaligid sa kanya, lahat iyon ay detalyadong CCTV sa buong siyudad.
“Ija, akala ko’y papasok ka sa Alpheus City kaya medyo kinabahan ako sa’yo. Mabuti na lamang at nakita kita lalo na’t wala pang bumabalik sa mga umalis kahapon.” Nawala ang atensyon ko sa monitor at agad nilingon ang guwardya, inalis niya ang kanyang headgear at isang halos kasintanda nina Tito Tristan ang sumalubong sa akin.
“May umalis na po ba ngayon?”
“Mamaya pa silang ala-una aalis, ija.”
Tumango-tango naman ako rito at naupo sa bakanteng silya sa tabi n’ya. Nanliit ang mga mata ko habang pinapanood ang mga footage sa aming harapan, napansin yata ito ng lalaki dahilan upang tumawa ito sa reaksyon ko.
“Nagtatakha ka ba kung bakit may iba’t-ibang kulay ang mga bubong ng mga apartment?” Tanong nito. Binuksan n’ya an gang isang drawer at pinakita sa akin ang isang mapa na may kulay rin ang bawat lugar, “H’wag mong ipagsasabi sa ibang apostles ha. Atin-atin lang, natutuwa lamang ako sa’yo dahil ngayon lamang ulit ako nagkaroon ng bisita rito.”
“H’wag po kayong mag-aalala—”
“Samuel. Tawagin mo na lamang ako bilang Manong Samuel,”
“Sige po.”
Ngumiti ito sa akin ito tinuro ang isang parte ng mapa kung saan nababalot ito ng pula, “Mula sa Zerehiah hanggang Laodicea City ang naninirahan sa lugar na ito. Sila ang may pinakamaunting populasyon sa lugar na ito… Kung makikita mo ang likod na bahagi ng Besodiah ay makikita mo ang malalaking mga sasakyan. Iyon ay ginamit ng ibang mga survivor sa lugar na iyon.”
“Maunti sila dahil sa mahaba ang byahe nila? Hindi gano’n katiyak kung mabubuhay ba sila? Gano’n po ba?”
Tumango-tango ito, nagulat na lamang ako nang pabiro nitong guluhin ang buhok ko na tila sinasabi n’yang tumpak ako.
“At sa ngayon ay dadalawa na lamang ang natitira sa lugar na ‘yan at parehas silang mula sa Laodicea City.” May nakaligtas sa Laodicea City bukod sa ‘min? Ngunit bakit hindi man lamang namin sila nakita? “Alam mo ba kung anong mas nakapagtatakha? Inuuna sa listahan ang mula sa kulay pulang bubong ngunit nasa luntian na kami ngayon sa listahan pero kahit kalian ay hindi nasama ang pangalan ng mag-asawang Del Valle sa listahan.”
Del Valle? Wait—Laodicea City?
“Principal ng Laodicea High?” Tanong ko. Tumango naman sa ‘kin si Ginoong Samuel. Kagat-labi kong iniisip ang magiging reaksyon ni Spencer oras na malaman niyang nandito sa lugar na ito ang mga magulang n’ya.
Pero bakit hindi alam nina Tito Tristan na nandito sila?
Sinabi ni Ginoong Samuel na mula sa pula ang unang kinuhang mga pangalan, ang kasunod nito ay luntian. May siyam pang ibang kulay sa mapang iyon, ibig sabihin ay matagal ng nakahanda ang mga ito o sadyang may hinihintay lamang sila dahilan kaya’t pinagbukod-bukod ang mga tuluyan ng mga tao na mula sa iba’t-ibang siyudad.
Ako ba?
“Pinakamaswerte na siguro ang mga may numerong uno hanggang singkwenta. Sila ang mga tunay na mamamayan ng Besodiah.”
Malungkot ang mga mata n’ya habang nilulukot ang mapa. Nang muli niya itong binalik sa puwesto ay hindi ko mapigilan ang mapatanong sa bagay na kumikiliti sa aking utak, “Pang-ilan po kayo sa listahan?”
“Ako ang nasa pinakahuli, ang may hawak ng ika-unang numero.”
It was just like I thought. As I can see, he’s the most troubled with this system, some might think that he may be the luckiest for dying last, but the only I can see behind his façade was the unluckiest man ever existed. Every day he’ll witness the poor people entering Alpheus City, he’ll wait hours, thinking and hoping that at least one of them will come back.
“I’m sorry…” I mumbled.
“What are you sorry for, ija? It’s not like all of these is your fault.” But it is my family’s fault. And I cannot undo any of that, I cannot also deny that I’m not one of them especially that their blood runs in my veins. “It is not also Augustus’s fault, ija. It is those scumbags’ fault that’s why they deserve to die…”
My eyes gleamed curiosity as I looked at him. What is he saying?
“A—Are you the one making the list of names?”
He suddenly laughed and smirked, “I wished I was, but it is all on Augustus. He’s like a god and he really knows well who deserves the punishment in this corrupted world of ours.”
#
BINABASA MO ANG
OUTCAST (PUBLISHED)
Science FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the virus was spreading rapidly. And in order to keep living, they needed to reach the capital of Luzon, an...