“You’re such a bully, Amira,” Chi teased. I narrowed my eyes at her as I take a sip of my coffee. It is Tyler’s fault for standing in front of me earlier. At wala rin akong pakielam kung maghapon s’yang mag-drive ro’n dahil sa takot niyang makita ako.
At kung sa tingin ni Chi ay masisindak n’ya ako pwes nagkakamali siya. I rolled my eyes when I saw her smirking at me and drifted my attention to the crackers I was eating.
Sa gilid ng aking mata ay napansin kong minimasahe ni Parker ang braso n’ya habang malokong nakatingin sa ‘kin.
At katulad nang inaasahan ko’y mang dedemonyo lamang ang isang ‘to. Umupo s’ya sa aking tabi habang may ngising nakakubra sa mga labi niya,“Kumusta naman ang tulog ng mahal na prinsesa?” he asked.
“Masarap,”
“Ako o ‘yung pagtulog?”
Muntik ko na maibuga sa mukha n’ya ‘yong kapeng kakainom ko lamang. Natatawa niya akong inabutan ng tubig habang isang masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.
“May crush ka sa akin ‘no?” I asked Parker.
He suddenly smirked at me and leaned forward. I was so mesmerized by his eyes when he sexily bit the crackers in my hand. Tila nabalik ako sa reyalidad nang may marinig akong mga impit na tawa sa ‘king gilid.
My eyes drifted to Chi and Spencer, who were giggling at the side. I furrowed when I saw Spencer’s shirt with crumbs of chocolates. At mas lalong naningkit ang mga mata ko nang masilayan ko ang balat ng Twix sa kamay ni Chi na agad niya namang tinago sa kanyang likod.
“Ayieeee!” Spencer giggled. I almost vomit because he looks so gay while twinkling his eyes while watching Parker and me.
Nasamid si Parker dahil sa katangahang ginagawa ni Spencer dahilan upang inuman niya rin ang baso ko. I was about to scold Spencer and Chi when Cara suddenly put a spoonful of ice cream in my mouth. Tangina, ang agang ice cream nito.
Sasamaan ko sana nang tingin si Cara ngunit nauna pa siya. Ako pang naagrabyado niya ang nahiyang samaan siya ng tingin.
“PRESENTING TWIX SPENCER!” Cara announces as she clasped her hands.
At ang gagong si Spencer ay nag-model sa gitna ng RV na para siyang isang midel na nag-cacatwalk sa stage. He was also waving his hand as if we were his fans.
Both Chi and Cara laugh their asses out while I was watching them without any expression. Mga siraulo.
“Next chocolate,” Chi said to Cara.
I squinted my eyes habang nakatingin sa magkapatid dahil gustuhin ko man silang pigilan sa ginagawa nila kay Spencer ay hindi ko magawa dahil may demonyong nakakapit sa dalawang kamay ko at pinipigilan akong sa pagtayo sa pamamagitan ng pagpatong niya ng mabigat niyang paa sa hita ko.
“Stay,” Parker whispered. Ginawa pa akong aso ng demonyong ‘to.
Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin habang pinapanood ang katangahan ng magkapatid na Ramirez. Cara suddenly handed Chi a pack of Hershey, making both Parker and me to curl our lips.
“Do you still want to stay here?” I asked Parker habang nakangiwi pa rin na nanonood, excited na binubuksan ni Spencer ang Hershey.
Naramdaman ko ang pag higpit ng kapit sa akin, “Want to go on a date instead?” He asked. Halos matawa ako sa itsura n’ya dahil sa walang sawang pag ngiwi niya.
“Gomu-gomuno—” Halos mapamura kami parehas ni Parker nang sinuntok ni Spencer ang kamao niya sa gitna namin.
He even stood in the middle of the fucking table. I glared at the Ramirez sisters, who just shrugged at me while laughing.
“I am the Pirate King!” Spencer shouted.
