Chapter 17

7.2K 165 7
                                    

Hailey's POV


Ang bilis talaga ng panahon at ilang araw nalang finals na namin. Matapos ang dramatization sa Literature at nakapasa nga kami ni Andy dahil second lang naman ang group namin na naging maganda ang result dahil syempre sa leader namin while yung group naman ni tigre yung first. Medyo maluwag na sa pakiramdam at ang schedule din namin ngayon. Hindi kasi kami masyado tumanggap ng gig since sabi nga ni Yuri focus muna kami sa studies namin.


Nagkayayaan din na mag-group study kami sa house ko dahil ako lang din naman mag-isa dun at malaki daw yung lugar. Hindi nalang ako tumanggi, matagal na din nung nagkaroon ako ng bisita sa bahay. First time din na makakapunta sila Yan sa place ko.


Si Andy naman ay ininvite pa si Sarah sa group study. Sabi nga niya mas may matututunan kami pag may isang katulad nito na isasali namin. If I know makikipag-flirt lang ito kay Sarah. Well, okay naman sa akin si Sarah, cool naman pala siyang tao hindi gaya ng inaasahan ko. Naging close na din siya sa amin dahil sa naging leader namin siya sa Literature at magaling naman pala itong makisama.


Tinutukso pa din ako ni Yan na may gusto sa akin si Sarah at sinasabi ko na lang na kay Andy ito may gusto kahit medyo nahuhuli ko nga ang mga nakaw tingin nito sa akin.


Mas lalo naman kaming naging close ni Yan, ganun din siya kay Andy at Yuri pero mas close talaga ako sa kanya. Hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Nalilito din ako minsan sa kanya kasi nga gusto niya si Andy pero ni minsan hindi ko siya nakitang nagselos dahil sa pagiging flirt nito o sa mga babaeng umaaligid dito.


Nagpahanda na ako ng merienda kay Manang Belen para sa mga friends ko for our group study. Ngayon na kasi ang start nun, on the way na daw sila kaya nag-shower muna ako.


Pagkatapos maligo, nagbihis lang ako ng green short na hindi naman masyadong maiksi pero sakto lang. Naka gray v-neck shirt lang din ako at flat sandals.


Tinawag na ako ni Manang Belen na nandiyan na daw ang mga bisita ko. Sinabihan ko nalang siya na papasukin na ang mga ito  sa room kung saan kami magre-review at isunod nalang yung merienda. Mga saktong 3pm naman sila dumating at sapat na siguro yun para marami din kaming mareview at matutunan sa group study na ito.


Bumaba na ako at hinarap ang aking mga bisita. Kumpleto na nga kami, hinanap ko mula sa kanila  si Yan at sabi naman ni Joy na nag-cr daw muna si Yan kasama siYuri.


"Baliw ka talaga Yuri, muntik na akong atakehin dun!" rinig kong reklamo ni Yan kay Yuri. Dahil nakatalikod ako sa kanila, dahan-dahan akong humarap sa kanila. Pero hindi ko inasahan na mapapanganga ako sa ganda ni Yan.


Naka-floral dress kasi ito na bumagay talaga sa kanya at hanggang tuhod ang taas nito. Nakasandal din ito pero may heels, makikita mo ang makinis niyang leggs sa tuwing may hangin na humahaplos sa tela nito. Mas lalo ding pumuti ang itsura niya at ang bango-bango niyang tingnan.


"Teka lang H, are you checking her out!" grabe na tanong ni tigre sa akin. Teka ngayon lang din ako nahimasmasan, obvious naman talaga na I'm checking her out at ngayon lang nangyari ito. Ni minsan hindi ko ginawa ito sa kanya, kahit araw-araw ang ganda niyang tingnan at bagay na bagay sa kanya ang mga sinusuot niya.


Mukhang lumalala na talaga ang pagkagusto ko sa kanya dahil kahit pati sarili ko hindi ko na mapigilan. Araw-araw talaga gumaganda siya sa paningin ko at pag hindi ko naman siya nakikita parang may kulang talaga sa araw ko. Ngayon nakatitig pa din ako sa kanya at nakanganga ng bahagya ang aking bibig. Lumapit naman si Yuri sa akin at isinira ito.


