Hailey's POV
Natapos na ang lahat ng subjects namin ngayong araw at papunta na ako sa studio namin para magpraktis.
Nauna na sila Yuri kasi pumunta pa ako sa locker ko at nag cr. May nakita akong girl na nakatalikod at familiar sa akin yung buhok niya at ang figure niya.
Saan ko nga pala nakita tong babae nato? Nakasilip lang ito sa labas at parang di mapakali sa kinatatayuan nito.
Ano kayang problema ng babae na ito? baka isa ito sa mga stalker ng banda, baka crush nito yung limang bugok na yun or mas malaki ang tiyansa na si Andy ang sinisilip nito kasi maliban kay Yuri na may pinakamaraming fans club, pangalawa naman itong si Andy at ako ewan lang. Ayoko naman ng ganung pinagkakaguluhan, hindi naman fame ang hinahanap ko para magbanda, mahal ko lang talaga ang music, Naks!!
"Hey, baka naman maduling ka sa kakasilip mo diyan" sita ko sa babae na napatalon sa pagkagulat.
"Ay palaka!" natawa naman ako sa reaksyon niya at nang humarap siya sa akin, si Lilian pala. Buti naman natandaan ko pa yung name niya, mahina pa naman ang memory ko.
"Sorry, magugulatin ka pala, Lilian right? tanong ko sa kanya.
Tumango lang naman ito habang hawak-hawak pa din niya ang kanang dibdib niya gamit ang dalawang kamay nito na para bang aatakihin ito sa pagkagulat. Medyo na konsensya naman ako baka mag-iba yung impression niya sa akin. Hindi pa naman kami ganun ka- close at bakit ko naman inaalala ang impression niya sa akin? natanong ko nalang sa sarili ko.
"Sino bang sinisilip mo diyan" tanong ko na lang sa kanya.
"Ah, si....si ...ano...ka---si...." halatang kinakabahan naman ito.
"Alam ko na, isa ka siguro sa mga fan ni Andy noh? huwag kang nang mahiya atin-atin lang to, your secrets are safe with me" sabay kindat ko sa kanya.
"Ah..hindi....kasi..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi hinila ko na ito papunta kay Andy.
"Akong bahala sa'yo, tutulungan kita sa kaibigan ko at alam ko mata-typan ka nun" ngiti ko sa kanya.
"Huwag na Hailey, hindi mo naiintindihan, wala naman akong gusto kay Andy. Hindi naman siya yung sinisilip ko dito" natigilan ako saglit sa pagbigkas niya sa name ko. Iba kasi yung dating nung pagkasabi niya.
"So, sino pala sinisilip mo? Eh si Andy lang naman ang nandiyan, maliban sa kanya alam ko hindi mo type yung natira na apat base sa nakita ko sa reaksyon mo kagabi nung pinakilala ka sa amin ni Harold."
"Kung may hinahanap ka naman dito na iba pang miyembro ng banda well, dalawa lang naman kami na wala pa dito. Ako at si Yuri lang naman so kung natitibo ka sa amin wala namang kaso yun kasi maganda naman talaga kami. Kung sa akin naman hindi ka mahihirapan dahil bisexual ako pero mahihirapan ka kay Yuri dahil straight na straight yun" mahabang sabi ko sa kanya sabay taas-baba ng kilay ko at ngiti ng pilya dito.
Biglang namula naman ang pisngi nito at iniwas ang mga mata sa akin. Ano bang ibig sabihin nun?
"So, sino nga?" pangungulit ko sa kanya.
"S--i....An--dy..." nauutal na sagot nito sabay tingin sa ilalim ng paa niya.
Ang cute naman niyang mahiya hehehe..sabi ko na nga ba! magdedeny pa talaga siya sa akin. Bilib talaga ako dito kay Andy andaming nahuhumaling sa kanya. Kahit halata namang hindi ito sumeseryoso ng babae. Pero this time may gagawin na ako para tumino ito, sa tingin ko naman si Lilian na ang bagay sa kanya. Nakita ko din kung paano tingnan ito ni Andy kagabi. Well, tutulungan ko nalang itong si Lilian, bet ko naman siya, hahaha'.
"Good, don't worry tutulungan kita."
Lumapit na kami kay Andy na sa ngayon ay busy sa pagpapraktis sa keyboard ng piece namin para sa gig sa isang bar this weekend.
"Andy, ang seryoso masyado ah!" istorbo ko sa kanya.
Ngumiti naman ito at mas lalong lumapad yung ngiti nung makita si Lilian, hay naku masyado namang obvious tong under nato. Halatang type nito si Lilian well, pasalamat siya at nandito ako para maging cupid nila.
"Alam mo naman yung boss natin, masyadong demanding dapat daw kabisado ko na ito lahat bukas" reklamo naman nito.
"Wala ka pala eh, tiklop ka pala sa tigre na yun, si Yuri lang pala makakatalo sa pagiging chick boy mo" biro ko sa kanya.
"Ano ba H, sinisiraan mo naman ako kay Lilian eh at mag-iingat ka sa pagbuka ng bibig mo baka nandyan na naman sa likod yung tigreng sinasabi mo" ganting biro naman nito sa akin.
Napalingon naman ako sa likod ko at napabuga ng hangin, hay..akala ko maririnig na naman niya ako may atraso pa naman ako sa kanya kanina. Ano naman kaya ang gagawin ko para amuhin yun?..
"Wow, naalala mo talaga name.niya ha? first time yan Ands"
"Siyempre, basta magagandang binibini hindi nalilimutan ang pangalan niyan" sabay kuha nito sa kaliwang kamay ni Lilian at halik dito.
Hayy...dumadamoves na naman itong si chick boy, hindi ba niya babaguhin yung style niya? ang old school na kaya ng pahalik-halik sa likod ng kamay.
Tiningnan ko si Lilian pero mukhang hindi naman ito kinilig or nagblush man lang, ngumiti lang ito ng pilit. First time din to ha! sabi ko na nga ba laos natong si Andy.
"Hoy, anong ibig sabihin nito? Bakit lumalandi ka na namang Andy ka at ikaw naman H hindi mo pa naseset-up yung gagamitin natin sa praktice!" sigaw na naman sa amin ng tigre.
Patay na naman kami nito, mahabang sermon nanaman ang aabutin namin dito, napapikit nalang ako at hinanda ang tenga ko sa pag roar ng tigre. Pero ilang segundo na ang lumipas tahimik pa din ang paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at tumingin kay Andy. Ininguso lang nito yung direksyon sa may upuan ng studio namin. Kaya naman pala! FC lang kay Lilian..hmmm..may bright idea akong naisip!! ngiti ko sa sarili ko.
*****
Thanks for reading :])
BINABASA MO ANG
Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)
RomanceAng mga mata niya, napanganga nalang ako tapos yung smile at ang boses niya.. Nawala nalang ako bigla sa sarili ko, sana mapansin niya ako, sana nga.. Kaso nga lang akala niya yung kabanda niya ang gusto ko at ang worst nagvolunteer pa siya na magin...