“So, what is the theme song of the Pirate King?” Cara asked.
Nag-indian seat ang gagong si Spencer sa table at umaakto pa na tila siya ay nag-viviolin sa harap namin, “Yo-hohoho, Yo-hohoho— Binkusu no sake wo, todoke ni yuku yo. Umikaze kimakase namimakase—”
All of a sudden, Parker let go of my hands just to put another chocolate inside Spencer’s mouth.
Lahat kami ay binigyan siya nang makahulugan na tingin dahilan upang ismiran niya kami, “He is ruining my favorite anime!” He exclaimed.
“What... What chocolate did you put?” I asked.
He suddenly shrugged kaya pare-parehas namin na tiningnan ang wrapper na hawak niya. It was Mars. We both awkwardly laughed, hindi pa naman namin nakikita kung anong nagagawa ng chocolate na ito sa katawan ni Spencer ngunit hindi ko alam kung saan nagmumula ang kaba sa dibdib ko.
Tahimik lamang si Spencer sa gitna ng table habang kinakalikot ang phone niya. Tila may hinahalungkat siya ro’n at nang umaliwalas ang mukha niya ay nagkatinginan kami ni Parker.
Hinagis niya sa lapag ang cellphone niya at halos lumuwa ang mata namin nang sakyan niya ito, “Brummmm! Brummmm!”
“Anong ginagawa mo?” Chi asked while suppressing her laughter.
“My phone can fly,” Spencer answered.
“What?”
“It’s on airplane mode. Brummmm! Brummm!”
Lupasay na si Cara sa sahig habang tumawa sa ginagawa ni Spencer. He was mimicking the sound of a motorcycle, and he’s quite hilarious, “Is that even the sound of an airplane?” I asked.
Parker suddenly poked my forehead, sinamaan n’ya ako nang tingin sabay turo kay Spencer na tila paiyak na habang nakatingin sa ‘kin.
“It was because of what you’ve said,” Tumaas ang kilay ko dahil hindi na iyon boses ni Parker. I looked behind me and saw Tyler fixing his glasses. Ngayon ko lang din napansin na nakatigil na ang sasakyan.
“Yes, mapanakit kang mommy,” Parker teased, making me glare at him.
“Bakit ka nandito?” I asked Tyler. Hindi ko na pinansin ang komento ni Parker dahil hindi naman aalis si Tyler sa taguan n’ya kung wala siyang importanteng sasabihin.
“Ubos na ang gas,”
“What?”
“Ubos na kako ang gas,”
“Alam ko—”
“Eh bakit ka pa nagtatanong?” Tyler asked. Napansin niya yata ang mala-tigre kong mga tingin dahilan upang bumalik siya sa kinaroroonan niya kanina.
I let out a sigh and once again looked at Spencer, who was still looking at me with his downcasted eyes. Dumiretso ako sa refrigerator upang kumuha ng chocolate na pang palubagloob sa kanya.
His eyes glimmered when I handed him a pack of Kinder Joy. Mabilis niyang binuksan iyon, at katulad ng Mars— hindi ko rin alam kung anong epekto nito kay Spencer.
I just wanted to be a good mommy for a while. Yuck.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at hiniga ko ang ulo sa balikat ni Parker kasabay ang paghikab ko.
“Sleepy ka na naman?” Parker asked.
“Yes,”
Balak ko sanag lingunin si Parker ngunit masyadong naagaw ng masayang Spencer ang atensyon ko dahilan upang manatili sa kanya ang mga mata ko.
Saglit na tumayo si Spencer at tumalon-talon. Isang mabigat na buntong hininga ang kumawala sa kanya na tila nag hahanda siya upang sumayaw.
“Wah! It’s me and my jowa—”
#
BINABASA MO ANG
OUTCAST (PUBLISHED)
Science FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the virus was spreading rapidly. And in order to keep living, they needed to reach the capital of Luzon, an...