"Hoy! Yang laway mo tumutulo na!" pukaw sa akin ni tigre, pinunasan ko naman ito pero wala namang laway. Ano ba yan! Nakakahiya!.


"Ikaw talagang tigre ka, wala naman ah! at masama bang hangaan ko ang suot ni Yan, bagay na bagay kasi sa kanya" palusot ko nalang.


"Iba ang hinahangaan sa pinagnanasahan H, palusot ka pa! Huling-huli ka na nga" sigaw naman nito sa akin at narinig ko naman na nagtawanan yung iba pa naming kasamahan sa likuran ko. Naku naman kasi Hailey! Huwag naman pa obvious!.


"Naku Yuri, tigilan mo na si Lee. Siguro gusto niya lang  talaga yung suot ko" pagtatanggol naman ni Yan sa akin.


"Sige na nga, para maumpisahan na rin natin itong review session nato" sang-ayon nalang ni tigre. Hay! salamat na lang at natigil din itong si tigre, the best talaga itong si Yan!.


Si Sarah, Yuri, Joy at Yan naman ang nag-summarize ng lahat ng topic na pwedeng lumabas sa exam sa iba't-iba naming subjects, maliban nalang syempre sa major namin at sa ibang subjects na wala kami na meron naman yung iba. Ako naman ay nagsisimula ng mag-review ng ako lamang. Ayoko kasing may kasabay, hindi ako makapag-concentrate at syempre pag may kasabay ka, kailangan mo din hintayin ang kasabay mo hanggang magets din niya yung pinag-aaralan niyo.


Matapos ang dalawang oras medyo marami naman akong natutunan at sila mukhang meron din silang nakuha sa review nila pero mukhang mas maraming asaran nga lang.


"Merienda muna tayo guys" alok ko sa kanila at mukhang nagutom nga sila dahil agad naman nilang sinunggaban ito. Nagpakuha na din ako ng juice kay Manang Belen na natimpla na namin kanina. Dalawang flavor naman ang inihanda namin, strawberry at pineapple juice.


"Wow, ang sarap naman nitong brownies at cookies Lee! Sinong nagbake nito?" tanong naman ni Yan sa akin habang isinusubo niya ang brownies sa bibig niya.


"Si Manang Cecile, magaling talaga siya. Alam mo bang pinanood ko lang siya noon sa Youtube sa paggawa ng simpleng cookies lang pero grabe naman yung result na gawa niya. Parang tinalbugan pa niya ang lasa ng original na ginaya lang niya. Hindi kasi siya nakukuntento sa ipinapakita sa video, sabi niya may kulang daw kaya binigyan niya ng sariling taste at twists. Galing niya noh? Pagkatapos nun, tinuruan ko nalang siyang mag-search ng video sa net at binilhan ko na rin ng tablet" mahabang explanasyon ko sa kanya.


"Ang bait mo naman, hmmm..Lee pwede mo ba ako samahan mag-cr? Naiihi na naman kasi ako. Baka kasi mawala ako dito sa mansyon niyo . Kanina nga tinaguan ako ni Yuri tas bigla nalang niya akong ginulat" reklamo niya dito.


"Sige, sure"


Sinamahan ko na siya sa cr at nakatayo lang ako sa labas ng pinto nito. Tumitingin lang ako sa salamin para tingnan ang itsura ko, madali naman siyang natapos at lumabas na din ng pinto si Yan. Pero paghakbang niya papunta sa akin, naipit naman sa tiles ng sahig yung takong ng sandal niya kaya na-out of balance siya papunta sa akin. Pareho kaming natumba sa sahig at nakapatong siya sa akin. Ang mas nakakagulat pa pati labi niya ay nakapatong na din sa labi ko. Parehong nanlaki ang  mga mata namin sa gulat!.


*****

Cliff hanger!!

Thanks for reading ;)

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon